"SIGURADUHIN mong good news ang dala mo!" "Opo Sir, ito po ang address nila." "Alam ko na, nauna ko pang nalaman kaysa sayo!" "May kapatid din po si Khiara Sir, Lawrence po ang pangalan. Silang dalawa nalang sa buhay dahil maagang namatay ang kanilang mga magulang. May mga anak po siya, pero wala po siyang asawa." Nag-iinit ang ulo ni Kent. "Then where's the good news? Alam ko na lahat yan!" nayayamot na nitong sabi. "Nagtanong tanong po ako kung sino ang Ama ng kanyang mga anak, wala pong makapagsabi Sir. Nagulat nalang daw yung mga nakakakilala sa kanya na buntis na ito. At ayon po sa nalaman ko, kaga- graduate lang daw niya noon nung nalaman nilang buntis ito, marami po siyang naging trabaho. At sabi po nung iba baka daw nabuntis siya ng mga naging costumer niya sa bar!" nagulat s

