"ATE ano bang nangyayari?" naguguluhang tanong ni Lawrence ng makita niyang hindi magkanda-ugaga si Khiara sa pag-aayos ng mga gamit nila.
"Lilipat na tayo sa mas malaking bahay ading, masyadong maraming nangyari sa atin dito. Parte ito ng paggaling mo, ang pagbabagong buhay natin. Iwan na natin ang lugar na ito, bakit ayaw mo bang tumira sa mas malaking bahay?"
"Eh, gusto ko ate kaya lang may pera ba tayo? Kasi ang laki ng ginastos mo para sa operasyon ko."
"Huwag mong alalahanin yun ading, may awa ang Diyos. Magtatrabaho ako ng mabuti para mabayaran natin ng buo yung bahay." pagsisinungaling niya sa kapatid, kahit sa totoo lang nabayaran na niya ito.
Isang apartment building ang nabili niya, hindi pa tapos ang mga papeles niya pero napakiusapan na niya ang may-ari na kung pwede ay lumipat na sila. Pumayag naman ang may-ari dahil sa kanya din naman mapupunta ang building na iyon. Titira silang magkapatid sa isang unit ng building and the rest ay papaupahan niya para magkaroon sila ng kita buwan- buwan.
Malaking tulong ang nakuha niyang pera, pinambayad niya sa utang niya ang iba at ang natitira naman ay iniligay niya sa bangko para sa pag-aaral nilang magkapatid.
"Wow ate, ang ganda naman nito!" bulalas ni Lawrence ng makita niya ang unit na titirhan nila. Kumpleto narin ito sa mga kagamitan.
"Gusto mo bang makita ang kwarto mo?"
tanong muli ni Khiara sa kapatid.
"Talaga ate, may sarili akong kwarto?" excited naman itong pumasok sa isang kwarto doon.."Wow.. Thank you ate, da best ka talaga!" biglang nangilid ang kanyang mga luha, masaya siya na nakikitang masaya ang kapatid niya.
Isang araw napagpasyahan ni Khiara na puntahan ang kanyang manager, kailangan niya itong makausap ng masinsinan.
"Mommy V!" mula sa isang sulok ng bar, nagtatago si Khiara. Kanina pa niya inaabangan si Mommy V para makausap.
"Diyos ko Khiara, ikaw ba yan?" halos pabulong nitong sabi. Luminga linga muna siya sa paligid bago niya ito nilapitan.
"Khiara hindi ka dapat nagpunta dito, delikado!" gulat na gulat naman si Khiara, tama ang hinala niya. Lalo tuloy nadagdagan ang kanyang duda.
"Shhh.. Huwag kang maingay, teka sandali lang isuot mo muna ito at pumasok tayo sa kwarto ko!" kasabay ng pag-abot niya dito ng isang sumbrero.
Pagkapasok nila ng kwarto, kaagad siyang nagtanong dito.
"Mommy V, anong nangyayari? Bakit may naghahanap sa akin?"
"Kaya nga dapat hindi kana nagpunta dito! Alam mo bang pinapahanap ka nung nakabili sayo? Mabuti nalang at kilala ka nila dito bilang si Kendra." paliwanag naman sa kanya ni Mommy V.
"Hoh? Pero bakit niya ako pinapahanap? Mommy V, ito na nga ang kinakatakot ko noon pa man." pansin ang panginginig ng kanyang mga kamay.
"Huwag kang mag-alala dahil hindi nila alam ang tunay mong pangalan, yung pera mo gamitin mo para makalayo kayong magkapatid. Umalis na kayo sa dati niyong bahay, magbagong buhay na kayo Khiara, gamitin mo ang halagang iyon sa mabuti, magnegosyo ka. Tapusin mo ang pag-aaral mo, mangako ka sa akin Khiara huwag na huwag ka nang babalik pa dito. Magtiwala ka sa akin wala silang malalaman tungkol sayo." tumango tango naman ito.
"Oo Mommy V, salamat sa lahat. Ito nga pala, one hundred thousand yan. Sana makatulong ito sayo!" umiling naman ito.
"Hindi Khiara, sayo yan..Huwag mo akong isipin gamitin mo nalang yan para sa inyong magkapatid. Sige na, umalis kana dahil baka may makakita pa sayo. Alam mo bang malaki ang pabuyang naghihintay sa taong makapagtuturo kung nasaan ka? Hindi ko alam kung anong motibo nila, kung bakit kailangan kapa nilang hanapin. Ayaw kong mapahamak ka Khiara, sige na umalis kana!" nagmamadali naman itong lumabas ng bar, gamit ang sumbrerong pinasuot sa kanya.
SAMANTALA
"Marcus any news?"
"I'm sorry pare, wala eh!"
"Anong klase ba ang mga tauhan na nakuha mo? Damn it! It's almost a month now. Isang babae lang ang pinapahanap ko hindi niyo pa magawa?" kung tutuusin maliit lang na lugar ang Tuguegarao pero hindi nila ito mahanap-hanap.
"Walang Kendra tol, kahit saan sila maghanap wala!" saad naman ni Marcus sa kaibigan.
"Nasa iyo paba yung picture niya? Pasa mo nga sa akin." pinasa naman ni Marcus kaagad ang picture, hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. Isang matangkad at maputing babae, may mahabang buhok at wow may nakakaakit na katawan. Hindi kita ang mukha nito dahil sa suot nitong red feather masquerade.
Hindi niya nakita ang mukha ng babaeng iyon noong gabing may nangyari sa kanila. Mas pinili niya kasing nakapatay ang ilaw, dahil gusto niyang manigurado. Baka malagay sa eskandalo ang apelyidong iniingatan niya.
At dahil sa kalasingan niya noong gabing iyon wala siyang ibang maalala. Ang tanging tumatak sa isipan niya, siya ang nakauna dito. At ayon pa sa babae nangangailangan ito ng malaking halaga dahil nasa hospital ang kapatid nito na nag-aagaw buhay.
"There must be something about that girl, kasi hindi mo naman siya ipapahanap kung wala diba?" panay naman ang buntong hininga nito.
"Yeah! Mga gago kasi kayo, alam niyo bang walang karanasan sa s*x ang babaeng iyon?" turan nito sa mga kaibigan.
"What? Oh no! That's insane!" sabay iiling-iling nilang sabi.
"Yes! Nasira ang buhay niya ng dahil sa akin, ako lang naman ang nakauna sa kanya. Tsk.tsk. Sayang siya!" natawa naman sina Marcus at Luke.
"Wow pare, don't tell us na tinamaan ka sa babaeng iyon?" natatawang sambit ni Luke.
"I don't know! Basta naawa ako sa kanya, kaya kayo kumilos kayo dahil sayang ang ibinabayad ko sa inyo mga inutil!" nakayuko namang tumalima ang kanyang mga tauhan.
"Infairness she's perfect, she got the curved. Unlike your ex, this one is a total package, biruin mo she's still a virgin?"
"Nakokonsensya kaya ako, alam niyo ba yun? Siguro kung nalaman ko lang ng mas maaga tinulungan ko nalang sana siya. Kawawa nga eh!"
"Dude! We've got a situation!" humahangos namang sabi ni Cole. Sabay pa silang napalingon lahat.
"About what?" napakunot ang noo nila.
"Tito Dylan is here pare, galit na galit!" napalingon naman sila sa may pintuan.
"Oh you are all here! You gentlemen out!" sabay turo nito sa pintuan.
"And where are you going you spoiled brat?" napakamot nalang ng ulo si Kent.
"Daddy not now please!"
"Anong kalokohan ang ginawa ninyo ng mga kaibigan mo?" tanong ni Dylan sa anak.
"Wala po!"
"Sigurado ka? Anong ibig sabihin nito?" sabay lapag nito sa isang withdrawal slip na galing sa secretary niya.
"Ang laking pera nito Kent, saan mo ginamit ang pera? Don't tell me may illegal kayong ginagawa ng mga kaibigan mo?" pinanlakihan niya ito ng mata.
"Wala nga po, Daddy ginamit ko sa mabuti ang perang iyan. May natulungan akong isang tao, nang dahil sa perang iyan may naisalba akong buhay!" iyon lang ang pwede niyang sabihin sa ngayon, kilala niya ang mga magulang niya pagdating sa ibang tao. Matulungin ang mga ito, kaya nakakasiguro siyang maiintindihan nila ito.
"Sigurado kaba?" muling tanong ni Dylan sa anak.
"Yes Dad, kahit tanungin niyo pa ang mga kaibigan ko." muling giit ni Kent.
"Oh well, kung ginamit mo naman pala sa mabuti walang problema sa akin iyon. Sana sa susunod magsabi ka anak, ok?" sabay tapik nito sa balikat ni Kent.
Lihim namang natuwa si Kent, sa ngayon lusot siya. Sana nga lang hindi na magpaimbestiga pa ang Daddy niya.
"So ano, kailan ang balik mo ng Manila? Namimiss kana ng Mama mo, alam mo namang walang ibang bukambibig iyon kundi ikaw." nakaramdam naman ng konsensya si Kent. Isang buwan na sila ng Tuguegarao, nag-eenjoy na silang magkakaibigan dito. At dahil sa paghahanap niya sa babaeng naka one night stand niya, nakalimutan na nilang umuwi pa ng Manila.
"Sige Dad uuwi na kami, may trabaho kaba dito Dad?"
"Wala naman, binisita ko lang yung isang site natin dito. Dapat nga ikaw ang gumagawa nito eh, akala ko ba magseseryoso kana sa negosyo?"
"I'm sorry Dad, I'm a big failure! Promise this time magiging seryoso na ako."
tinapik siya sa balikat ng Ama bago siya nito iniwan.
"I will wait for that son!"
BAGO siya bumalik ng Manila, nag-iwan siya ng mga tauhan niyang maghahanap sa babaeng iyon. Hindi rin niya maintindihan ang sarili, anong mayroon sa babaeng iyon na hindi niya makalimutan?
Dumaan pa ang mga araw, pero walang kasagutan na makuha ang kanyang mga tauhan.
Tanging ang babaeng iyon ang laging laman ng isip niya, at kung minsan napapanaginipan din niya ito.
"f**k! I hate this feeling!"
Bakit ang lakas ng epekto ng babaeng iyon sa kanya? Ano bang mayroon sa kanya?
"s**t! Stop this nonsense Kent!"
"Ano bang nangyayari sayo anak? Simula noong umuwi ka galing ng Tuguegarao naging bugnutin kana? May problema ba anak, nandito si Mama." wika ni Lara sa anak, dahil pansin nila ang malaking pagbabago kay Kent simula nang umuwi ito.
"Nothing to worry Mama, I'm fine." hilaw namang ngumiti ito sa Ina. Kilalang kilala talaga siya ni Lara, simula pagkabata tanging ang Mama lang niya ang nakakaintindi sa kanya. Ito ang nagtatanggol sa kanya sa tuwing napapagalitan siya ng Ama. Kung tutuusin siya pa ang kinakampihan nito pagdating sa kanilang dalawa ng kambal niyang si Kurt.