Chapter Four

1542 Words
Maganda ba Ito jenny? Tanung niya sa kaibigan habang nakatingin siya sa isang gold wristwatch sa harap niya",kasalukuyan silang nasa mall nagpasama siya kay Jenny para bumili ng regalo para sa kanyang kuya, Maganda yan kaso ang mahal oh kaya mo ba yan?” “Oo naman ,may ipon ako ok lang kahit maubos lahat ng naitabi ko basta mabilhan ko lang ng regalo ang kuya ko..” “Bagay yan sa kanya,at pag nagkulang yang pera mo,ako na magdadagdag ng pera kung kukulangin pambayad mo..” ‘’Talaga?” “Oo parang pinakang gift ko narin,sa bebeloves ko” “Bebeloves? tumigil ka nga diyan jenny wag mo nang paasahin ang sarili mo,sister lang tingin sayo ng kuya ko..” Hindi naman naitago sa mukha nito na nasaktan ito sa sinabi niya.." Ang sakit magsalita ha!parang ikaw naman ang may ayaw sakin eh.." nakairap na turan nito. “Hindi naman sa ganun ayaw ko lang naman na umasa kapa at masaktan..”aniya na inakbayan ito. “Oo na..”nakangusong tugon nito. ‘’Kukunin nyo po ba mam?” Tanung ng saleslady. “Oo miss and pakibalot narin ha” “Okay po..” tugon ng babae kasabay ng bahagyang pagtango. Paglabas nila ng store,isang malakas na putok nang baril ang umalingawngaw sa loob ng mall pareho silang napasigaw ni jenny sa pagkagulat. “Ano iyon?” Sabay nilang tanong habang pareho na namimilog ang mga mata na nakatingin sa isa’t isa . Nagkagulo narin ang mga tao,muli silang napasigaw ng maulit ang pagputok ng baril pero dahil pareho silang tsismosa sinundan nila ang pinagmulan ng putok ng baril. “Nako kawawa naman yung nabaril na lalaki ang bata pa naman..”narinig niyang turan ng isang babae na galing sa kumpunan ng tao. “Ano pang nangyari ale?” Tanong niya. “Hindi ko alam hane,bastat nakarinig nalang kami ng putok ng baril at ng pumunta nga kami sa pinangyarihan ,nakabulagta na yung binaril at bumaril,pareho ng patay...”sagot nito.Nagkatinginan naman sila ni Jenny. “ Halika puntahan natin..”aya nito. Nagpatianod siya dito hindi niya alam kung bakit parang lumalakas ang t***k ng puso niya habang palapit sa pinangyarihan ng krimen.Nang makalapit hindi niya masyadong makita ang nakabulagtang lalaki dahil sa mga nakaharang na tao ,kaya naman mas sumiksik pa sila ni Jenny. At nang hustong makita ang lalaking duguan na nakabulagta sa tilefloor nang mall Napaawang ang bibig ng makita kung sino ito,para siyang binagsakan ng langit at lupa ng makita ang duguang katawan nito sa tilefloor, nabitawan niya ang hawak na regalo kasabay ng pagdaloy ng kaniyang mga luha. Nararamdaman niya ang pangininig ng kanyang buong katawan gusto niyang tawagin ito pero hindi niya magawa hindi niya pakiramdam niya may kung anong nakaharang sa kanyang lalamunan. “Beatriz..” Tinig ni Jenny “KUYA!! *****REALITY*** “KUYA! Malakas niyang sigaw ng mahanap niya ang tinig niya sabay bangon bulubulutong din ang pawis niya sa noo. "Panaginip lang pala .."humihingal na turan niya malakas parin ang t***k ng kanyang puso.Nagpasalamat siya sa diyos dahil panaginip lang pala ang lahat. Mabilis siyang bumangon at dumiretso sa banyo binuksan niya ang gripo at naghilamos,tiningnan niya ang reflection sa salamin magulong magulo ang kanyang buhok at namumugto rin ng kaniyang mata.Totoong umiyak siya hindi niya akalain na mananaginip siya ng ganun kasamang pangyayari,namalayan nalang niyang muling tumulo na ang kanyang luha alam niyang panaginip lang iyon pero kahit sa panaginip ayaw niyang mawawala sa kanya ang kanyang kuya hindi niya kakayanin. Tinuyo niya ng tuwalya ang kanyang mukha,at lumabas ng banyo,lumabas siya ng kanyang kwarto para puntahan ang kapatid sa kwarto nito.Marahan niyang binuksan ang pinto hindi na siya pumasok dahil baka maistorbo pa ang payapang pagtulog nito.Hindi niya kakayanin kung mawawala ito sa kanya siguro kilangan niyang mag simba ,kaya siguro siya nanaginip ng masama dahil hindi na siya nakakasimba,matagal narin nung huli siyang pumasok sa simbahan.Tinapunan niya ito ng huling sulyap bago niya sinara ang pinto. Bumalik na siya sa kanyang kwarto at muling natulog. “How can I forget his eyes,his sweet lips his ehhhhh...... gusto ko na ulet siyang makita ..."nangalumbaba siya at tumingin sa labas ng bintana ng kwarto ni Lora,it was a Sunday afternoon kaya naman nakatambay sila ni jenny sa loob ng kwarto nito habang kumakain ng pizza.Hinihintay nila ang pagdating ni Alexa. “Siguro kilangan nating bumalik sa bar malay natin madalas pumunta doon ung lalaki..”suhisyon ni Lora Nangingislap ang matang tumingin siya dito may punto ito sa sanabi bakit nga kaya hindi. “Oo nga ano bakit ngayon mo lang naisip yan..”ani jenny habang ngumunguya. “Mamayang gabi tara..”excited na turan niya. “Tara saan..?”Bungad ni Alexa na kadarating lamang.sabay silang tatlong napatingin dito.hawak nito sa isang kamay ang isang paper bag. “Sa bar..”maikling sagot ni jenny. “Sa bar anong gagawin natin doon..?”Kunot noong sagot ni alexa. “Ito kasing dearest friend natin ay may gustong E stalk,yung nakilala niya noong birthday mo..”ani lora. “At sino naman...?” Kunot noong turan parin ni alexa. “Hindi ko nga kilala..”nakangalumbabang sagot niya. “What e-stalk mo pero hindi mo naman kilala..! Gulat na bulalas ni Alexa ipinatong nito ang dalang paper bag sa maliit na coach. “Eh.. anong magagawa ko e hindi ko nakuha ang name nya.." “Pano kasi inuna ang magpahalik.."singit ni jenny.pinukulan niya ito ng katakot -takot na erap. “Really this guy taken your first kiss..?” Namimilog ang mga matang turan ni Alexa. Nakangiti siyang tumango kinikilig siya tuwing maalala ang paghalik ng lalaki sa kanya,at sana muli silang magkita dahil sisiguraduhin niya na hahalikan niya itong muli,pumayag man ito o hindi. “Hay nako ang Lola mo in love sa lalaking ni unang letter ng pangalan di alam..”nakangiting turan ni Lora. “Ano kaba kaya nga diba pupunta tayo mamaya sa bar,malay mo andun pala siya at sisiguruhin ko na aalamin ko na ang pangalan niya hindi na ako makapaghintay na makita siyang muli..” kinikilig niyang turan. Nagkatinginan ang kanyang mga kaibigan bago sabay sabay na umiling nginitian lamang niya ang mga ito. Blake's PoV *Knock ...Knock* Mahihinang katok ang nagpagising sa kanyang natutulog nadiwa,pupungas pungas na iminulat niya ang mata,wala sana siyang balak bumangon pero muling naulit ang katok. *Knock.....Knock* “Sir Blake..?” Narinig niya ang tinig ng kanyang kasambahay na si aling Linda. “What..!inis na sigaw niya. Hindi siya nagaksaya ng panahong bumangon mula sa pagkakahiga gusto niyang magpahinga at nakaramdam siya ng inis sa pang iistorbo nito sa kanya. Ang ayaw na ayaw pa naman niya ay iyong iniistorbo ang kanyang pamamahinga. “Ma - may nag papaabot po nang regalo sa inyo importante daw po ang laman pinapagising po kayo ng nagpabigay.." Napakunot ang kanyang noo",sino naman kayang magbibigay sa kanya ng regalo,at anong meron ,sa sunod na buwan pa ang kanyang kaarawan. Napilitan siyang bumangon,at tinungo ang pinto hindi na isinuot ang kanyang boxer short tanging brief lamang ang kanyang suot binuksan niya ang pinto. “Sir--- ay susmaryusep na bata ito wala kana bang maisuot na short...”namimilog ang mga matang bulalas ng matanda ng makita ang kanyang ayos.Bahagya siyang napatawa sa reaksyon nito. “Ngayon lang ba kayo nakakita ng lalaking naka-brief..?” “Nako ay tumanda nako ng ganito ay hindi pa ngayon lang..”namumula ang pisnging turan ng matanda. “Oh! You mean hindi pa kayo nagkakaasawa..?”gulat na bulalas niya sa tinagal tagal niya itong naging kasambahay ngayon lang niya nalaman na hindi pala ito nagkaasawa.Sabagay kilan ba naman siya nagka interes na usisain ang buhay ng kanyang mga empleyado ‘’Nakakaawa naman pala kayo kung ganun..”aniya . Sasagot pa sana ito ng muli siyang magsalita. “Anyways akin na ang regalong sinasabi nyo..” “Ito po..”inabot nito sa kanya ang di kalakihang kahon na kulay itim kunot noong tinanggap niya iyon. “Sige po Sir maiwan na kita..”paalam ni aling Linda sa kanya.Tinanguan niya ito bago niya isinara ang pinto. Umupo siya sa kanyang kama at inusisa ang regalo,walang nakalagay na card kung kanino ito galing ,binuksan niya ang kahon at lalong kumunot ang noo niya ng makita ang isang nakatuping puting papel sa loob binuklat niya iyon at binasa ang nilalaman. PAPATAYIN KITA ILANG ARAW NA LANG ITATAGAL MO SA MUNDO DAHIL SA EMPYERNO KA BABAGSAK!!!!!!!!!! Mga katagang nakasulat sa papel ,nilamukos niya ang papel at galit na itinapon iyon sa maliit niyang trashcan.Kung sino man ang nagpadala sa kanya ng death threats na iyon sisiguraduhin niyang mabubulok sa kulungan oras na malaman niya kung sino ito.Hindi siya natatakot sa pagbabanta nito sa buhay niya.Wala siyang kinatatakutan kahit sino.Walang iba siyang nararamdaman ngayon kundi galit. Tumayo siya at lumapit sa closet kumuha s ng isang black na T-shirt at maong pants ng maisuot kinuha naman niya ang kanyang black leather jacket,at pagkatapos ay lumabas siya ng kanyang kwarto. “Manang Linda..!” Sigaw niya. “Ay sir bakit ho..?” natatarantang lumapit ito sa kanya. ‘Sinong nagbigay sa inyo ng regalo? “Lalaki pong Nakasakay sa motor sir..” ‘’Namumukhaan nyo ba?" “Ay nako hindi eh dahil naka suot nang itim na sombrero kaya medyo natatakpan ang mukha niya.." “Sa susunod wag kayong tatanggap ng kahit anong regalo sa kung sino..” iritadong turan niya.Bago ito tinalikuran. “O-po sir " Narinig na niyang tugon nang matanda pero hindi na siya nag aksaya nang oras na lingunin pa ito.Kinuha niya ang cellphone sa kanyang bulsa at tinawagan niya si Benjie. “Hello..”ng nasa kabilang linya “Kailangan kita may pupuntahan tayo..”ma turan niya. “Ok Sir,I'll be there at 30...” “No, sa bar tayo magkita, I'll txt you the address.. ‘’Yes sir, bye..” “Bye” Ibinalik niya ang cellphone sa kanyang bulsa at tinungo niya ang kanyang black sports car na nakapark sa garage.At pinaandar iyon palabas nang driveway. ***Keep safe everyone!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD