Chapter 02

1207 Words
02 "Nice to meet you" i gave him a smile before looking at my watch "i need to go, bye." The lil' boy waived his hand while shouting "ba-bye!" Kinakausap ko si chuchi habang naglalakad pauwi, gusto ko sana siyang ibili ngayon ng lace kaso hindi siya pwedeng ipasok sa mall kaya sa sunod nalang. "Sa tingin mo chuchi magiging photographer ako?" "Arf!" "Pag naging photographer na'ko ikaw una ko gagawing model ha! Gusto mo ba mag artista? ipapasok kita sa mga movies or music video!" sunod sunod na sabi ko para namang naiintindihan nya yon baliw kana ivette "Tapos pag kumikita na'ko dadalhin kita sa magiging bahay ko bibili pa'ko ng bagong aso para may kasama ka, gusto mo yon?" sa kaka-daldal ko, hindi ko na namalayan na nasa bahay na pala'ko. Sa likod ulit kami dumaan. Binalik ko si chuchi sa kulungan nya at muling tinali ang lace nito. "Dyan ka muna ulit, don't worry ako magpapakain sayo later, pag may time ako lalabas ulit tayo kaya behave ka lang dyan, okay?" She waved her tail and answer with her language arf. Nadatnan ko si kiel na nakaupo sa harap ng mesa at may hawak na tasa, pampawala daw kase ng antok ang kape, for sure magpupuyat nanaman yan mamaya. "San ka galing?" He asked in a cold voice, ganito sya pag bad mood nagiging serious type bigla. "lumabas lang kami ni chuchi, san si mama?" "wala pa" Dumiretso nako sa kwarto at binagsak ang sarili sa kama. Ahhh i'm so tired! Nakipag-titigan lang ako sa ceiling hanggang dalawin ng antok. Tamang papikit na ang mata ko nang biglang may kumatok sa pinto. epal. "Kakain na" boses ni kiel "Ha?" I shouted "I said kakain na, lumabas kana dyan" "Hatdog" "Your mom are waiting" narinig ko ng yabag ng paa nya papaalis wrong timing naman oh! kung kelan inaantok na'ko e. Lumabas ako sa kwarto na malamlam ang mata para bang anytime babagsak na. "Hi sweetie, how's your school?" my mother asked in a sweet voice "hindi naman ako ang may-ari nung school ma" "Funny?" She looked at me with matching taas ng kilay Umupo nalang ako sa upuan tabi ni kiel at sinimulan kumain. "Wala ako next week hindi ako makakauwi dito, wala na rin kayong pasok right? Gusto mo bang dalawin lola mo sa probinsya kiel? Isama mo si ivette." Si mama ang bumasag sa katahimikan. "Papaluwagin ko pa schedule ko, pwede ko naman i-cancel muna yung iba kaya sige" sambit ni kiel bago kainin ang nakalagay sa kutsara. Yes whoa! makakamtan ko ang kalayaan! tungkol sa probinsya lamang ang pinagusapan nila hanggang sa matapos kumain. Nagpaalam na ako na babalik muli sa kwarto para ituloy ang pagtulog. Friday na bukas, ibig sabihin last day na tapos one week kami sa province! sa sobrang excited ay hindi ako makatulog, nakapag bilang na'ko ng isang daang tupa,baka,kabayo,daga mulat na mulat parin ako kaya nakipag titigan nalang ulit ako sa kisame, inabot ko ang cellphone ko at nagplay ng lullaby. weird pero ansarap nya sa tenga, nakaka antok talaga. naalimpungatan ako nang may kumatok ng malakas sa pinto "Ano ba male-late ako bumangon kana dyan" si kiel nanaman "Mauna kana papahatid nalang ako sa driver ni mama" hindi na sya sumagot, umalis na nga siguro. Nag-inat muna ako bago bumangon at naligo syempre hindi mawawala ang concert sa CR. It's already 8:34, 8:30 ang klase ko Good thing wala si mama, kundi mapepektusan nanaman ako, wag lang sanang magsumbong si teacher. Sinuot ko na agad ang I.D ko mahirap na baka magkalimutan wala si kiel. At nakarating naman ako sa school nang walang sabit. hindi ko sasabihing nalista ako sa mga late. Tulala ko habang naglalakad sa hallway when deb bumped me "Ay anak ka ng nanay mo" "natural, alangan namang anak ng nanay mo diba" she laugh, para bang habit nya talaga manggulat "late kana tara" hinira nya'ko papasok sa classroom buti nalang at may kausap ang teacher namin sa likod kaya hindi nya napansin sa pumasok kami "pst ibet dito ka" bulong ni lou mula sa tabi ng bintana, tinatapik nya ang isang blankong armchair sa tabi nya at doon ako pinapa upo. agad naman akong nagtungo roon. Wala kaming ginawa kundi makinig sa klase at magsagot sa workbook "Okay, pass your works, take your lunch" parang nabuhayan lahat ng tao sa loob nang narinig ng mala anghel na boses ng guro sa harap, agad silang nagtayuan at nagpasa ng papel, ang iba naman ay nanatiling nakaupo dahil dito sila kakain. "Sa café tayo arat" pagyayaya ni shim. agad kaming sumunod sa kanya at nagtungo sa café, nag away pa sila sa pagpili ng table, ending ako na ang pumili para walang away. Syempre pinili ko yung nasa tabi ng glass wall, fresh kase don e tsaka nakikita ang kagandahan ko. "Birthday ng pinsan ko sa Wednesday, punta kayo" ani lou habang puno pa ang bibig. "Ay G ako dyan basta may dynamite" singit ni deb (maitim) Shim agreed too. "Ikaw ibet?" nilingon ako ni lou na puno parin ang bibig kelan ba mabubusog to? parang anlaki ng bodega sa dami kumain hindi naman tumataba. curious tuloy ako, san pumupunta kinakain nya? diretso pwet ganon? nagkibit balikat ako "aalis kami" "lagi naman" singit ni shim (maitim) singit din ni lou maitim, pati yung sa nagbabasa maitim. Joke, peace yow! "Uuwi kami ni kiel sa province" bored kong sagot. "Woa! Si sungit lang kasama mo?" shim asked "Sino pa ba, alangan namang ikaw diba" hinarang ni deb ang dalawang braso sa muka, para makailag sa paparating na sampal ni shim "Aalis din kasi si mama kaya pumayag na sya, sana lang naluwag talaga schedule ni kiel para sure na tuloy kami" "naaawa ako kay kiel, ang bata pa nya para maghawak ng kumpanya tapos pinaghihigpitan pa sya, buti nalang pinayagan sya sa inyo muna tumira no? kahit papano payapa sya" ani shim "Aysus aminin mo na kaseng crush mo si kiel! yiiii" kantyaw ni lou with matching tusok tusok sa bewang ni shim. "ano? may gusto ka don?" I'm shocked! may bet din naman pala tong si shimay, ang masama lang bakit si kiel pa?i don't think may pag-asa sila. Girl friend material naman si shim may pangarap, sexy, at maganda with shining blue eyes na nakuha nya sa father nya. Para sakin bagay sila ni kiel pero walang time si kiel sa ganyan, he's living in hell. "Baket, bawal?" maangas na tanong nya. Okay she mean it. Binigyan ko nalang sya ng isang natamis na ngiti at binalik ang atensyon sa pagkain. Kung maging sila man, i swear! napaka bagay nila, pero parang malabo talaga. aww sosad. After eating, bumalik na ulit kami sa room for our next class. Kung anong nangyayari sa normal na araw ay ganoon ring nangyari ngayon. class⏩kain⏩chika⏩repeat. In short 'boring'. ang pinag-kaiba lang, mas excited ako umuwi ngayon! Mukang kelangan ko mag mall para mapaghandaan ang dadalhin ko sa probinsya, mahaba na rin naman ang one week na bakasyon e susulitin ko nalang! tapos pag balik ko dito sisiguraduhin kong may asawa at anak na'ko charot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD