NAGNGANGALIT na apoy ang sumalubong kina Khiara at Stella pagkabukas nila ng bakal na pintuan na iyon. "Babies?!" malakas na sigaw ni Khiara sa mga anak, pilit niyang hinahawi ang makapal na usok. "Ma-mama!" boses iyon Akira na tila nahihirapan nang magsalita. Kaagad na hinanap niya kung saang banda nagmumula ang boses nito, dahil sa kapal ng usok hirap na rin siyang huminga. Tagaktak ang kanyang pawis dahil sa sobrang init ng silid na iyon. "Babies, Mama is here, hang on mga anak makakalabas tayo dito! Hang on!" Hanggang sa narating niya ang isang malaking kama doon, samantalang si Stella naman umikot sa kabilang banda ng kama. "Mama we're here, under the bed!" muli ay sigaw ng isa sa mga triplet's. Yumuko siya ng kaunti para silipin ang mga anak na nasa ilalim. "Stella tulong, hil

