CHAPTER 2

1125 Words
Celine "Kailan kaya tayo bibigyan ng amo natin nang bunos." Kumain kami sa apartment niya. Nakasimangot habang sinusubo ang isang piraso ng laman ng manok. "Next month pa 'yon. 'Yon lang din naman inaasahan ko para may maibigay ako sa sugarol kong ama." Kumunot na naman ang noo ng kaibigan ko. Hindi na bago sa pandinig niya ang mga katagang iyon. Sumandok ako ng kanin nang marinig kong may kumatok sa pinto. Wala naman kaming inaasahan na bisita. Mabigat ang mga paang tumayo si Kate saka tinungo ang pinto. Wala rin naman akong pakialam dahil tutok ako sa pagkain ko. "Puwede makikain?" Napaangat ako ng tingin sa taong nagsalita. Nakaramdam ako ng kakaiba sa taong 'to! Tila pamilyar sa akin ang kanyang boses. "Wala bang kaldero sa inyo?" Sumilay ang kakaibang ngisi sa labi nito. "Celine, nakakahiya sa tao. Isang beses lang naman siguro saka marami naman 'tong niluto natin." Hindi na ako sumagot. Kumuha siya ng pinggan at nagsalin ng kanin. Ilang subo pa ang ginawa ko. "Maligo lang ako." Hindi ko na hinintay pang makasagot ni isa sa kanila. Gusto kong umiwas sa lalaking iyon. Kumukulo ang dugo ko. Pero may isang bahagi ng isipan ko ang nagtulak sa akin para alamin ang buo niyang pagkatao. Bakit nagkaroon ako ng interes sa taong 'yon? Pumasok ako sa kuwarto at naligo. Ilang minuto rin akong nakababad sa shower. Nang magsawa ay lumabas na ako. Matapos magbihis ay dinampot ko ang bag para makaalis na. Paglabas ko wala na 'yong lalaki. Hindi na ako nag-usisa pa. Umalis na kami papuntang ospital. Makalipas ang ilang araw ay nalaman kung may live in partner na si John. Basta na lang kami nagkahiwalay, ni hindi man lang nakapag-usap ng maayos. *** Sa ospital na kami kumain ng hapunan ni Kate, nang sa gano'n ay hindi na kami magluluto mamaya pagdating. Nagpaalam si Kate na magbanyo habang ako tinapos ko lang 'yong pagkain ko. Mayamaya lang ay bigla na lang hinablot ng kung sino ang pulsuhan ko. Sa gulat ay natapon ko ang mineral na hawak ko. "What the f*ck!" bulalas ko. Nginisihan lang ako at hinatak palayo sa lugar na 'yon. Madilim ang mukha at namumula ang mga mata. "Mag-usap nga tayo!" maawtoridad nitong sabi. Nagpupumiglas ako habang hila-hila niya ang kamay ko. "Ano ba John! Nasasaktan ako!" "Hindi ka masasaktan kung sumama ka sa akin ng maayos." Tumigil siya malapit sa exit. Walang tao at medyo madilim kaya nagsimula na akong mag-panic. Amoy alak at matalim niya akong tiningnan. "Ano bang problema mo?" Ngumisi siya at nagtangka siyang halikan ako pero nakaiwas ako. Umigting ang panga niya at nilapitan akong muli. Sa pagkakataong iyon ay hindi na ako nakaiwas pa. Sinubukan ko siyang itulak ngunit diniin lang niya sa akin ang katawan niya. Mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin, halos kapusin ako sa paghinga. Nang makahanap ng tiyempo ay kinagat ko ang labi niya at sinipa ang harapan niya. Namimilipit siya sa sobrang sakit. "Nagmamalinis ka pa sa lagay mong iyan? Marumi ka na nga!" Para akong binuhusan nang malamig na tubig. Nanginginig ang labi at kumuyom ang mga kamao ko. Nang makabawi ay nilapitan ko siya. Nakatanggap ng mag-asawang sampal. "Wala kang alam, John! Kaya 'wag na 'wag mo 'kong huhusgahan." Naiiyak na ako pero pinilit kong pigilan iyon. Sino siya para iyakan ko? Oo, masakit ang ginawa niya sa akin. Pero 'di niya deserve iyakan. Hindi na siya 'yong lalaking minahal ko noon. Nakahinga ako ng maluwag nang hatakin siya ng mga guard. Patakbo akong umalis, nakasalubong ko pa si Kate. Niyaya ko na siyang umuwi para makapagpahinga na. Mabuti na lang at pinayagan kami ni Dr. Solis na sa araw 'yong duty namin. ** Natapos ang gabing hindi pa rin ako inaantok. Bumangon ako at nagtungo sa banyo, pagkatapos ay dumeritso ako sa kusina para kumuha ng maiinom. Sakto namang kakaupo lang nang dumating si Kate. Kasama na naman nito ang lalaking sa kabila lang nangungupahan. Nangunot ang kilay ko. "Ano na naman at bakit ka naparito?" pagsusungit ko ngunit tiningnan lang ako. Blangko ang mukha. Ang guwapo at matangos ang ilong. Medyo morena at ang ganda ng pangangatawan. Napalunok ako sa isiping iyon. Napangiti naman ang mukong nang makitang natutula ako sa kaiisip. Tumalikod ako pero sinundan niya ako. Hinablot niya ang isa kong kamay na ikinagulat ko. Nabangga ako sa malapad nitong dibdib. Infairness ang bango! Tumikhim siya at binitiwan ako. "Alam mo, ikaw ang suplada mo, ang ganda mo pa naman sana," maangas nitong sabi. Napaurong ang dila ko. Itong lalaking 'to masyadong prangka. Ang talas ng dila! "Tssk!" "Kayong dalawa tingnan n'yo, baka ilang araw mabalitaan ko na lang, na kayo na." Napatingin ako kay Kate. Nakangisi habang nakahalukpkip. Umiwas na lang ako ng tingin nang magtama ang aming mga mata. Pamilyar talaga ang mga mata nito sa akin. Hindi kaya. . . "Hindi kaya ikaw 'yong nagtangkang gumahasa sa akin?" dere-deritso king turan sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Kate. Tila hindi makapaniwala sa narinig. Nang ibaling ko ang tingin sa lalaki ay madilim na ang mukha at umiigting ang panga. Tumayo siya at nagmadaling umalis. Natulala kami ni Kate nang malakas niyang isara ang pinto. Bakit naman naging gano'n ang reaksiyon niya? At bakit siya nag-back out? Nagkatinginan na lamang kami ng kaibigan ko. Hanggang sa ospital ay dala ko pa rin ang nangyari kanina. Iniisip ko kung 'yong lalaki nga ba talaga ang nagtangka sa akin. 3rd Person POV "Walang hiya ka! Simula't sapol alam mong minahal ko na si Celine, bakit mo siya pinangtangkaang gahasin? Ano bang problema mo?" sigaw nito sa kapatid. Ngumisi ang kapatid niya at iniwan siyang nakakuyom ang kamao. Ngunit pinigilan niya ito. "F*ck you!" Nagtagis ang bagang niya nang banggitin iyon ng kapatid niya. Kaya inundayan niya ito ng suntok sa mukha. Kamuntik pa siyang matumba nang sipain din siya ng kanyang kapatid. "Binabalaan kita, 'wag na 'wag mong galawin ang babaeng mahal ko! Noon pa lang alam mong gusto ko na siya!" "Baka nakakalimutan mo Eldon, kambal tayo kaya hindi malabong mapasaakin ang mahal mo," tugon ni Erik. Hindi na siya nito hinintay pang makasagot, tinalikuran siya at pumasok sa kuwarto nito. Naiwan na nakatingin sa kawalan si Eldon. Bakit ang kakambal pa niya ang nagtangkang gumahasa sa babaeng lihim niyang minahal? Nagawa na niyang paghiwalayin ang magkasintahan kaya mapapansin na rin siya ni Celine. Alam rin niyang may ibang trabaho ang babae maliban sa pagiging nurse nito. Hindi lingid sa kaalaman niya iyon. Matagal na niyang sinusundan ang dalaga. Bumuntong hininga siya bago bumalik sa apartment na nirentahan niya. Bukas na siya babalik para kausapin ang kapatid niya. Ang mahalaga ngayon ay makausap niya si Celine. Palabas na siya nang makasalubong niya ang babaeng matagal na niyang kinalimutan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD