6- The Conscience

1583 Words
KHIARA's POV : PAGKATAPOS ng mga mainit na sandali sa amin lalakeng ito, bumagsak na lang itong nahiga sa tabi ko. Habang ako, panay ang singhot ko habang patuloy na bumabagsak ang mga luha ko. Hindi ako makakilos ng maayos, para akong bugbog sarado dahil sa sobrang sakit ng katawan ko. Pinilit kong kumilos pero ang sakit ng balakang ko, sobrang sakit at sobrang hapdi ng gitnang bahagi ko. "Don't forced yourself! I know how it hurts, kung sana nagsabi ka ng mas maaga hindi sana tayo umabot sa ganito!" muling sambit niya, nakatalikod naman ako habang panay ang punas ko sa aking mukha. "Wala nang saysay na sabihin ko pa sa inyo, dahil hindi naman kayo maniniwala! At saka kailangan ko ng pera Sir." hindi naman umiimik ito, tanging buntong hininga ang naririnig ko sa kanya. Ibig sabihin, mabait siyang tao? Ibig bang sabihin nakokonsensya rin siya sa nangyari sa amin? Mula sa kadiliman pinilit kong bumangon, alam kong naghihintay na sila sa akin sa hospital. Kailangan ko ng madala ang perang kailangan ng kapatid ko. Muli kong kinapa ang mga suot kong damit kanina, alam kong punit punit na ang mga iyon pero ano pang magagawa ko? Tumayo naman ang lalake at saka inihagis sa akin ang isang damit. Pinulot ko naman iyon at isinuot, sakto lang sa akin ang haba nito. Nagmamadali akong naglakad at hindi ko na ito nilingon pa, kahit paika-ika akong maglakad pinilit kong makalabas mula sa madilim na kwartong iyon. Dala-dala ko ang isang brown envelope na naglalaman ng pera. Pagkababa ko ng hotel kaagad akong pumara ng tricycle para makauwi muna sa aming bahay. Dumeretso ako ng banyo para maligo, pinakatitigan kong mabuti ang aking sarili sa salamin, nanghihina akong napasandal sa dingding ng banyo. Wala na, sirang sira na ako! Ano pabang maipapagmamalaki ko ngayon? Wala na akong ipinagkaiba sa mga babaeng bayaran. Hindi ko lubos akalain na mangyayari sa akin ito. Sa isang iglap lang nawala ang pinakaiingat-ingatan kong dangal. "Ang dumi mo Khiara!" Nasampal ko ang sarili kong mukha. Mula sa pintuan mabibigat ang mga paa kong humakbang palabas ng bahay habang panay ang pagtulo ng aking mga luha. "Maipapagamot na kita ading ko!" Masaya ako sa isiping iyon, pero dobleng sakit naman sa akin ang naging kapalit nito. Kaagad akong pumara ng tricycle, hating gabi narin kaya mangilan ngilan na lang ang mga tricycle na dumadaraan. "Manong sa hospital po tayo, sa Carig po!" pagkasabi niyon ay kaagad namang sumibad ang tricycle. Nagmamadali akong bumaba ng tricycle at halos takbuhin ko na ang lobby ng hospital. "Miss, passes niyo po!" kaagad na pukaw sa akin ng guwardiya, oo nga pala nakalimutan kong ipakita ang gate pass ko. Wala sa sariling ipinakita ko iyon, sa akin nakatingin ang dalawang guwardiya at alam kong ako ang pinag-uusapan nila. Bigla kong natakpan ang leeg ko na sobrang dami ng pulang pantal. Alam kong doon nakatuon ang pansin ng dalawang guwardiya. Hiyang-hiya akong naglakad papasok ng hospital, naabutan kong natutulog si Aling Martha samantalang si Marianne naman ay gising pa. "Ate, Teka anong nangyari sayo bakit namamaga yang mukha mo?" nagpunas ako ng mukha at saka umiwas dito ng tingin. "Ah, wala ito! Kumain kana ba? May dala akong pagkain, sige na kumain ka na para makapagpahinga kana rin." mabuti na lang at hindi na ito nag-usisa pa, saktong namang lumapit ako kay Lawrence nang maramdaman ni Aling Martha ang presensya ko. "Khiara nandito kana? Kumusta ang lakad mo anak? Teka! Khiara napaano ka?" parang nanlaki ang mga mata ni Aling Martha pagkakita sa akin. Pinilit kong umiwas ng tingin dito. Pilit kong hinawi ang mahaba kong buhok paharap sa akin. "Khiara anak, magsabi ka ng totoo? May ginawa kaba? Sabihin mo anak?" naluluha akong napaharap kay Aling Martha kasabay ng walang tigil na paghagulgol ko. "Anak, Diyos ko! Bakit nagawa mo ito? Khiara bakit hindi ka man lang nag-isip anak? Kaninang pag-alis mo, ramdam ko na may gagawin ka, sana hindi na lang kita pinayagan kanina. Ito na nga ba ang kinakatakot ko eh, sorry anak, sorry dahil hindi man lang kita matulungan sorry!" umiiyak naring sabi ni Aling Martha. Lumapit narin sa amin si Marianne saka marahan akong hinahaplos sa aking likuran. "Ate Khiara, maraming solusyon!" umiiyak narin nitong sabi, habang yakap-yakap ako ni Aling Martha. "Wala nang solusyon ading, wala na akong ibang malapitan. Salamat, salamat sa inyo dahil kahit hindi niyo kami kaanu-ano nandito parin kayo handang tumulong sa amin." "Ano pa nga ba ang magagawa natin, tapos na! Sana lang anak magsilbing aral ito sayo!" tumango naman ako, tama si Aling Martha. Tama na ang isang pagkakamali ko, itatama ko na ang lahat pagkatapos nito magbabagong buhay kaming magkapatid. "Aling Martha ayusin niyo po ang mga gamit natin, kakausapin ko po ang doctor na mailipat po si Lawrence sa private hospital. Mas maganda doon, mas mapapadali ang paggaling ng kapatid ko. Kaagad na akong kumilos at pagkatapos kong ilakad ang mga papers ni Lawrence kaagad din itong inilipat sa isang pribadong hospital. Kinaumagahan nakatakda na ang operasyon ng kapatid ko, abot langit ang aking dasal na sana maging matagumpay ang lahat. Siya na lang ang mayroon ako, at hindi ako papayag na mawala sa akin ang kapatid ko, pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan ko kailangan niyang gumaling dahil marami pa kaming aabutin na mga pangarap namin sa buhay. Magiging engineer pa ito, at ako naman magiging isang pulis. Naging positibo sa akin ang lahat, at sa tulong nina Marianne at Aling Martha lumalakas ang loob ko. Matiyaga kaming naghihintay sa labas ng operating room, nanlalamig narin ang aking mga kamay habang pilit akong pinapakalma ni Aling Martha. "May awa ang Diyos Khiara, nakikita niya paghihirap mo, nakikita niya kung gaano mo kamahal ang kapatid mo. Magdasal ka lang anak, tutulungan ka niya." muling payo sa akin ni Aling Martha. Sa totoo lang kinakabahan narin ako, ayaw ko lang ipakita sa kanila dahil baka pati sila mawalan na din ng pag-asa. Patuloy ang aking pagdarasal, taimtim akong nananalangin. Hindi ko na namalayan ang oras, hindi ko narin alam kung ilang oras na kaming nakaupo sa labas ng operating room. Hanggang sa may lumabas na mula sa loob, kaagad ko itong kinausap. "Kumusta po ang kapatid ko Doc?" tanong ko dito, nakita ko ang bahagya nitong pagngiti sa akin. Nabuhayan ako ng loob ng makita ko itong ngumiti. "The patient is fine, successful po ang operation!" masayang balita nito sa amin. "Maraming salamat po, maraming salamat Doc!" "Huwag kayo sa akin magpasalamat, sa kanya kayo magpasalamat." sabay turo nito sa itaas. Walang mapagsidlan ang sayang nararamdaman ko, ito na ang hinihintay ko. Ipinapangako ko na simula ngayon, magbabagong buhay kaming magkapatid. Hinding hindi na ako babalik pa sa bar na iyon. "Ate?" nagmamadali akong lumapit kay Lawrence, sa wakas gising na din ito. "Ate, salamat ah!" kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha. "Tama na yang iyak mo ading, baka makasama pa sayo!" pinunasan ko ang mga namuong luha sa kanyang mata. "Ngayon at ayos kana, pilitin mong magpalakas. Hindi mo ba namimiss ang school?" natawa naman ito sa akin. Alam kong nagtataka ito kung saan ako kumuha ng malaking halaga para sa operasyon niya. Hangga't maaari hindi ko ito ipapaalam sa kanya. Ilang araw na kami sa hospital pero ni minsan hindi man lang kami binisita ng aming mga kamag-anak. Mabuti pa si Aling Lourdes, nagpupunta dito para magdala ng mga prutas. Pati ang mga kaklase ni Ading at teacher nito ay nagpunta rin para kumustahin ang kapatid ko. Sina Halter, Stella at Trixie naman ay panay din ang dalaw nila sa amin. Dinalhan din nila ako ng mga reviewer's kaya naging madali sa akin ang lahat. Final exam na namin at nalalapit na nga ang pagtatapos namin. Sobrang excited naming lahat dahil sa nalalapit naming pagtatapos, samantalang si Lawrence naman ay magtatapos narin ng Senior High, double celebration ito para sa aming magkapatid. LUMIPAS pa ang isang linggo tuluyan nang nakalabas si Lawrence ng hospital, nagawan ko narin ng paraan ang kanyang pag-aaral. Mabuti na lang at natapos niya ang lahat ng exams nila noong araw na inatake ito. "Ate! Ate, may tao sa labas. " tawag nito sa akin isang araw nang may kumatok sa aming pintuan. Binuksan ko iyon, at laking pagtataka ko ng isang malaking mama ang nakatayo sa aming pintuan, unipormado ito at hindi ko tiyak kung saan ito nagtatrabaho. "May kilala ba kayong Kendra Querubin?" nagulat ako, gulat na gulat ako. Bakit niya ako hinahanap? Gayong ang Kendra ay pangalan ko lang sa bar kung saan ako nagtatrabaho. Simula noong nagtrabaho ako doon bilang waitress nakiusap ako kay Mommy V na kung pwedeng Kendra na lang ang gamitin kong pangalan. "Hoh? Ah, eh wala pong Kendra dito? Bakit niyo po siya hinahanap, sa pagkakaalam ko sa kabilang kanto ang bahay niya." kinakabahang sabi ko. "Pinapahanap siya ng boss ko, sige pupuntahan ko ang sinasabi mo." kaagad kong isinara ang pintuan, samut saring kaba ang aking nararamdaman. "Diyos ko! Sinong boss ang tinutukoy niya? Anong kailangan nila sa akin?" Napapaisip ako, kung sinong boss ang tinutukoy niya. Hindi kaya ang lalakeng nakabili sa akin? Pero bakit? Anong kailangan niya sa akin? Naibigay ko naman ang nais niya, nagawa ko ng mabuti ang trabaho ko, bakit kailangan pa niya akong ipahanap? Nagbigay ng matinding kalituhan ito sa pag-iisip ko, hanggang sa isang desisyon ang sumagi sa isip ko. Tama! Kailangan naming makaalis ni Ading dito sa lalong madaling panahon, kailangan ko ng makahanap ng bago naming lilipatan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD