Chapter Six

1351 Words
Beatriz “ehhhhhhhhhhhhhhhhh” Malakas na tili ang pinakawalan niya.Nabungaran niya sa loob ng cr ang lalaking jacket ng itim nakatalikod ito sa kanya, nakababa ang pantalon nito hangang tuhod kita narin niya ang maputi nitong puwet at ang higit pang gumimbal sa kanya ay ang babae sa umahan nito.Mabilis siyang tumalikod sabay ipinikit rin niya ng mariin ang mata. “Oh my god...”namumula ang mukhang bulalas niya. Hindi siya makapaniwala sa nakita totoo ba Ito o nanaginip lang siya. “Bakit ba hindi ka manlang marunong kumatok ha...! Narinig niyang inis na sabi ng babae.Nakapikit parin ang kanyang mata parang hindi niya kayang humarap sa mga ito.Tumalikod siya at naglakad palayo sa cubicle. Malakas parin ang kabog ng kanyang dibdib,nangangatog rin ang kanyang tuhod.Nakaramdam siya nang inis sa tinuran nito.Siya pa ang sinisi. “Ako pa ngayon ang sinisi nyo bakit ba hindi manlang kayo nagpunta sa motel o hotel...! “Hinihingi ko ba ang suggestions mo! “That's enough...” She stopped when she heard the familiar man's voice.Mabilis rin niyang iminulat ang mata sabay harap sa mga ito.And then parang tumigil sa pag inog ang kaniyang mundo nang makita niya sa kaniyang harapan ang kanyang destiny. “IKAW...! Bulalas niya. Hindi ito tumugon,nakita rin niya ang pagkabigla sa mukha nito pagkakita sa kanya. “Magkakilala kayo? Takang tanong ng babae. ‘’No..” mabilis na tugon ng lalake. “Yes..”aniya na tiningnan ito ng masama. Nagpalipat lipat sa kanila ang tingin ng babae.Pagkatapos ay nagkibit balikat. “Ayoko ng makisali sa diskusyon ninyo. But thanks Blake hindi ko malilimutan ang araw nato. Kung gusto mong maulet just call me..."Malanding wika babae na may iniabot na calling card. Pakiramdam niya lahat ng dugo niya sa katawan ay umakyat ng lahat sa kanyang ulo. Nagseselos siya at gusto niyang ingudngod sa inidoro ang mukha ng malanding babae. Girlfriend ka ba?anong karapatan mong magselos? Tanong ng maliit na tinig sa kanyang isip.” Blake “ Ulet niya sa pangalan ng lalake sa kanyang isip. Atleast alam na niya kahit pangalan nito. Kumunot naman ang noo ni men in black habang nakatingin sa calling card na.inabot nang babae. “How do you know me...I don't remember na sinabi ko sayo ang pangalan ko..” Malanding ngumiti ang babae bago inilapit nang husto ang katawan kay Blake.Sa ginawa nitong iyon nakaramdam siya nang panibugho. “Sino ba naman ang hindi makakakilala sayo.The young business tycoon Na kinababaliwan nang mga babaeng katulad ko...”Bago mabilis na kinintalan nang halik sa labi ni.Blake na agad naman nitong tinugon. Nanlaki ang mata niya at sa mga sandaling iyon halo halong inis at selos ang nararamdan niya sa ginawa ng babae para tuloy gusto na talaga niyang hilahin an buhok nito at isubsub ang mukha nito sa tilefloor at inidoro at hindi lang iyon gusto rin niyang sapakin ang mukha ni men in black dahil nakipaglampungan ito sa babaeng hindi naman pala nito girlfriend . Kung pwede lang gusto niyang tirisin si men in black na parang kuto pati narin ang babae. Nag hiwalay ang labi nang dalawa kasabay nang matalim na sulyap nang babae sa kaniya.Bago sila tinalikuran at pakendeng- kendeng pang lumabas nang Restroom.Parang gusto niya itong habulin at tadyakan nang kaliwat kanan.Pero Nandidiring sinundan nalang niya ng tingin ang babae sabay iling.Bumalik ang tingin niya kay Blake na aktong maglalakad narin palabas ng lady's room. Magsasalita na sana siya ng makarinig siya ng tinig ng mga babae na sigurado siyang papunta sa kinaruruunan nila. Oh god it can't be. Hindi pwedeng makita siya nang ibang taong may kasamang lalaki sa Cr.Siguradong pag iisipan siya nang masama ng mga ito. Tarantang turan niya sa isip.Kaya mabilis na gumana ang utak niya hinila niya ang kamay ng lalaki papasok sa cubicle na pinagmulan nito at ng babae. Nagulat ito sa ginawa niya kaya naman wala itong nagawa kundi sumunod sa kanya.Mabilis na ini-lock niya ng pinto.at inilagay niya ng kanyang hintuturo sa kanyang labi,upang ipaalam dito na wag itong gumawa ng ingay.Nakuha naman nito ang kanyang ibig sabihin. Narinig nila ang nagkukwentuhan tinig ng mga babae ng pumasok sa loob ng rest-room. “Alam nyo ba narinig ko kanina andito daw si Blake grabi gusto ko siyang makita ng personal sobrang gwapo daw niya sa personal. At super hot …”narinig niyang turan ng babae. Napakunot noo siya at ng marinig ang sinabi ng babaeng nagsalita.Hindi yata't ang tinutukoy ng mga ito ay walang iba kundi ang lalaking kaharapan niya ngayon na halos isang dangkal nalang ang layo ng katawan sa katawan niya.Na naging Sanhi ng lalong pagbilis ng t***k ng kanyang puso.Pero pag naaalala niya ang tagpong nakita niya kanina gusto niyang mandiri dito .at gusto rin niyang upakan ito ng suntok dahil feeling niya pinagtaksilan siya nito. Pinagtaksilan bakit boyfriend mo beatriz? Tumingin siya kay Blake na nakatingin din pala sa kanya.Dahil sa matangkad ito kilangan pa niyang tumingala para makita ang mukha nito.Halos umabot lamang siya sa balikat nito..NagtamA ang kanilang paningin wala manlang siyang nakitang kahit anong emosyon sa mga mata nito.Blangko rin ang mukha nito.Parang wala lang dito ang narinig na sinabi ng babae sa loob ng rest-room.Ibinaling niya sa iba ang tingin hindi na niya kayang salubungin ang mga tingin nito para siyang napapaso. “Ako rin girl gusto ko siyang makita,balita ko napakailap niya sa babae.Baka pag nakita niya ako ma inlove siya sakin...”anang pangalawang tinig pagkatapos narinig niya ang hagikhikan ng mga ito. Mailap?may mailap bang nakikipag s*x lang kung saan.Dah! Ilang saglit lang ang itinagal ng mga babae Dahil umalis na rin agad ang mga ito.Muli siyang tumingin kay Blake na nakatingin parin sa kanya na parang may malalim iyong iniisip.Bumaba ang tingin nito sa kanyang labi. Kumabog nang malakas ang kaniyang dibdib.Sa paraan nang pagkakatingin nito sa labi niya parang gusto siya nitong halikan.Kinilig siya biga pero nang maalala ang tagpong naabutan kanina.Bigla siyang nandiri at nainis.Kaya naman mabilis niyang itinakip sa bibig ang isa niyang palad. Kumunot naman ang noo nito sa ginawa niya. “Nagkakamali ka kung ano man yang nasa isip mo...”malamig na turan nito na tinalikuran siya at binuksan ang pinto ng cubicle.Lumabas ito at Sumumod naman agad siya . “Sandali! Pigil niya ng makitang tutunguhin na nito ang pinto.Humarap ito sa kanya na blangko ang eskpresyon ng mukha. “Why?nakakunot ang noong tanong nito. Hindi siya makasagot,ibinuka niya ang bibig pero ala namang salitang lumabas mula roon,parang na bablangko ang isip niya. “Tutunganga ka nalang ba diyan o magsasalita.Kung wala ka nang sasabihin ..I'll better go..’’ Naalarma siya ng makitang Tumalikod ito at akmang hahakbang na patungo sa pinto nang Restroom. “Sa-Sandali! Muling pigil niya.Pero hindi na ito nag pagigil walang lingon likod na lumabas na ito nang Restroom. Hindi siya makakilos sa kanyang kinatatayuan.Nang mawala na ito sa kanyang paningin.Natauhan lamang siya nang makarinig nang mga yabag at tinig nang mga babaeng papasok nang Restroom.Mabilis niyanh ihinakbang ang paa at Paglabas niya ng rest-room apat na babae ang nakasalubong niya na nakarang sa daraanan niya. “Excuse’’ aniya na hinawi ang mga ito.Dahil sa pagdadali dali hindi sinasadyang natabig ang isa sa mga babae. “Ano ba mag dahan-dahan kanaman ‘’ “I'm sorry miss..”hinging paumanhin niya. Inirapan lamang siya nito sabay talikod.Kumulo naman ang dugo niya sa inakto nito ,pasalamat ito may hinahabol siya kung wala siguradong papatulan niya ang katarayan nito.Pero dahil importante ang taong hinahabol niya palalampasin niya ang katarayan nito ngayon. May sinabi pa ang babae na hindi na niya maiintindihan at hindi narin umabot nang malinaw sa kanyang pandinig pero hindi na niya iyon pinansin hinanap ng mga mata niya si Blake. Pagpasok niya sa loob ng bar malakas na rock music ang sumalubong sa kanya ,inilinga niya ang mata hangang mapadako iyon sa nakatalikod na lalake na nakaupo sa counter bar patalikod sa kanya.Pamilyar sa kanya ang suot nitong black leather jacket.Yun ang leather na suot ni Blake.Masayang lumapit siya dito. "Blake..!Tawag niyan Kaagad naman itong humarap sa kanya at sa pangalawang pagkakataon para nanaman siyang binuhusan ng tubig pero hindi malamig ha kundi mainit na tubig namilog ang mata nito pagkakita sa kanya at napaawang pa ang bibig. "Beatriz! Gulat na bulalas nito. Ilang beses siyang napalunok bago niya nagawang ibuka ang bibig para siyang binuhusan ng malamig na malamig na tubig yung bang puro yelo pa. "KUYA!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD