"ATE magpahinga ka muna, pupuntahan ko lang ang mga triplet's! Huwag kang masyadong mag-isip ate, makakaraos din tayo sa sitwasyon natin ngayon! Pilitin mong magpalakas dahil uuwi na tayo!" hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na maluha, mukhang desidido ang kapatid niyang ilayo sila sa mga Cervantes. "DESIDIDO na ako Ate, sa ayaw at sa gusto mo lilisanin na natin ang Maynila!" hindi nakaimik si Khiara. Iniisip palang niyang malalayo siya kay Kent, hindi na niya kaya. Pero ayaw din niyang makipagtalo pa kay Lawrence lalo pa't kapakanan lang nila ang iniisip niya. LUMIPAS ang dalawang araw at tuluyan nang naging maayos ang kalagayan ni Khiara. Nakakakilos narin ito ng maayos, magkakasama sila ng mga triplets sa iisang kwarto na kinuha ng mga Cervantes para sa kanila. "Pwede po ba tayo

