CHAPTER 4

1630 Words
CELINE Napabalikwas ako ng bangon nang marinig kong may nagsisigawan sa labas. Kumukurap-kurap pa ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mata ko na nanggaling sa bintana. Nagmadali akong tumayo at tinungo ang pinto. Nasa b****a pa lang ako ng pinto nang marinig kong may nag-uusap sa sala ng apartment ko. Hindi ko masyadong marinig dahil sa ingay na nagmumula sa labas. Nagdamali akong pumanaog at nakita kong may kausap si Kate. Si Eldon at isa pang lalaki. Tumikhim ako. "Ano'ng nangyari? Bakit maingay sa labas?" Si Kate ang sumagot. "May nakita kasing patay sa pagitan nitong nirerentahan nating apartment at sa bakanteng lote." Nakaramdam ako ng kaba. Nandito pa naman ang dalawa kong kapatid. Saka puro kami mga babae. Paano kung mapahamak sila? Nilapitan ako Kate. Tila alam nito ang inaalala ko. Tahimik lang na nakatingin si Eldon. Malalim ang iniisip. "Babae 'yong biktima, saka bago pinatay ginahasa mo na ito." Mas lalo akong nabahala sa safety ng dalawang kapatid ko. Hindi maaaring may mangayri sa kanila. "Bakit ngayon lang nangyari 'to? Dati-rati wala naman 'to ah," sabi ko sabay upo sa maliit na sofa. "Don't worry, I'll do my best para mahanap ang taong sangkot sa nangyaring krimen." Umalis siya kasama ang isa pang lalaki. Napahilamos ako ng mukha. Sumilip ako sa bintana. Kaunti na lang 'yong mga tao. Pumunta ako sa kusina para makainom ng tubig. Nakasunod lang sa akin si Kate. "Sino kaya ang salarin?" Napatingin ako sa kaibigan ko. Hindi na kami safety sa inuupahan naming apartment na ito. Pero ayaw ko ring umuwi sa bahay namin dahil magulo ro'n. Umupo ako at inabot ang isang baso. "Hindi natin alam. Ang gagawin natin ngayon ay mas mag-ingat lalo pa't puro tayong mga babae rito sa apartment," tugon ko sa kaibigan. *** Madaling araw na pero hindi pa rin ako makatulog. Binabagabag ako ng takot. Pero napapaisip pa rin ako dahil isang taon na kami rito, bakit ngayon lang nangyari 'to? Isa pa sa iniisip ko ang babae kanina sa grocery na ex raw ni Eldon. Pakialam ko ro'n? Saka wala naman akong interes sa lalaking 'yon! Pero bakit no'ng landiin siya ng babae kanina sa harapan ko ay naiinis ako? ???? ??? ????, ??????! Mag-isip ka ng tama! Para akong temang na nag-iisip sa imposibleng mangyari. Bumangon ako at nagpasyang pumunta sa kusina. Nakaramdam ako ng uhaw. Nang buksan ko na ang pinto ay tumambad sa mga mata ko ang hindi pamilyar na bulto. Nakatalikod ito. Kumakabog ang dibdib ko. Nakikita ba niya ako? O 'di kaya'y nararamdaman ba niya ang presensiya ko? Nagmadali kong sinara ang pinto. Dinampot ko ang cellphone at dinayal ang numero ni Kate. Sana lang magising siya kaagad. Naka-apat na ring din iyon bago niya sinagot. "Celine, ano'ng oras na ba at napatawag ka?" "Kate, may taong nakapasok sa apartment ko. Dalian mo tumawag ka ng pulis!" pag-apura ko sa kanya. Ngunit tumawa lamang siya. "Friend, tauhan ni Eldon 'yan. Sorry kung 'di ka na-inform agad, paano tulog ka na eh." Nabuhayan ako ng loob. Salamat na lang at may magbabantay na sa amin. Lumabas ako at nagtungo sa kusina. Mag-alas singko na kaya nagpasya na akong bumangon. Hindi rin naman ako makatulog. Mamaya na lang siguro ako matulog. Dalawang araw na akong hindi nakapasok sa ospital. "Mam, Celine. Pasensiya na kung natakot kita kanina." Napaigtad pa ako nang bigla na lang sumulpot sa likuran ko ang lalaki. Nang makabawi ay niyaya ko siyang magkape muna na pinaunlakan din naman niya agad. Umupo siya paharap sa akin. Habang hinihintay ang pinakulo kong tubig ay hindi ko mapigilang mag-usisa tungkol kay Eldon. Ayaw niya pa sana sagutin ang mga tanong ko ngunit sa huli ay napasubo din siya. "Mabait po si ser Eldon, katunayan po niyan siya po ang namahala sa Romero's Company." Mataman ko lang siyang pinakinggan. Parang may katotohanan naman lahat ng sinabi niya tungkol kay Eldon, pero hindi pa rin kumbinsido ang isang bahagi ng isip ko. "Saka stalker ka rin po niya," aniya sabay higop ng kape. Napabuntonghininga ako sa huling sinabi ng lalaki na nagpakilalang Jonas. Isa raw siya sa mga tauhan ni Eldon. Ibig sabihin, big time ang mokong na 'yon? Ilang minuto pa ang lumipas ay may kumatok. Agad tumayo ang lalaki at binuksan ang pinto. Si Eldon! At may kasamang isa pang lalaki. May bitbit ang mga ito ng supot. Nilapag niya iyon sa mesa at dumiretso sa lababo. Kumuha na rin siya ng dalawang baso at nagsalin ng mainit na tubig. Sinusundan lang ng mga mata ko ang bawat kilos niya. Habang ang lalaking kasama niya ay kanina pa nakatitig sa akin. May pagkapilyo ang lalaking 'to. Umiwas ako ng tingin. "Kumusta ka na," untag ni Eldon sa akin. Napatingin ako sa mga mata niya. Malalim ang mga mata. Wala bang tulog ang lalaking 'to? "Hindi ka ba natutulog?" sa halip na sagot ko. Tumitig lang siya sa akin. Ni walang pakialam kung may kasama ba kami o wala. Nakipagsukatan ako ng titig sa kanya ngunit sa huli ay ako rin ang kusang sumuko. Tumikhim ako. "Hindi ako nakatulog buong magdamag." Rinig ko ang pagtagis ng bagang niya, kaya napatingin ako ulit sa mukha niya. Gumalaw ang panga niya. Uminom ng kape. Ang dalawang lalaki naman ay lumabas na. "Tinawagan ko na 'yong ospital. Mula ngayon dito ka na pumirme sa bahay para maalagaan mo ang mga kapatid mo," aniya sa maawtoridad na boses. Napanganga ako sa narinig, "ano'ng sinabi mo?" pag-uulit ko. Humalukipkip siya. "You hear me. At mas safe ka kung hindi ka lumalabas ng bahay. By next week matatapos na 'yong bahay na pinagawa ko at. . . at do'n muna kayo pansamantala titira." Namangha ako sa kanya. "Hindi kami sasama sa 'yo at mas lalong hindi ko iwan ang trabaho ko. 'Yon na lang ang pag-asa ng pamilya ko." Lumapit siya at hinawakan ang magkabila kong kamay. Tila nakaramdam ako ng kuryente do'n. Tinitigan ako ng mabuti at binasa ang laman ng isip ko. "Celine, I only protect you, because you are important to me." Nanatiling nakabuka ang bibig ko nang dahil sa sinabi niya. Tila mayro'ng paru-parong nagtakbuhan sa tiyan ko. Pero tutol ang isang bahagi ng isip ko. Nagugulahan ako. Hindi ko alam kung bakit. "Hanggat nasa tabi mo 'ko, hinding-hindi kita pababayaan." Mangha ko siyang tiningnan. Ramdam kong may taong nagpahalaga sa akin ngayon. Bigla na lang tumulo ang luha ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Pinunasan niya iyon gamit ang likod ng kamay niya. Napasinghap ako sa ginawa niya. "Celine. . ." Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses ni papa. Nakatayo ito sa may pintuan habang hawak ang isang supot. Dumiretso siya at inundayan ng suntok si Eldon. Natumba ito at himas-himas ang nasaktang mukha. Tumalim ang tingin ni papa sa kanya. Dinaluhan ko siya at pinatayo. "Papa naman, ano bang problema n'yo," mahinahon kong sabi. Dinig kong nagtagis ang bagang ni papa. Tumayo si Eldon at itinaas ang dalawang kamay bilang pagsuko. "Pardon, sir." "Pa, ano bang kailangan n'yo at naparito kayo?" inis kong tanong. Panigurado, hihingi na naman siya ng puhunan para pang-sugal niya. Ano pa nga ba? Wala namang pinagbago! Pumunta ako sa kuwarto at kumuha ng pera. Iyon lang naman ang sadya niya kaya siya napadalaw. Pagbalik ko ay nakaupo na sila parehas sa maliit na sofa. Lumapit ako sa papa at binigay sa kanya ang dalawang libo. Pang-sugal lang naman niya iyon. "Anak, pasensiya ka na kung naging pabaya akong ama sa inyo." Tinapunan ko ng tingin si Eldon. Seryosong nakatingin sa akin. Habang ako ay dahan-dahan nang naghabulan ang mga luha sa aking mga mata. Ito na 'yong matagal ko ng gustong marinig mula sa bibig niya. Tumayo siya at sinugod ako ng yakap. Napahagulhol na ako ng tuluyan. "Patawad anak, magmula ngayon ay kakayod na ako para sa inyo. Ako dapat ang magbanat ng buto at hindi ikaw," pahayag niya. Ilang sandali lang ay bumaba na sa kuwarto ang dalawa kong kapatid. Nagulat pa sila nang makita si papa. Lumapit at nagmano. "Maligo na kayo at nang makapunta na sa skwelahan," mando ko sa kanila. "Anak, ulam 'yang dala ko. Mabuti pa kumain na muna tayo bago natin pag-usapan ang dapat pag-usapan. Napatingin ako sa katabi niya na hanggang ngayon ay sa akin pa rin nakatingin. Pinanlakihan ko siya ng mata. Ngumisi siya at binalik ang tingin kay papa. ** "Kailangan natin pag-usapan ang kasal ninyo," salita ni papa sa amin. Nanlaki ang aking mga mata. Bakit ako ipakasal sa lalaking hindi ko naman nobyo? "Papa, ano bang pinagsasabi mo? Bakit ako ikakasal? Alam mo naman na gusto ko pang makapagtapos ng pag-aaral sina Madel at Kylie," inis kong sagot. Tumikhim si Eldon. Nang akmang magsalita ay binara ko na siya. "Ikaw ang pakana nito no? Bakit mo ginagawa sa akin 'to?" "For your safety," kaswal nitong sagot. Nag-aapoy ang mukha ko sa galit. Gano'n lang ba 'yon? Hindi kaya may ibang dahilan kung bakit ako ipakasal sa kanya ni papa? Bumuntong hininga ako at matalim kong tiningnan si Eldon. (THIRD PERSON POV) Pasipol-sipol si Erik habang nagmamaneho. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya makalimutan ang mukha ng babaeng kamuntik na niyang matikman. Ngumisi siya nang maalala ang maganda nitong katawan. "Fuck." Napahinto siya sa pagmaneho nang makitang may sasakyang humarang sa dinadaanan niya. Mula sa pulang ferrari ay bumaba doon ang isang seksing babae. Halos lumuwa na ang dibdib dahil sa suot nito. Maganda at halatang mayaman ang babae. Nang makalapit ay inakbayan siya nito. "Huwag muna akong isali sa listahan mo Sofia. Tama ng si Eldon ang naloko mo." Tinalikuran na niya ang babae. Pinaharurot niya ang sasakyan. Hindi siya magpauto sa babaeng iyon. Ang mahalaga sa kanya ngayon ay kung paano niya maangkin ang bagong babaeng kinababaliwan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD