Chapter Three

1052 Words
Benjie's Pov Napapangiti siya habang minamasdan ang natutulog na kapatid,naririnig pa niya ang mahinang pag hilik nito.Sa loob ng tatlong taon siya ang tumayong ama't ina dito,at hindi siya magsasawang alagaan ito,tiningnan niya ang suot na wristwatch 10:45 pm ayon dito,at kadarating lang niya galing trabaho.Hinatid pa niya ang kanyang boss sa airport tutungo itong Brazil para ayusin ang problema sa kompanya nito, May kirot siyang naramdaman sa kanyang puso,dahil sa maagang pagpanaw ng kanilang mga magulang naiwan silang dalawang magkaayos,kaya naman ginagawa niya ang lahat para maging mabuting kuya kay Beatriz,Gusto niyang makatapos ito ng pagaaral ,kahit pa kapalit noon ang kanyang sariling kaligayahan. Sumagi sa isip niya ang bestfriend nitong si jenny,alam niyang may gusto ito sa kanya,pero hindi naman niya magawang tugunan ang pagtingin nito dahil narin kay Beatriz ,gusto niyang makatapos muna ito ng pag aaral ang kapatid at masigurado niyang magiging maayos na ang buhay nito,bago nya bigyan ng atensyon ang kanyang sariling kaligayan. Dahil wala ang kanyang boss ,off niya bukas kaya naman magbobonding muna silang magkapatid,gusto niyang sulitin ang isang araw na magkasama sila ni Beatriz.Bumuntong hininga siya,,bago niya inayos ang pagkakakumot nito,hinalikan niya ito na noo,bago niya marahang tinungo ang pinto at pagkatapos ay lumabas. Nagising siya sa mabangong amoy ng pancake,kinusot niya ang mga mata,at nang luminaw na ang kanyang paningin,tumayo siya mula sa kama,niligpit niya ang kanyang magulong higaan at pagkatapos lumabas na siya ng kanyang kwarto at tumungo na siya sa kusina.Nadatnan niya ang kanyang kuya na abala sa pagluluto ng masarap na pancake,napangiti siya habang pinagmamasdan ito,ito na yata ang the best kuya in the world,mabilis siyang lumapit dito at hinalikan ito sa pisngi, "Good morning.."nakangiting bati niya "Buti naman at gising na ang princess ko morning.."nakangiting turan nito na inilagay sa plato ang lutong pancake.Lalong lumapad ang kanyang ngiti sa tinuran nito. " Hmp masarap ba yang luto mo..? Tanong niya na sinipat ang pancake sa plato. " Tikman mo pa.."pagmamalaki nito.Kinuha niya ang platong may lamang pancake at inilagay niya sa dinning table. "Sige nga tikman ko.."aniya na kumuha siya ng tinidor at humiwa siya ng kaperasong pancake. Nakamata naman sa kanya ang kanyang kuya na hinihintay ang reaksyon niya.Ninamnam niya ang masarap na lasa ng pancake,kahit kilan talaga masarap itong magluto, kahit anong lutuan kaya nito,na namana nito sa kanilang papa,Na hindi naman niya nakuha. "Hindi masarap.." kunwaring nakangiwing turan niya,nakita niya ang pagngiwi nito sa tinuran niya,at gusto niyang matawa. “Talaga?tikman ko nga..."anito na inagaw sa kanya ang tinidor at tinikman ang niluto. "Joke lang masarap hehehehe.."natatawang turan niya. Luko ka ha..."aniya sabay binatukan siya ng pabiro. "Ouch ha." Turan niya na hinimas ang batok ,umupo siya sa silya at pinagpatuloy ang pagkain. "Hot chocolate gusto mo? Tanong ni Benjie “ Yes please.."aniya habang ngumunguya.Agad naman itong tumalima at nagtimpla ng hot chocolate.Inilapag nito sa table ang mug ng may lamang hot chocolate."Hmp bango"bulalas niya na agad dinampot ang mug at sinimsim ang laman."Thank you kuya.."malambing na turan niya. "Welcome sis..." anito na Umupo narin sa bakanting silya at nagsimulang naring kumain. "Bakit nga pala,hindi kapa naka uniform.?tanung niya sa pagitan ng pag nguya. "Wala akong pasok,umalis si Mr,Jordan..."sagot nito. "Ah ganun ba,siya ng pala kuya anong full name nang boss mo?tagal muna sa trabaho mo pero hangang ngayon surename lang niya ang alam ko." "Kilangan pa ba yon?” "Aba oo naman kuya..."nakangusong turan niya."Para alam ko kung sinong sisisihin ko pag may nangyaring masama sayo.Kumumot namana ng noo nito sa sinabi niya.Pero hindi naman nag komento. "Blake Jordan.."sagot nito na muling ipinagpatuloy ang pag kain. "Nice name.."tugon niya." “ Ilang taon na ?muling tanong niya. "28 years old.."maikling tugon nito "Bata pa pala.."muling turan niya."Matangkad..?muling tanung niya. "Saan ba patungo ang mga tanung mo nayan Beatriz..? “ Wala a naman gusto ko lang namang malaman kung ano ang looks nang boss mo masaba ba yun?Pero isang tanung nalang kuya,gwapo ba boss mo...?”nakangiting tanung niya. He rolled his eye bago muling nag salita. "Beatriz, wag ka masyado mahilig sa gwapo,at bawal pa sayo ang mag ka boyfriend! “Kuya naman tinanung lang kung gwapo boyfriend agad...”nakalabing turan niya biglang sumagi sa isip niya ang lalaki sa party,ang lalaking nagpabilis ng t***k ng puso niya,talagang hindi siya mag bo-boyfriend kung hindi rin lang ito. “Wala pa sa isip ko ang pag bo-boyfriend.. “Dapat lang..”sagot nito bago pinagpatuloy ang pagkain. “Kuya" “Hmmm’’ “Di mo pa sinasagot ang tanong ko..”?Kumunot ang noo nito. “Aling tanong?” “Kung gwapo ang boss mo?” He sigh deeply tanda nang pagsuko.’’Gwapo,matangkad perpekto na kung perpekto ang hitsura,pero mas gwapo ako..”anang kuya niya. Like him,like men in black. “Tapusin muna ang pagkain at maligo kana mamamasyal tayo..”Namilog ang mata niya sa tinuran nito ‘’Talaga?’’ Tumango ito bilang tugon. ‘’Yehey...”pumapalakpak na turan niya. Masaya naman itong tumingin sa kanya na bakas din sa mukha nang saya.Pagkatapos nilang mag umagahan siya na ang nag presentang mag hugas ng pinggan,at pagkatapos niya naligo na siya para maghanda sa kanilang pamamasyal. "Ahhhhhhhhhhhhh..."sigaw niya ng umarangkada na ang rollercoaster.Nung una banayad pa ang takbo nito ng tumagal bumilis na ng bumilis halos tumalsik na ang puso niya.Tawa naman ng tawa ang kanyang kuya na halos wala lang dito kung bumilis pa ng bumilis ang takbo ng rollercoaster. “Para kang bata takot kapa rin..!”tumatawang sigaw ng kanyang kuya. Inirapan niya ito at mariing ipinikit ang kanyang mata,parang lalabas ang lamang loob niya pag biglang pababa ang takbo ng rollercoaster,gusto tuloy niyang magsisi kung bakit pumayag siyang sumakay dito.Naririnig din niya ang ibang sigawan ng ibang Nakasakay at nakahinga siya ng maluwag ng sa wakas tumigil na ang takbo niyon.Inalalayan siya ng kanyang kuyang makababa ramdam niya ang nangangatog nang kanyang tuhod. “Ok kalang...?” “Okay...?tinatanung mo kung ok ako,kulang nalang mauutas na ako eh..” nakangiwing turan niya.Bahagya naman itong tumawa. “Hindi kita pinilit sumakay diyan halika kain tayo ginutom ako.. “anito na hinili siya sa kamay. Nagpatianod naman siya dito pagkatapos nilang kumain marami pa silang sinakyang rides,at sa loob ng maghapong pamamasyal nila hindi niya maitago ang sayang nadarama. “I loveyou kuya..”aniya dito sabay halik sa pisngi nito. “Love you too sis,napasaya ba kita?” "Oo kuya sobrang saya" “Mabuti naman kung ganun.."anito na tumingin sa suot na lumang wristwatch. Naalala niyang Malapit na nga pala ang birthday nito,at isa lang ang naiisip niyang eregalo dito,na tiyak siyang ikatutuwa ito.Kilangan niyang bumawi sa lahat nang kabutihang ginagawa nito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD