SUNOD-SUNOD na pagtunog ng cellphone ang nagpagising kay Kurt, nakahiga siya sofa habang ang estrangherang babae na tinulungan nila ang nakahiga sa kanyang kama. "Kurt ano bang nangyayari sayo? Kanina pa kami tawag ng tawag sayo hindi mo sinasagot ang mga tawag namin!" malakas at galit na boses ng kanyang Ate Dhira ang kanyang naririnig mula sa kabilang linya. Muli niyang tiningnan ang kanyang wrist watch at eksaktong alas sais na pala ng umaga. "My God Kurt, kung kailan kailangan ka ng pamilya saka ka naman nawawala! Nagkakagulo na ang lahat, ano bang nangyayari sayo? Pumunta ka ngayon din ng hospital dahil kailangan tayo ni Kent!" nang biglang maalala niya may malaking problema palang kinakaharap ang kanilang pamilya. "Anong nangyari kay Kent? Ate umiiyak kaba?" biglang ragasa ng kaba

