Chapter 1 (under edited po ang bawat chapter. Enjoy reading😊

1548 Words
Napaigtad ako nang marinig kong nagtatalak si Kate sa labas ng kuwarto ko. Naiinis akong bumangon at nagmadaling pumasok sa banyo. Paglabas ko ay siya ring pagpasok nito sa kuwarto ko. "Ano bang nangyari sa 'yo at nagtatalak ka?" Binato niya ang dalang sling bag sa kama ko sabay hinga ng malalim. Mayamaya pa ay tumulo na lang bigla ang mga luha nito. Nagtataka ko siyang nilapitan. "Ano ba kasi ang nangyari?" mahinahon kong usisa sa kanya. "Si Stephen, nakita kong kayakap niya si Lyca." Ngumiti siya pero makikita pa rin sa mga mata nito ang sakit dulot nang kanyang boyfriend. Dumistansya ako sa kanya, ngumiti at niyaya siyang umalis. Nagpaubaya naman siya nang hilain ko siya sa braso. "Ayos lang 'yan, hindi lang naman siya ang lalaki rito sa mundo." Pumunta kami sa lugar kung saan parati na naming pinupuntahan kapag off duty na namin sa ospital. Sa b****a pa lang ng pinto ay nakaabang na si Mader Tiray. Siya ang may-ari ng dance club na lagi naming tinatambayan ni Kate. Dito kami madalas nagpapalamig kapag may problema kaming dalawa. Madalas namin ito ginagawa. "O, akala ko ba hindi kayo darating ngayon?" bungad agad sa amin ng ginang. Nakahalukipkip si Kate habang may tinitingnan sa loob. Nakakunot ang noo. Dala ng kuryosidad ay napatingin na rin ako sa deriksyon na iyon. Namilog ang mga mata ko nang makita si John na may kahalikan na ibang babae! "s**t!" bulalas ko. Hindi agad ako nakakibo. Nang mahimasmasan ay umalis ako sa bar na iyon dala ang matinding sakit na nararamdaman. Hindi ko na alam kung nakasunod ba sa akin si Kate, walang lingon-likod akong tumakbo. Saktong may dumaan na taksi, agad ko iyon pinara ngunit naunahan ako ng lalaking nakabonet na itim. Nag-agawan kami. Naiinis ko siyang tiningnan. "Ano ba! Ako 'yong nauna!" pasigaw kong sita sa lalaki ngunit nakatitig lang sa akin. I can smell his perfume. Perfect! At ang bango ng hininga niya. Tila nawawala ako sa sarili. Kahit hindi ko nakita ang mukha niya ay alam kong maamo ito dahil na rin sa malungkot niyang mata. Napa-praning na yata ako. "Tapos ka na?" maangas nitong tanong. Bahagya pa akong napaigtad nang buksan niya ang pinto at pinasakay ako. Nakahinga ako ng maluwag nang isara niya ang pinto ngunit, nagulat ako nang sumakay siya sa kabila. Inutusan niya ang driver na umalis. Binalingan ko siya. "Ipara po n'yo ang sasakyan, bababa ako." "Di ba nagpumilit ka kanina?" "Pakihinto na lang ho," ulit ko. Pero hindi ako sinunod ng driver bagkus binilisan pa ang pagpatakbo ng kotse. Ilang minuto ang lumipas ay nasa tapat na kami ng subdivision. Malaki at halatang mayaman ang nakatira rito. Bumaba ang lalaki. Binuksan ang pinto at pinababa ako. "Manong driver, aalis na po tayo, tutal naihatid na po ninyo ang lalaking 'yan," sabi ko. Mahinang tumawa ang lalaking strangers at hinila ako pababa. Nagpupumiglas ako pero masyado siyang malakas. "Pasok sa loob, dito ka na magpalipas ng gabi." Iyon lang ang huli nitong sinabi bago ako iwan. Pumasok siya sa loob. Nakita kung tinanggal niya ang bonet patalikod sa akin. Nakaramdam ako ng takot. Hindi ko alam pero bigla ay iyon ang nararamdaman ko. "Ma'am pasok na po tayo sa loob," untag sa akin ng driver. I sigh. Sumunod ako sa driver. "Siguro naman hindi nila ako kakatayin dito." "Ma'am, mabait po si ser." Napatingin ako sa driver nang igaya niya ako sa loob. Malaki at malaki ang bahay. Kaunti lang iyong mga gamit pero bumagay naman ito dahil mamahalin ang mga naka-display dito. Sinamahan ako ng driver sa kuwarto ko. Wala siguro silang mga maids, tahimik kasi ang bahay samantala wala pa namang alas otso ng gabi. Pagkapasok ko ay sinarado ko agad ang pinto. Malaki at maganda ang desinyo ng kuwarto. Napapaisip pa rin ako kung sino 'yong lalaking nasamahan ko at inuwi pa ako dito sa bahay niya. Humiga ako, bigla na lang nanumbalik sa isipan ko ang nakita ko kanina sa bar. Pinagtaksilan ako ng boyfriend ko. Naglandas ang luha sa aking mga mata kasabay ng unti-unti akong hatakin ng antok. *** Nagising ako nang maramdaman kung may mabigat na bagay sa ibabaw ko. Mabilis kung ibinuka ang mga mata. Napaurong ang dila ko nang mapagtanto ko na ang lalaki kanina, ay ang nakadagan sa akin. Amoy alak at tila himbing na sa pagtulog. Masyado siyang mabigat kaya hindi ko magawang gumalaw. "Hmm." "Hoy! umalis ka nga! Bakit dito ka pumasok sa kuwarto ko?" angil ko sa kanya. Umungol lang siya. Mayamaya ay dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata. Kahit madalim ramdam kong pinagmasdan lang niya ako. Malakas ang pagtibok ng kanyang puso. Hindi ko alam pero unti-unting napahawak ako sa mukha niya. Ang lambot kahit may balbas ang panga niya, ramdam mo ang kalambutan niyon. Gumalaw siya at dahan-dahan ibinaba ang mukha at walang pasabing hinalikan ako sa labi. Nagpupumiglas ako pero masyado siyang malakas. Kahit anong galaw ko ay hindi niya ako binitawan. "Ano ba! Bitiwan mo ako!" "Akin ka lang!" aniya sabay halik sa panga ko pababa sa leeg ko. Nanghina ako nang malapatan ng labi niya ang leeg ko. Iyon ang kahinaan ko. Nagpatuloy siya sa paghalik sa akin hanggang makita niya ang dalawang bundok ko. Nanubig na rin ang mga mata ko. Nadarang na rin ako sa init. Kusa na ring bumigay ang katawan ko dahil sa kakaibang sensayong hatid niya sa katawan ko. "Walang puwedeng umangkin sa 'yo kundi ako lang." Mas lalong bumuhos ang luha ko. Alam niyang umiyak ako dahil naglikha iyon nang ingay. Dahil do'n ay tumigil siya at umalis sa ibabaw ko. "f**k! I'm sorry." Hinalikan ang noo ko. Ramdam ko ang kilabot ng mga oras na iyon. Umalis siya at padabog na sinara ang pinto. I sigh. Nakagat ko ang ibabang labi ko. Kaunting kimbot na lang at bibigay na ako. s**t! *** Kinaumagahan, nagising akong tanghali na. Alas nuebe na. Medyo masakit ang ulo ko. Tumayo ako at nagbanyo. May pagkain nang nakalagay sa tray. Kumain muna ako bago lumabas. Nadatnan ko ang isang ginang. Hindi pa naman masyadong matanda. Siguro nasa kuwarenta pa lang ito. Malawak ang ginawad niyang ngiti nang makita ako. "Good morning, ma'am. Nag-almusal ka na ba?" masaya nitong tanong. Magaan siyang ksusap. Sa halip na sagutin ang tanong niya napasulyap ako sa katabi niya. Malungkot at tulala ang bata. Lalapitan ko na sana nang biglang sumulpot ang driver. "Ma'am, ihahatid ko na po kayo sabi ni ser." Isang sulyap pa ang ginawad ko sa bata bago magpaalam sa ginang. "Aalis na po ako ale—" "Manang Mildred," pagtama niya sa sasabihin ko. Ngumiti ako at nagpasalamat. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang isipin ang bata. Sino kaya ang mga magulang no'n? Bigla ay nagka-interes ako sa paslit. Nakauwi akong hindi man lang nakita ang pagmumukha ng lalaking iyon. Napahilamos ako ng mukha nang maalala ang gagawin niya sana sa akin. Kamuntikan pa akong maangkin ng kumag na iyon. Pagdating ko sa apartment ay nando'n na si Kate. Halata sa mukha nito ang pag-aalala. "Thanks to God! You're here!" Napakislot pa ako nang yakapin niya ako. "Ang OA mo, para naman akong nawala ng isang taon niyan," pagbibiro ko. Kinurot niya ang tagiliran ko, "Paanong hindi? E, kitang-kita ko nga kagabi na sumakay ka sa kotse at may kasama ka pang lalaki," aniya sabay kuha ng tubig sa ref. Sinundan ko siya, kumuha na rin ako ng baso at nagsalin. Bigla na naman sumagi sa isip ko ang nangyari kagabi. *** Magmula nang araw na iyon ay hindi na ako tinawagan ni John. Masakit man pero hinayaan ko na lang siya. Mahal ko siya pero kung hindi talaga kami para sa isa't isa, much better kung kalimutan na lang din siya. Sa simula lang naman mahirap mag-move on. Nag-ayos ako ng gamit, ilang sandali pa ay umalis na ako. Nadatnan ko si Kate sa hallway. May kausap na lalaki. Guwapo at. . . at parang pamilyar ang pangangatawan. Nang makalapit ay matalim niya akong tiningnan. Ang werdo ng lalaking 'to! Nagkatinginan kami, tila pamilyar sa akin ang mga mata. Hinintay ko siyang magsalita, kung tama ang hinala ko. Pero hindi! Hindi siya nagsalita. Umiwas siya ng tingin nang irapan ko siya. "Friend, bagong kapitbahay natin," untag sa akin ni Kate. Bahagyang tumaas ang kilay ko. Tumikhim at niyaya na si Kate na umalis. Ramdam kung nakatingin ang lalaking iyon sa likuran ko. Wala naman akong balak na lingunin siya. THIRD PERSON POV Nang marinig ng binata ang mahinang iyak ni Celine ay bigla itong natauhan. Matagal na niyang sinsundan ang dalaga. Gaya ng kapatid niya, halos hindi na nga ito makapagtrabaho sa kompanya nila, dahil lihim niyang sinusundan si Celine. Masaya na siya kapag nakita ang ngiti ng dalaga. "F*ck! Ang gago ko," bulalas niya sa kaibigan. Ngumisi si Cloud. Alam niya kapag nagmumura ito, ay may nagawa itong labag sa loob nito. "Relax, lang p're," aniya sa kaibigan. Sumilay ang kakaibang ngiti sa labi nito. Hanggat maaari, babantayan niya ang babaeng matagal na nitong sinusundan. Kaya nga ng araw ding iyon ay lumipat siya sa apartment na katabi lang din sa nirerentahan ng dalaga. Tumayo si Eldon at saktong palabas ma siya nang makasalubong niya ang kanyang kapatid. May kakaibigang ngiti sa labi nito nang magtama ang kanilang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD