"ANG dami kong problema sa presinto, dumagdag pa ang isang ito!" parang baliw na nagsasalita si Khiara habang inaasikaso ang boss nitong lasing na naman. "Ang bigat mo, Diyos ko hindi ko pinangarap na maging caregiver habang buhay! Arrggg.. Pulis ako!" sigaw pa nito kay Kent na noon ay tulog na tulog na. "Sir pwede ba huwag naman kayong magpabigat , arrgg.. Hirap na hirap na ako!" pabagsak niyang itinulak ito sa may kama nito. "Hmmm.." narinig pa niya itong dumaing. Napalakas yata ang pagkakatulak niya at nasaktan ang loko. "Lalasing lasing ka, tapos ako itong kawawa na mag- aalaga sayo! Eh kung iwan na kaya kita? Aba, may kasalanan kapa sa akin ah, namimihasa kana!" duro pa nito sa mukha nito habang hawak nito ang kanyang baba. "Alam mo gwapo ka sana eh! Masungit ka nga lang at masy

