Chapter Two

1511 Words
Blake's pov Mainit ang ulo niya ngayong araw na ito, nagkaroon ng problema ang isang negosyo niya sa Brazil kaya kilangan niyang lumipad patungo doon para resulbahin.Huminto ang sinasakyan niyang black car sa tapat ng Jordan's tower,binuksan ng kanyang body guard na si Benjie ang cardoor sa tapat niya. Lumabas siya at hindi manlang dito nagpasalamat,kahit kilan sa buong buhay niya hindi pa siya nakakapag thank you kahit kanino,dahil wala sa hinagap niya ang magsabi ng ganun,at idagdag pa na bad mood siya ng araw na ito. Halos mag dadalawang buwan na si benjie bilang private bodyguard niya at ang dalawa pa nitong kasama,simula ng makatanggap siya ng death treats pinakiusapan siya ng kanyang ina na mag hire ng bodyguard,dahil nagaalala at natatakot ito para sa safety niya pero kung siya ang masusunod hindi na niya kilangang kumuha ng bodyguard hindi siya natatakot sa kung sino Mang ponsyopilatong nagbabanta sa kanyang buhay ,pero dahil ayaw rin niyang magalala ang kanyang ina nag hire na nga siya,isang pilipina ang kanyang ina at Brazilian naman ang kaniyang ama,2years ago ng atakihin ito sa puso,na ikinamatay nito,and now her mother had a new husband na matalik na kaibigan ng kanyang ama, na kahit nag papakita ng kabutihan sa kanya ay mainit parin ang dugo niya dito,ewan niya pero parang pakitang tao lang ang pagiging mabuti nito sa kanya. Magkabukod sila ng bahay na tinitirhan ng kanyang ina,dahil alam nitong mabigat ang dugo niya sa bago nitong asawa,nanatili siya sa mansyon, ito at si Frank his stepfather ay bumili ng sariling tirahan. Pagpasok niya sa lobby may mga bumati sa kanya,pero hindi niya pinansin ang mga ito,tuloy lang siya hangang makapasok siya at kanyang mga bodyguard sa loob ng elevator.Paglabas nila ng elevator,dumiretso na siya sa kanyang opisina,katulad ng nakasanayan ng kanyang mga bodyguard nanatili lamang ang mga ito sa labas ng kanyang opisina.It was 7am in the morning umupo siya sa upuan sa likod ng kanyang black desk,at pinindot niya ang intercom para tawagin ang kanyang personal secretary. “Make me a coffee,black coffee!! He demand with a serious tone. "Yes sir---" kinakabahang sagot ng kanyang kausap. Ilang minuto pa bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang secretary,na si Amanda,matagal na rin niya itong secretary at alam rin niyang may gusto ito sa kanya dahil sa mga kilos nito at palihim na sulyap sa kanya,lalaki siya at alam niya kung ang babae ay my pagkagusto sa kanya,pero kahit maganda ito at sexy hindi nito makuha ang kanyang atensyon,not her not any other girl's. "Here's your coffee sir", anito na pinalandi ang boses. Tinanguan lamang niya ito,bago dinampot ang kape at sumimsim,napakunot ang kanyang noo ng malasahan ang kape na mapait na ay matamis pa tumingin siya sa babae na nakangiti parin sa kanya, "Miss del mundo...!"seryosong turan niya. "Yes sir-'' anito na nakangiti parin. "Your fired!"galit na bulyaw niya dito. Namutla ang mukha nito at nawala ang ngiti sa labi"''Si-sir? Nagtatakang turan nito. "You heard me right,Hindi ko na kilangang ulitin pa.Get out! "Pero bakit po...? Mangiyak ngiyak nang tanung nito. "Hindi ko na kilangang ipaliwanag pa sayo kung bakit.Pack your things and get out..!sigaw niya dito na lalo naman nitong ikinagulat. Kita narin niya ang pagpatak ng luha nito sa magkabila nitong pisngi. Pero hindi manlang siya nakaramdam kahit kunting guilt sa dibdib dahil sanay na siyasa ganitong eksena.Hindi na niya mabilang sa kanyang daliri kung ilang beses na niyang ginawa ito.Nakayukong tumalikod ito sa kanya at tinungo ang pinto.Pero bago ito tuluyang lumabas muli itong humarap.At galit ang mga matang nakatingin sa kanya. "Makakakita Karin ng katapat mo!buti nalang hindi naging kasing sama ng ugali mo ang hitsura mo dahil kung nagkaganun Sigurado akong walang magmamahal sayo Mr.Jordan...!matigas na turan nito bago lumabas ng kanyang opisina. Ipinagkibit balikat nalang niya ang tinuran nito kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan si Benjie. "Hello sir.."anang nasa kabilang linya. "Find me a new Personal secretary" Maikling katahimikan bago niya narinig ang tugon nito"Yes sir"sagot nito bago nya pinutol ang linya. Benjie's Pov Napailing siya ng maputol ang linya,kita niya ang paglabas ni Amanda ang personal secretary ni Blake sa opisina nito,na umiiyak,nakaramdam siya ng awa para sa babae,nawalan ito ng trabaho ng ganun nalang ,napagdiskitahan ito ng boss nila,nadamay ito sa init ng ulo ng lalaki. At ngayon nagpapahanap ito ng bagong secretary ,tapos pag mainit na ulet ang ulo nito tatanggalin naulet,hindi ba nito naiisip na may pamilyang binubuhay ang bawat empleyadong tinatanggalan nito ng trabaho,kung hindi siya nagkakamali may sampung employee