CHAPTER 3

1006 Words
?????? May ngiti sa labi nang inisa-isa kong tingnan ang mga grado ng dalawa kong kapatid. Parehong matataas ang grades. Ngunit sumilay rin ang lungkot sa aking mga mata nang maalala ko si mama. Naging pabaya si papa sa amin. Laging sugal ang inaatupag. Pati dalawa kong kapatid nahawa na sa kanya. Malalim akong bumuntonghininga. Hayaan ko sila kung saan sila masaya. Ang mahalaga ay tuloy-tuloy sa pag-aaral sina Kylie at Madel. Lahat gagawin ko para sa kanila. "Ate..." Napangiti ako. Lumapit si Kylie at nagmano. Nasa bahay ako ngayon at cheni-check ko ang mga tao rito. Walang pinagbago. Ang dalawa kong kapatid at tatay sa akin umaasa. May dalawa pa akong kapatid na pinapaaral. Nakaramdam ako ng sama ng loob sa kanila. Minsan hiniling ko na sana'y ''di na lang namatay ang mama para hindi sana ako mag-iisa. Feeling ko nag-iisa na lang ako sa buhay. "Ate, sa inyo na lang po kami titira ni Ate Madel. Ayaw ko na po rito sa atin. Ginawa po kaming katulong ng dalawang ate," pagsusumbong ni Kylie, ang bunso namin. Naiinis akong tumayo at kinatok sa loob ng kuwarto ang dalawa ko pang kapatid. Nakailang katok ako nang buksan ni Ate Laila. "Ano at naparito ka? May ibibigay ka na bang panggastos dito sa bahay?" Sa halip na sagutin ay kinompronta ko sila sa kanilang pinaggagawa sa bahay na ito habang wala ako. "Hindi na kayo naawa sa kanila. Kayo 'yong walang trabaho dapat kayo ang gagawa ng trabaho rito sa bahay." Pinanlakihan ako ng mata ni Ate Laila. Tila hindi niya inaasahan ang narinig mula sa akin. Dumekuwatro siya at nagtangka akong sampalin pero agad kong napigilan ang kamay niya. Saktong palabas din ng kuwarto niya si papa. Nakangiti itong lumapit sa amin. Wala man lang pakialam sa nangyari. Parang wala ngang nakita. "Aalis na po kami, isasama ko muna sina Kylie at Madel." deretso kong sabi. Tumalikod ako at lumabas kasama ang dalawa kong kapatid. Wala man akong narinig mula kay papa ngunit alam kong galit siya dahil sa ginawa ko. Wala rin naman siyang magagawa dahil ako ang nagpapaaral sa mga kapatid ko. *** Ilang linggo na rin mula no'ng huli kaming pumasok sa club na ito. Medyo naninibago lang ako, marami pa rin namang mga tao pero hindi na gaano gaya ng dati. Kasalukuyan akong nagbibihis nang may humablot sa balikat ko. Napaigik pa ako, napalakas kasi ang paghablot sa akin. Nanlaki ang aking mga mata nang tingnan ko ito. Ang lalaki! Madilim ang mukha at gumagalaw ang panga! Bahagya akong napayuko nang titigan niya akong mabuti. "Leave here now!" Napanganga ako. Inuutusan niya ako! "Huwag mo akong pakialaman, Mr---" "Eldon." Pagtatama nito sa sasabihin ko. Nagtagis pa rin ang kanyang bagang. Nang hindi ako umimik ay nilapitan niya ako at hinubad ang suot na jacket. Pinaikot niya iyon sa katawan ko at walang pasabing pinangko ako palabas ng kuwarto. Nagpupumiglas man ako ay wala ring silbi dahil masyado siyang malakas. Naamoy ko pa ang hininga niya. Nagtataka lang ako dahil kung siya man 'yong lalaking kamuntik ng gumahasa sa akin sana naka-bonnet pa rin siya at hindi naka-display ang mukha. Maraming mata ang nakatingin sa amin. Nagtataka man ay wala ng nagawa pa si Mader Tiray. Hinayaan na lamang kaming makalabas ng club na. Madilim pa rin ang mukha habang nagmamaneho. Gusto kong magsalita pero bigla naman umurong ang dila ko. Ano na lang ang iisipin niya? Na nag-i-extra ako sa isang club? Well, hindi malabong iisipin niya iyon. Kitang-kita na nga niya ako na halos nakahubad. Tumikhim ako at akmang magsalita nang unahan niya ako. "Tumigil ka na sa pagtatrabaho mo sa club. Walang maidudulot sa 'yo 'yan nang maganda," maawtoridad niyang sabi. Binalingan ko ng tingin ang labas. Huminga ng malalim bago ibinalik sa kanya ang atensiyon na ngayo'y nakatitig lang sa akin. "Hindi maaari, marami akong binubuhay kaya kailangan ko ng extra service." "Bibigyan kita ng monthly allowance at panggastos ng pamilya mo, huwag ka lang bumalik do'n." "Hindi na kailangan," sagot ko. Pinarada niya ang sasakyan sa tapat ng grocery. Humarap sa akin at hinawakan ang dalawa kong balikat. "Please, hindi maganda sa 'yo 'yang trabaho mo. Hindi ka na safe. Paano kung malaman ng asawa ng client mo ang ginagawa ng asawa nito, kahit sabihin na nating walang nangyari sa inyo." Napanganga ako sa sinasabi niya. Kaya hinarap ko siya. "Ano'ng ibig mong sabihin?" "Nothing. Bumaba ka at mag-grocery tayo." Hindi na ako hinintay pang makasagot. Nauna na siyang pumasok. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng awa sa sarili ko. Naawa ako sa sarili ko! Hilam sa luha na sumunod ako sa kanya papasok sa pamilihan. Sa ngayon ay pag-isipan ko muna. ELDON Kanina ko pa siya pinagmamasdan habang inisa-isa niyang dinadampot ang pinamili namin. Tila wala siya sa sarili. Malalim ang iniisip. Ang tangos ng kanyang ilong. Bumagay sa makinis niyang mukha at ang kanyang labi ay kay. . . "F*ck!" Eldon, nahihibang ka na nga! Para akong baliw na kinakausap ang sarili. Hindi ko lang talaga matiis ang babaeng kasama ko ngayon. Napaigtad ako nang mag-ring ang cellphone ko. Si Donald. "Why?" "Gusto ko lang sabihin sa 'yo na nakasunod si—" "F*ck! I have to go." Hindi ko na pinatapos pa si Donald, pinatay ko agad ang tawag. Hindi maari! Not now! Hindi sila puwedeng magkita. Nang matapos ay nilapitan ko siya at kinuha sa kanya ang plastic na naglalaman ng groceries. Medyo mabigat kaya pinauna ko na siya. Mamaya na ako uuwi sa amin. Sa ngayon si Celine mo na ang i-priority ko. Siya na lang ang mayro'n ako. I'm freaking inlove with her! I'll do my best para mapansin niya lang ako. Ngunit malabo yata mangyari iyon dahil hanggang ngayon masungit pa rin siya sa akin. Wala namang pakialam ang mga taong nakapaligid sa akin. Ang pamilya ko. Isa pang sakit sa ulo ko ang babaeng matagal ko ng kinalimutan at ngayon babalik-balik pa. She's freaking liars. I hate her! "Eldon. . ." Sabay kaming napatingin sa taong tumawag sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD