Pagpasok niya sa loob ng bar malakas na rock music ang sumalubong sa kanya ,inilinga niya ang mata hangang mapadako iyon sa nakatalikod na lalake na nakaupo sa counter bar patalikod sa kanya.Pamilyar sa kanya ang suot nitong black leather jacket.Yun ang leather na suot ni Blake.Masayang lumapit siya dito. “Blake..!Tawag niyan Kaagad naman itong humarap sa kanya at sa pangalawang pagkakataon para nanaman siyang binuhusan ng tubig pero hindi malamig ha kundi mainit na tubig namilog ang mata nito pagkakita sa kanya at napaawang pa ang bibig. “Beatriz! Gulat na bulalas nito. Ilang beses siyang napalunok bago niya nagawang ibuka ang bibig para siyang binuhusan ng malamig na malamig na tubig yung bang puro yelo pa. “KUYA! “Anong ginagawa mo dito?! Anito na tumayo sa pagkakaupo at hinara

