04
Pagkasabi niyon ay pumasok na siya sa sasakyan, naiwan akong tulala dito at nakatayo.
Pano niya nalaman ang pangalan ko? parang kanina lang tinatanong pa nya diba?
wala naman akong I.D. Pano niya nalaman iyon?
baka naman manghuhula sya.
ok ivette nevermind, sino bang may pake kung alam nya pangalan ko. Baka naman familiar lang ako sa kanya.
"Hey, nababaliw kana ba?"
nagising ang diwa ko nang biglang sumilpot si kiel sa harap ko at kumakaway.
Bakit hindi ko namalayang dumating sya?
"Oo saglit, hintay lang, eto na weyt" isa isa kong binitbit ang mga paperbag na nilapag ko sa baba kanina at inilagay aa loob ng kotse, tinulungan nya'ko sa iba at sya rin ang nagpasok ng frame sa loob.
"Ano bang iniisip mo dyan ha, kanina ka pang tinatawag hindi ka namamansin para kang tinakasan ng kaluluwa" sambit niya.
"Wala naman,natulala lang sa sarili kong kagandahan, bakit ikaw ang pumunta dito?"
Natumba ang ilang paperbag nang buksan niya ang makina ng sasakyan. Inis niya itong inayos, para bang may galit sa paperbag hindi naman sya inaano.
"Ano ba naman tong binili mo, parang dun kana titira sa dami niyan, magaganit mo ba yan lahat? May pakinabang ba yan baka naman nag-aksaya kananaman ng pera ivette"
sermon pa, mama kita?
"At itong malapad na'to, anong gagawin mo dito itatambak nanaman sa bodega?" He pointed at the painting.
" ay hindi, wag kang mag-alala hindi ko yan itatambak sa bodega, ihahampas ko lang dyan sa pagmumuka mo."
"I'm serious here"
"mamamo serious, bat mo ba ako pinagsasabihan tatay ba kita ha!" nilapit ko pa ang bibig sa tenga niya para marindi sya at tumigil na.
"malamang, ako pinagbilinan ng mama mo. Kung mapagalitan ka dyan sa pinagbibili mo na yan na hindi mo naman lahat gagamitin malamang madadamay ako kesyo hindi raw kita pinagsasabihan" singhal niya.
wow ang mature na talaga nya grabe pwede na maging tatay ng future anak ni shim.
"Don't worry magagamit ko naman yan lahat, may kulang pa nga e hindi ko naibili ng lace si chuchi"
"In just one week? lahat yan?" Pagtukoy nya sa mga binili ko
"At hindi chuchi ang pangalan nya, it's BUDDY wag mo gawing babae yung aso ko" he added
ano bang meron? Inggit ba sya? Bakit hindi nalang rin sya mag mall para parehas kami dito.
at oo, lalaki talaga si CHUCHI, ano bang pake nya e hindi na naman nya inaasikaso yung aso. Bet ko kase ang pangalan na CHUCHI ang cute lang.
"pwede ba, andami mong tanong hindi ko naman dadalhin lahat yan, kung gusto mo rin mag mall sabihin mo sasamahan naman kita." lalaking to daming learn.
maya-maya ay nakarating na rin kami sa bahay. Pagkababa ko nang kotse ay isa-isa ko ulit kinuha yung mga pinamili ko, paperbags na muna ang inuna ko babalikan ko nalang yung frame mamaya.
It's 2pm na, at may pagkain nanaman na nag-aabang sakin sa mesa. Pagod na pagod ako kaya agad kong nilapitan iyon. Parang inaakit ko ng mga manok sa plato. Dalawang hita lamang iyon pero ang tingin ko tatlong buong manok na nagsasayaw sa plato
Baliw kana ivette
NAKAKAGUTOM.
Habang kumakain na-alala ko na may gagawin nga pala ako ngayon.
MAGSUSULAT NG STORY!
balak ko kasing pataasin ang skills ko sa journalism. At incase na hindi ako palaring maging professional photographer. Magsusulat nalang ako ng mga novel. It's really what i want wala akong balak mag archi.
masyado akong na excite kaya binilisan ko ang pag-kain. Ni-hindi ko na nga nadala sa lababo ang pinagkainan ko, dumeretso ako kaagad sa kwarto
Hinanap ko sa mga paperbags ang binili kong mga notebook kanina. Hindi naman ako nabigong hanapin ito dahil agad ko ring nakita.
Tumulala ako sandali, nag-iisip ng isusulat at kung paano ko sisimulan.
What about Fantasy? Mukang interesting iyon.
Mahilig din ako magbasa ng mga libro kaya hindi na mahirap saakin na mabuo ang plot ng gagawin kong istorya, Sa una ay mukang mahirap pero kung magfofocus at pag-iisipang mabuti, maganda ang kalalabasan. Kailangan lamang ng effort para matapos ito.
I like reading teen-fiction, halos lahat ng lalaki sa nababasa ko ginagawa kong asawa. Kaunti lang naman sila mga 99+
Kaya ang sinulat kong storya ay tungkol sa babae na nakapasok sa mundo ng libro.
Ginawa ko iyon hanggang sa mapagod ang mga mata ko at nakabuo naman ako ng tatlong parte o chapter kung tinatawag. Halos dalawang oras na din pala akong nagsusulat.
Pupunta na sana ako sa CR para maligo nang maalala kong nasa sasakyan pa pala ni kiel iyong pang-bigay ko kay lola.
Kailangan ko iyon kuhanin ngayon dahil didikitan ko pa iyon ng message
Kinatok ko ang kwarto ni kiel para itanong kung naka lock ba iyong kotse niya pero walang sumagot. Baka wala sya dito.
Bumaba na ako at lumabas ng bahay, hindi dito sa loob naka park si kiel, hindi pa niya naipapasok ang kotse nya mula kanina. Nasa harap lang siguro iyon ng gate.
Napatalon ako sa gulat ng biglang sumulpot si kiel sa harapan ko.
"Ano ba, nanggugulat ka" sigaw ko
"hindi kita ginulat, natimingan mo lang lumabas kung kelan paparyan ako, san ka pupunta?"
"Kukunin ko yung frame na binili ko kanina, naiwan sa kotse mo. Naka lock ba iyon?"
Hindi siya sumagot, iniabot lang niya ang susi at tinalikuran na ako.
psh bastos.
Pinuntahan ko na ang kotse nya at kinuha ang dapat kong kuhanin.
Nakakainis yang si kiel, paiba-iba ng mood.
"What? hindi ba't sinabi ko na ayusin nyo agad yan?— what?— okay bilisan nyo nakaalis naba si Clark dyan?—okay i'll wait here" mula dito sa kotse rinig ko ang tinig ng isang lalaki na mukang may kausap sa kabilang linya.
Pamilyar din ang boses niya parang narinig ko na kanina—
KANINA?
ini-lock ko na ulit ang kotse, inayos ko muna ang shorts ko para makatayo ng maayos. Binuhat ko ang frame at naglakad papasok sa gate. Napatigil pa ako nang maramdaman na nalaglag yung cellphone ko.
Boom, shoot!
Napapikit na lamang ako sa inis, ang hirap hirap ibaba nitong painting na'to
Dahan dahan kong inilapat na lupa ang frame at lilimutin sana ang cellphone ko pero hindi cellphone ang nakita ko sa semento
PAA
OO PAA
naka converse na rubber shoes pa.
Iniangat ko ang tingin ko sa may-ari ng paa, nakangiti pa akong binaybay ang katawan nito mula paa pataas, nawala lamang ang ngiti ko ng makita ang muka niya
Mukang paa
Kems
So sya pala, sya yung may kausap sa cellphone kanina. Kaya naman pala familiar ang boses ng ugok.
"Ginagawa mo dito?" Bored kong tanong
"Naliligaw ako, pwede mag-tanong?" He asked
"Naliligaw? Kita mo ba tong harapan ng bahay namin? Highway na yan diba, pano nangyaring naligaw ka dito?"
He's crazy. Sino ba namang tao ang maliligaw dito eh halos katapat nga lang ng bahay namin ang sunod sunod na food chain, unless hindi sya tao
"I, mean saan dito yung sakayan ngayon lang ako napunta dito kaya hindi ko alam gusto ko nang umuwi" paliwanag pa niya "and here's your phone nalaglag"
kinuha ko ang cellphone mula sa kanya at tinuro sa kanya ang daan papunta sa malapit na sakayan. Bawal kasi pumara ng taxi dito.
"Deretso ka lang dito" turo ko sa daan sa gilid namin "tapos mah makikita kang tindaham dyan."
"Then?"
"Then, dun ka magtanong"
Biglang naging seryoso ang muka niya kaya napatawa ako ng kaunti
"Deretso ka lang dyan tapos may maliit na daan sa kanan baybayin mo hanggang makarating ka sa sakayan"
"Okay, thanks" binigyan nya lang ako ng isang ngiti at umalis.
"Teka, pano mo pala nalaman ang pangalan ko?" curious ako e bat ba
May sinabi siya bago tumalikod at umalis.
Sinagot ba nya yung tanong ko?
Snobber lang?
feeling famous?
Unti unti kong iniangat ang frame at binuhat ito papasok ng bahay, nagsulat ako ng isang message para kay lola, hindi ko alam kung pano ibibigay tong message, iaabot ko ba? o ididikit ko nalang dito? Baka naman malaglag sayang effort ko.
Tinagtag ako ang isang bala ng stapler na nagsasara sa karton na nakabalot sa frame, doon ko pilit isiniksik ang papel na sinulatan ko. Nakahinga ako ng maluwag ng matapos ko ang mga dapat kong gawin.
Excited na'ko para bukas!
Tulad ng lagi kong ginagawa, nagcoconcert ulit ako sa CR habang naliligo.
Ang saya kaya try nyo.
"Sa puso koy nag-iisa kahit merong iba kahit hindi tama ang ginagawa sinta ~
basta bay makasama lang kita kahit kapiling mo pa siya~"
Feel na feel ko pa ang pag-kanta with matching pikit pikit ng mata.
"At wag ng mangamba kahit sabihin na kalimutan ka di ko to makakaya ~
basta bay makasama lang kita kahit kapiling mo pa siya~
It really hurts ang magmahal ng gani—"
"wag ka nga maingay dyan! you should sleep early, maaga rin tayong aalis bukas" kiel shouted
Panis! sa ganda ng boses ko, ayaw ni kiel na may makarinig saakin baka daw pagkaguluhan ako mwehe.
"Yes sir!" I shouted back
Pagkatapos kong maligo ay mag blower ako ng buhok para makatulog agad, super sakit na ng mata ko.
- THE NEXT DAY-
"Get up, nakabihis na'ko" i heard kiel's voice. Mukang napasarap ang tulog ko
Kinapa ko ang cellphone sa tabong table para tingnan kung anong oras na. Its 4:28 AM ang aga-aga pa bat ba nagmamadali ang isang yon
I take a shower first, pagkatapos ay inilagay ko ang mga dadalhin ko sa isang bag bago lumabas ng kwarto.
"Bilisan mo" utos ni kiel
"Bakit ka ba nagmamadali?"
As always, hindi nanaman sya sumagot
Binilisan ko nalang ang pagkilos ko at baka ma- high blood pa ang master natin.
Kumain lang ako ng kaunti at nag toothbrush.
Kinuha ko sa kwarto ang mga inayos kong gamit kanina at dinala sa kotse ni kiel. Pagka-ayos ko ng mga gamit ay sumakay narin ako aa loob.
Inaantok pa'ko.
Nagising ako nang mamalayang umaandar na pala ang kotse at sumisikat na ang araw.
"Kanina paba tayo naka alis?"
" 1hour na"
Sa pagkakatanda ko, inaabot ng 8hours ang byahe mula sa bahay hanggang sa probinsya na iyon.
Boring.
Kinuha ko nalang ang cellphone ko sa isa kong mini bag at nag-aliw.
"Why are you crying?" Nagtatakang tanong ni kiel.
"eh kasi kiel sana ikaw nalang yung namatay" patuloy ako sa pagluha ang ganda ng moment ko dito kaso biglang tinigil ni kiel ang sasakyan.
Nice, muntik pakong mahulog sa upuan ko.
"What the hell? Nababaliw kana ba talaga? Gusto mo bang ideretso na kita sa mental?" Sabi niya at sinimulan ulit mag drive.
hindi ko sya pinansin.
e kasi naman, pinatay nung author yung bida sa binabasa ko. Wala namang ginagawa yung tao, pinatay nya dapat sa kanya nakukulong huhu.
Mahabang katahimikan ang bumalot sa buong byahe namin. Naiinip ako sa byahe paulit ulit lang ang ginagawa kong kumain, mag cellphone, at matulog.
eto nga ako ngayon at kagigising lang ULIT
saktong pagsilip ko sa labas at natanaw ko na ang boundery, senyales na nasa probinsya na kami
WELCOME TO MARCILEDA, THE PROVINCE OF HOPE
whoa!
Palayan ang unang bumungad saamin
ang ganda!
halos green lahat ng natatanaw ko dito
at ngayon lang ulit ako nakakita ng ganito!.
Lumipas pa ang 30minutos ay tumigil na ang aming sasakyan. Naunang lumabas si kiel at may sinalubong na lalaki.
Tingin ko ay nandito na talaga kami,
Sa bawat gilid ay may hele-helerang bahay na nakatayo, maraming gawa sa kawayan, meron namang gawa sa flywood, at meron ding gawa sa bato, alin kaya dito ang bahay ni lola?
Nilapitan ko si kiel na ngayon ay nakikipag usap sa isang lalaki, kamag anak kaya namin to? Naka cap at mask sya kaya hindi ko makita ang muka.
Kinulbit ko si kiel at agad naman nya akong nilingon "asan dito bahay ni lola?" i asked.
Lumingon ulit siya sa kausap na parang binalewala lang ang sinabi ko.
"Sasamahan ka ni Jaylen, maiwan ako muna ako dito, daldalhin ko ang mga gamit natin"
Sumang ayon ako, grabe ang sarap makalanghap ng fresh air!
Naglakad kami papasok sa isang flat na daan semento naman sya pero hindi kakasya ang kotse
Nilingon ko si Jaylen para sana tanungin kung malapit lang ba ang lalakarin namin. Seryoso lang syang naglalakad at tuwid na nakatingin sa daan
"Hey, connected ba tayo?"
tiningnan nya lang ako
" i mean kaano-ano kaba namin? uncle? pinsan or what?" Tanong ko ulit.
"Your future."