03
"Cause there is no guarantee~
That this life is easy~"
i having my own concert here in my CR habang bumubuhos ang malamig na tubig galing sa shower
sa sobrang galing ko, pati sabon, shampoo, toothbrush pumapalakpak
"Yeah, when my world is falling apart~
When there's no~
light to break up the dark~
That's when I, I~
I look at you~"
After taking a bath, ginawa ko muna ang skin care ko at nag blower ng buhok. Kelangan fresh tayo ngayon.
Its saturday
Pupunta ako sa mall para mamili ng dadalhin sa probinsya, bukas daw ay pwede na kaming umalis, buti nalang at naayos agad ni kiel ang schedule nya.
I decided to call lou para samahan ako mamili, sigurado akong wala naman silang ginagawa, lagi lang silang tulog pag weekend.
"Umalis si Louise, hindi ba nya nasabi sayo? May kasama syang dalawang lalaki at isang babae"
"Ah okay po tita, sorry sa abala" umalis sya? sino naman kaya yung kasama nya?
Baka naman kumakain lang, anduga hindi manlang nagsabi.
Tinawagan ko rin si shim pero busy daw sya. Si deb naman may tinatapos pa
ng shooting kinuha sya ng tita nyang model para mag endorse ng beauty product.
That's new ha, busy ang mga tao ngayon. Parang nakikita ko na ang future nila.
Magpapasama sana'ko kay kiel kaso mukang bad mood sya, nireregla ata kaya wag nalang.
Ang ending ako nanaman mag-isa, boring manlilibre pa naman sana ako buti nalang wala sila, pati kasi pera ko wala e mwahaha.
I wear a tank top and denim short.
odiba, pak! ang sexy ng lola nyo
wala akong jowa kaya walang magagalit.
Pumunta muna ako sa kitchen at kumain, pag dating ko roon ay may nakahanda nang pan cake. Sinabi ko kasi sa kanila na eto nalang muna ang kakainin ko.
Haler nakakasawa ang gulay, lalo na yung lettuce na hindi nawawala sa mesa.
Feeling ko tuloy isa akong kambing na naka-kulong at sosyal ang pag-kain.
Habang kumakain, pumasok sa isip ko yung bata na natamaan ko ng bola sa playground.
yung bata ba talaga na isip mo o yung kuya?
yung bola, kawawa kasi e kung kani-kanino nalang tumatama.
Hindi ko na natanong kung saan sila nakatira dahil umalis ako kaagad, hindi manlang kami nakapag kwentuhan.
Baka hindi sila taga dito? hindi sila pamilyar sakin e.
Pagkatapos kong kumain, kinuha ko ang wallet sa kwarto at nagpa hatid na sa mall.
Hindi ko na pinaghintay yung driver dahil baka mainip siya, matagal pa naman ako kung mamili. Siguro mag co-commute nalang ako pauwi.
I'll buy a pair of boots!
Province yon malamang kaya boots ang binili ko, alangan namang mag high heels ako don dibuh?
agad akong dumeretso sa shoe area at naghanap ng boots.
Maraming uri ng bota ang nakahilera sa bawat lalagyan niyon, i choose color black since mahilig naman ako a dark colors.
Parang ang hirap naman nito bitbitin? wag nalang kaya?
ay hindi, ngayon lang ulit ako makakapunta doon kaya susulitin ko na.
Bumili na rin ako ng snaks na kakainin ko sa mahabang byahe bukas. OMG excited na talaga akong makarating doon feeling ko nandon ng swerte ko!
feeling ko lang.
After buying my needs, i decided to go home na. Masyado mabigat ang dala kong paperbags kaya binaba ko muna ito saglit. Napatigil ako sa harap ng isang Art Station. Nanlaki ang mata ko nang makita ang ibat ibang painting na nka display dito. Naka glass window ang station kaya tanaw dito ang mga nakalagay sa loob.
Kahit nahihirapang maglakad, kusa akong dinala ng mga paa ko papalapit doon.
Mas lalo akong namangha nang makapasok ako sa station. Nasa pinto pa lamang ay sinalubong na agad ako ng mga naggagandahang imahe. Maganda ang pagkakasalansan ng mga frame. At naka arrange base sa laman nito.
Mayroong mga bulaklak, lovers, nature,animals, patterns and many more.
Napatigil ang paningin ko sa isang larawan. Modern ang itsura nito. May isang matandang babae na nakatayo, nakataas ang dalawang kamay at nakatingin sa papalubog na araw, kaharap niya ay ang isang taniman ng palay, sa gilid nito nakalagay ang bahay na gawa sa kawayan.
Balak ko sanang haplusin ang lawaran nang mabasa ko ang note na nakadikit sa baba ng frame.
"This touch don't if your dirty is hands?"
what the hell?
sinong lamang-lupa naman ang maglalagay nito sa isang magandang painting?
"Bibilhin nyo po ba ang isang yan miss?" may biglang sumulpot na babaeng naka uniform at nakaturo painting na kanina ko pa tinitingnan.
"Ah, yes. Magkano?" I asked
"Ay buti nalang, alam mo bang matagal na yang naka display dyan?" chika naman ni ate
"Oh? walang may type? ang ganda nga e perfect yung gradient at texture nya"
"type nga po nila e, kung hindi lang si Lola Peach ang gumawa niyan ay baka matagal na yang nabili"
"Lola peach?"
"Sya yung nag paint nyan, sya rin ang naglagay ng note sa baba at bilin na huwag tatanggalin
So, sa art lang pala sya magaling.
"Sige bibilhin ko na, pakibalot"
Ireregalo ko iyon kay lola, i'm sure magugustuhan nya iyon.
"874 miss" sabi nung babae sabay abot ng pinabalot ko'ng painting
"874 lang?" Nagtataka kong tanong. Hindi ba lugi yung lola na gumawa nito? ang gandang masterpiece tapos ipagbebenta nya lang sa murang halaga.
Akala ko aabot ito ng 3k akala ko lang pala.
"Yes,pinagbenta lang daw yan ni lola peach para pambili ng santol. Okay lang yan mayaman na iyon ngayon."
"Okay, thanks" muli ko nang kinuha ang paperbags na dala ko kanina at umalis na sa building.
Hindi ako makapaniwala sa matandang iyon. Pinagbenta nya ang isang magandang painting para sa santol?
"Oh sakay na, sakay, sakay byaheng Concorja, dito sakay, sakay" ayan agad ang narinig ko pagkalabas sa mall. Malalakas na sigaw ng jeepney driver.
Curious tuloy ako kung hindi sila nawawalan ng boses?
"Dito na kayo para makaalis na, walang taxi ngayon may meeting silang lahat, sakay na"
Oh bad news wala raw taxi
It's okay tatawagan ko nalang si kiel para ipasundo ako dito.
Ibinaba ko muna ang mga paperbag at kinapa ang cellphone sa bulsa, pero hindi ko iyon nakapa.
Bwiset makisama kang cellphone ka wala akong sasakyan pauwi.
Agad akong nanlumo nang maalalang wallet lang pala ang kinuha ko sa kwarto kanina.
Ibig sabihin, nasa bahay ang cellphone ko.
Worst Day pala ngayon, di ako na-inform.
Pano ba'yan ivette no choice.
Mag jeep ka ngayon.
Hindi ko maimagine na magkakasya ako doon, malamang sikip sa loob non, pano magkakasya 'tong mga binili ko?
"You need help?" Isang baritonong boses ang aking narinig mula sa likod ko
"Phone" lutang 'kong sagot
"What?" He crossed his arms and smile at me.
"Ah, i mean may phone ka ba? Load? Pwedeng patawag? Naiwan ko kase yung sakin sa bahay, walang taxi ngayon at hindi naman ako magkakasya sa jeep kelangan kong magpasun—" naputol ang sasabihin ko nang nigla syang magsalita
"Taga saan ka? What's your name first?" He asked
"B-bakit? crush moko no? Siguro sinusundan moko no?"
"Tss, nagsisigurado lang baka mamaya itakbo mo pa phone ko e"
Uror! Wala akong balak magpakilala sayo!
"Tingin mo ba makakatakbo ako sa lagay na'to?" Tinuro ko ang mga dala kong paper bag. "At excuse me lang no? HINDI AKO MAGNANAKAW kaya ko bumili ng sampo'ng phones" i roll my eyes
"edi sana bumili ka nalang, bakit nanghihiram ka pa?"
"Bat ba andami mong tanong? kung pahiramin mo nalang kaya ako no?" Lakay maka asar neto
feeling close?
he handed his phone to me at agad kong kinuha iyon
"Pag-itinakbo mo yan, akin ka na"
akma akong tatakbo nang hilahin nya ang braso ko
"Akala mo ba hahayaan kitang tumakbo? ayoko sayo no" rinig ko pa ang pagtawa niya.
Kala mo naman itatakbo ko talaga, ni-try ko lang naman.
agad kong ini-dial ang number ni kiel, buti nalang at kabisado ko, sya kasi ang lagi kong tinatawagan pag magpapasundo ako.
Ibinalik ko sa kanya ang cellphone nya "oh saksak mo sa baga mo"
"Wow, you're welcome young lady" he said sarcastically
wala akong balak magpasalamat, matapos nya'kong barahin kanina ano sya hilo.
"Oh bat hindi ka pa umaalis dyan?" Tanong ko nang mapansing nakatayo parin sya sa likod ko.
"Waiting for your thankyou young lady" Mala anghel nyang tinig ang ginamit pero naka taas naman ang isang kilay
" edi thankyou!"
"bat ka galit!"
Hindi ko na sya pinansin dahil may isang kotse na ang tumigil sa harap namin.
May sundo din pala sya.
Nilingon muna nya'ko bago pumasok aa kotse.
"Ingat,
Ivette Debroux"