na itong tinangal sa loob lamang ng buwang ito ng dahil sa maliit na bagay,ang isa ay naglalakad ito papasok ng kompanya ng masanggi ito ng Isa sa ma empleyado nito,at nagulat silang lahat ng sisantehin nito ang kawawang lalaki.,muli siyang napailing,,hindi na siya magtataka kung isang araw bigla nalang siya nitong sisantehin. "Beatriz" hello naririnig mo ba ako kanina kapa tulala diyan ah.."pukaw ni jenny na winasiwas ang kamay sa harap niya. Ngumiti siya dito bago isinubo ang kanin sa kanyang kutsara .Nasa canteen sila para mag lunch. "Alam mo Simula nung manggaling tayo sa party ni Alexa nagka ganyan kana girl,may nangyari ba na hindi namin alam..? Ani Lora . "Oo nga...palagi ka nalang tulala ng, layo nang lipad ng isip mo.."Segundo ni Jenny. "Wag nyo na akong pansinin,kumain nalang kayo.."sagot niya. "Wala daw e bakit namumula ka..! Tukso ni jenny. Wag nga ako ang pagdiskitahan nyo ha.."aniya sa mga ito.Pero sa totoo lang mula nang gabing iyon lagi na siyang naliligalig sa pag iisip sa estrangherong iyon. "Hmm hindi kaya may nangyari sayo nung nakita kitang lumabas sa men's room..? Namimilog ang matang turan ni Lora. "Men's room?anong tungkol sa men's room hindi ko to alam ah.."curious na tanung ni jenny.Tiningnan naman niya ng masama si Lora na nginitian lamang siya. "Ano namang gingawa mo sa men's room aber..? Nakataas ang kilay na turan ni jenny. Namumula ang pisnging tumingin siya kay jenny.Hindi niya alam kung aaminin sa mga kaibigan ang namagitan sa kanila nang estranghero. "I met this stranger and--" she paused.Hindi niya alam kung itutuloy pa ang sasabihin. "And-" sabay na turan nang dalawa. "Promise me first na wag nyo akong tatawanan.."aniya. "Promise.."sabay na turan ng dalawa. "And I met my destiny..." "Ha?!'sabay na turan muli ng dalawa na nalilito ang mukhang nakatingin sa kanya.Naalala nyo ba yung kinuwento ko sa inyo about sa sinabi sakin ng mama ko?Sabay ring tumango ang dalawa, "Na nararamdaman mo yung sign na nahanap mo na ung lalaking para sayo. Naramdaman ko yon nung makita ko Yon estranghero sa loob ng men's room at siguro sinadya talaga ng pagkakataon na magkamali ako ng rest-room na pinasok para mag tagpo kami..."aniya na hindi maitago ang kilig. "Tapos anong sinabi mo..?si lora "Sinabi kong sya ang destiny ko..”Wika niya na ikinabilog ng mga mata ng dalawa. "At anong sabi nung guy anong reaksyon?namimilog ang matang turan ni jenny. "Sabi niya lasing lang daw ako kaya kung ano ano ang sinasabi ko and the he said im crazy..." "Yeah right you're crazy sinong maniniwala sa sinabi mo baliw kana nga.."si lora. "At may isa pa akong sinabi sa kanya..."aniya. "Ano yun...?si Jenny. "Hiniling ko na-" puto niya sa sasabihin. "Na..? Sabay na tanung nang dalawa. "Na halikan niya ako.." "What!!Sabay na bulalas ng dalawa tapos sabay bumunghalit ng tawa. "Ano ba kala ko ba hindi kayo tatawa.."naiiritang turan niya "You did that?? Tumatawa paring turan ni jenny. "Oo nga..!naiinis na turan niya. “So anong reaksyon nung lalaki..?”natatawa paring tanung ni Lora. "I'm sure hindi ka nya hinalikan kasi ang iniisip niyang Luka Luka ka.."segunda ni jenny, "He kissed me.." Nagulat ang dalawa sa kanyang sinabi at halos sabay tumigil ang mga ito sa pag tawa nanatiling nakaawang ang bibig habang nakatingin ang mga ito sa kanya. "He-kissed you..?di parin makapaniwalang bulalas ni jenny. Tumango naman siya bilang tugon.” At yun ang pangyayaring hindi maalis sa isip ko.."aniya na nilalaro na ng tinidor ang kanyang pagkain. "Gwapo ba? Tanong ni jenny "Hindi lang gwapo super gwapo..." Kumikinang ang mga matang mabilis niyang tugon. "My abs..?si jenny. "Malalaman ko ba yun kung meron e nakasuot siya nang black leather jacket.Pero siguro meron dahil he have a perfect masculine built." "Wow Ang swerte mo siya ang first kiss mo..!waring naiingit na turan ni jenny. "Masarap ba siyang humalik..? Tanong muli ni Lora.Sasagot na sana siya ng mag ring na ang bell. "Time na let's go.."aya niya na nag patiuna ng tumayo, "Hindi mo pa nasasagot ung tanong ko" "Next time ko nalang sagutin.." "And daya naman.."?maktol nito. Sumunod ang dalawa sa kanya gumuhit ang isang ngiti sa kanyang labi ng maalala ang halik nito,almost 1week narin ang nakalipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat ,parang nararamdaman pa niya sa kanyang labi ang labi nito,gabi gabi niyang hinihiling na sana magkita silang muli,ang tanga tanga naman kasi niya kung bakit hindi niya nakuha manlang ang pangalan nito,di sana mahahanap niya ito sa social media.Bumuntong hininga siya,at tuloy tuloy nang naglakad patungo sa sunod nilang klase. Hi! just new here please support me by clicking like and leaving a comment! Thank you love love
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD