Napabalikwas ng bangon si Julienne nang biglang tumunog ang bell sa kaniyang tabi. Mabilis siyang tumayo at tuloy-tuloy na pumasok sa kabilang silid. Madilim doon pero sanay na rin ang mata niya. May isang linggo na rin kasi niyang pinagsisibilhan ang lalaki.
“S-sir?” tawag niya rito na alam niyang nasa kama lang naman.
“I need to pee,” paanas nitong wika.
Lumapit siya sa kama nito at binuksan ang isang ilaw na dim lang ang dating. Alas-dos pa lang yata ng madaling araw pero ilang beses na siyang ginigising nito mula pa kaninang alas-diyes.
Maingat niyang isinakay ang lalaki sa wheelchair nito saka ito dinala sa banyo. Kahit napakabigat ng lalaki ay hindi naman siya nagrereklamo. Mas maganda naman ang buhay niya sa mansyon ng mga Salviejo kaysa sa kanila. Saka, masarap pagmasdan ang maberdeng kapaligiran doon, dahil nasa isang malaking solar ang mansyon ng mga Salviejo sa gitna ng hasyenda ng mga ito na puno ng kung ano-anong puno.
Hinubad niya ang pajama ng lalaki habang nakaiwas ang kaniyang ulo na matingnan ang harapan nito.
Ewan ba niya, hindi niya alam kung nananadya ba ang lalaki o talagang nahihirapan nga ito sa kalagayan nito. Taliwas kasi sa mga sinabi ni Mrs. Fontanilla ang mga ipinagagawa nito sa kaniya. At kinakabahan siya tuwing naroon sila sa banyo, lalo na kapag naliligo ito. Pakiramdam niya kasi anumang sandali ay tatayo na lang ang lalaki at lalapitan siya sa kaniyang pagkakatalikod rito.
Narinig niyang nag-flush na ito kaya inabot niya ang tissue at ibinigay iyon sa lalaki. Nang masiguro niyang tapos na talaga ito ay saka siya muling bumaling dito. Isinuot niyang muli ang pajama nito saka ito inalalayang makaupo sa wheelchair.
“Can you stay for a while?” tanong nito sa kaniya nang makahiga na itong muli.
Napatigil siya sa paghakbang palabas. Napatingin siya sa mukha nito.
“I can’t sleep,” anitong titig na titig sa kaniya.
Napansin niyang hindi nangingilag ang lalaki na titigan siya kahit wala siyang suot na balabal. Kaya kapag sila lang dalawa ay hindi na niya iyon isinusuot.
Huminga siya nang malalim at tumango. Tumalikod siya rito para tunguhin ang sofa, pero muli siya nitong pinigilan.
“Just sit beside me. Malaki naman itong kama.”
Muli, matagal niyang pinagmasdan ang lalaki. Hindi niya alam kung ano ba’ng gusto nitong mangyari, pero naisip niyang may usapan sila ni Mrs. Fontanilla. Iyon lang naman ang pinanghahawakan niya kaya niya pinag-iigi ang trabaho.
Umikot siya sa kabila ng kama at naupo sa tabi nito. Halos lumubog na siya dahil sa lambot niyon.
“Can you tell me stories?”
Salubong ang mga kilay na nilingon niya ito. “Sir, ano po ba talagang gusto ninyo?”
“Just tell me something. I can’t sleep because every time I closed my eyes, I remembered everything.”
Hindi na kailangan pang ipaliwanag ng lalaki kung ano ang ibig nitong sabihin. Nauunawaan niya kung ano ang bumabagabag dito.
Napabuntonghininga siya. “Pero wala naman akong maikukwento sa inyo,” aniya.
“Kahit ano. Basta makalilimutan ko lahat ng mga nakikita ko sa aking isip.”
Nag-isip siya. “Gusto ko lang malaman, bakit hindi kayo nagtatanong tungkol sa pamilya namin? Alam kong inilihim ako ng kapatid ko sa inyo,” umpisa niya.
“Iyon ba? Wala naman sa akin ang bagay na iyon. Pero ngayong nabanggit mo sa akin iyan, I got curious. Bakit ka nga ba itinago ng pamilya mo? Is that because of your scar?”
Wala sa loob na napahawak siya sa kaniyang pisngi habang nakatitig dito. “Maraming dahilan. Una na roon ay dahil hindi naman ako tunay na anak ni Tiyo Carlito. Buntis na si Mommy sa akin noong pakasalan siya ni Tiyo Carlito. Sina Cerella at Cerenna ay mga kapatid ko sa ina.”
Napakunot ang noo nito. “Cerenna?” Nagtatanong ang mga mata nitong tinitigan siya.
Tumango siya. “Siya ang kakambal ni Cerella.”
“May kakambal si Cerella?”
Siya naman ang nagsalubong ang mga kilay. “Hindi mo rin alam?”
Umiling ito. “Hindi. Ang alam ko nag-iisang anak si Cerella,” sagot nito.
Siya naman ang napailing. “Sagad talaga sa buto ang kasamaan ni Cerella,” bulong niya sa sarili.
“May sinasabi ka?” anitong mukhang hindi naman narinig ang kaniyang sinabi.
Muli siyang umiling saka nilakasan ang loob. Naroon na rin sila bakit nga ba hindi siya magtanong dito?
“P’wede ba akong magtanong?” aniya.
Nagkibit ito ng mga balikat. “Sure.”
Huminga siya nang malalim. “Bakit parang hindi niyo muna lubos na kinilala si Cerella bago niyo siya pinakasalan?”
Natigilan ito at nahulog sa malalim na pag-iisip. Akala niya nga nagalit na ang lalaki. But he moved a bit closer towards her. Pinakatitigan siya nito na bigla niyang ikinailang. Bahagya siyang umusod palayo rito dahil pakiramdam niya’y biglang uminit sa paligid.
“Maybe because I was under her spell? Or maybe because I don’t really care because I thought she really was the person that I knew,” makahulugang sagot nito pagkaraan ng ilang sandali.
Umangat ang isang kamay nito. Dahan-dahan niyong tinawid ang pagitan nila, padampi sa kanan niyang pisngi.
Napasiksik siya sa headboard ng kama. “S-sir. . . A-ano po’ng ginagawa ninyo?” kandautal niyang tanong dito.
“I keep reminding myself not to, but I can’t stop.”
Sabay pa yata silang napapikit nang dumampi ang mainit nitong kamay sa pisngi niya. The feeling was very unusual. May hatid iyong kapayapaan sa kalooban niya, kaalinsabay ng mabilis na pagtibok ng kaniyang puso.
Matagal na katahimikan ang pumuno sa silid ng lalaki. Tanging ang mga paghinga lang nila ang naririnig doon. At bakit ba may palagay rin siyang pati mga t***k ng puso nila ay naririnig din niya? Posible ba iyon?
Nang tumigil ang lalaki sa pagdama sa kaniyang pisngi, saka pa lang siya nagmulat ng mga mata. Kahit bahagya lang ang liwanag sa silid nito ay kitang-kita niya ang kakaibang kislap ng mga mata ng kaharap, bagay na mas lalong nagpakabog sa kaniyang dibdib. Nang muli itong lumapit sa kaniya ay mabilis siyang tumayo.
“M-mukhang ayos na ho kayo, Sir. M-matulog na ho tayo,” aniya at madaling tumalikod dito.
Ni hindi na niya hinintay pang magsalita ang lalaki. Malalaki ang mga hakbang na bumalik siya sa kaniyang silid deretso sa kama at naupo roon. Pakiramdam niya kasi kanina pa bibigay ang mga tuhod niya. Hindi niya maipaliwanag ang kakaibang damdaming binubuhay ng lalaki sa kaniyang katawan. Ang sensasyong dala ng init ng palad nito kanina ay tila ba sinasabing magiging maayos din ang lahat.
Pero paano ba magiging maayos kung ginugulo nito ang puso’t isip niya?
Dahan-dahan niyang inilapat ang likod sa malambot na kama. Nagtalukbong siya ng kumot at mariing ipinikit ang mga mata. Subalit, kahit anong gawin niya, pabalik-balik lang sa isipan niya ang nangyari kanina sa silid ng lalaki. At mukhang hindi siya nito patutulugin sa gabing iyon.
**
“Sir, ito na po ang agahan ninyo.” Tuloy-tuloy na pumasok si Julienne sa kabilang silid habang dala ang isang tray ng umuusok na pagkain. Alas-siete talaga kumakain ang lalaki dahil ganoong oras talaga ito gumigising.
Napakunot ang kaniyang noo nang makitang tulog pa rin ito. “Iyan ang napapala ng kung ano-ano ang ginagawa sa madaling araw— napupuyat,” parang bubuyog na bulong niya sa sarili.
Huminga siya nang malalim at iginala ang mga mata sa buong silid. Nang wala namang makitang kailangang gawin doon ay muling dumako ang mga mata niya sa kinaroroonan ng lalaki. Naengganyo siyang lumapit sa kinahihigaan nito. Sa mismong tabi nito tumigil ang mga paa niya.
Pinagmasdan niya ang balbasin nitong mukha. Hindi iyon nakabawas sa angking kagwapuhan nito, bagkus, lalo pa nga niyong dinagdagan ang nag-uumapaw nitong kakisigan.
Iniikot niya ang mga mata sa buong mukha nito. Wala siyang makitang kapintasan ng lalaki dahil kahit yata pores nito ay wala. Sadyang makinis ang balat nito na daig pa yata ang sa kaniya.
Nang dumako ang mga mata niya sa mga labi nito, para bang may mahinang tinig na bumubulong sa kaniyang isipan na damahin iyon. At para namang may sariling isip na tumaas ang isa niyang kamay. Nagulat na lang siya nang kusa iyong lumapat sa malambot nitong mga labi.
Subalit, para siyang binuhusan ng malamig na yelo nang biglang magmulat ang mga mata nito. Babawiin na sana niya ang kamay nang mabilis nitong nahagip ang braso niya.
“Sneaking on me, huh?” he said in his sexiest bedroom voice.
Naumid ang kaniyang dila at hindi agad nakapagsalita. Mas lalo siyang hindi nakagalaw nang hapitin nito ang beywang niya.
Tinitigan siya nito sa mga mata. “My only problem is my legs, but not with this. . .”
Hindi na niya nagawang ilagan pa ang biglaang pananalakay nito sa mga labi niya. Namilog ang mga mata niya nang lumapat ang mainit nitong mga labi sa kaniya. Pakiramdam niya, sandaling tumigil sa pag-ikot ang mundo. Kahit ang paghinga niya ay tumigil din.
Napakalambot ng mga labi ng lalaki. Kahit ang hininga nito ay napakabango hindi pa naman ito nag-t-toothbrush.
Sa umpisa ay nakalapat lang ang mga labi nito sa kaniya. Ngunit kalaunan ay nakuha na rin niyong gumalaw— marahan, nananantya.
Napapikit si Julienne sa sensasyong hatid niyon sa buo niyang pagkatao. Kung posible nga lang na manatili sila sa ganoong posisyon ay hiniling na niya. Dahil kahit iyon ang unang beses siyang nahalikan, pakiramdam niya, nakatungtong ang mga paa niya sa ulap. Kakaibang-kakaiba talaga. Para siyang lumilipad.
Sandaling lumayo ang lalaki sa kaniya. “You can copy what I am doing. That’s how you should respond to a kiss,” anito.
Lalayo na sana siyang tuluyan rito pero nawalan siya ng pagkakataon nang muli nitong angkinin ang mga labi niya. At gaya ng sinabi nito, ginaya niya kung paano humagod ang mga labi nito sa kaniya.
Hindi nakaligtas kay Julienne ang banayad na pagsinghap ng lalaki dahil sa ginawa niya. Kaya mas lalo pang lumalim ang halik na iyon dahil mabilis siyang matuto. They were just exchanging air just to continue what they were doing without letting each other go. Hindi rin nila napigilan ang pagkawala ng mga ungol sa kanilang mga labi na pumupuno sa silid na iyon.
Ilang minuto ring naghinang ang mga labi nila nang sa wakas ay maghiwalay ang mga iyon. Pareho silang nakatitig sa isa’t isa. Parehong nasa mga mata nila ang pagtanggi sa ginawang paghihiwalay. May palagay pa nga siyang ayaw na talaga niyang pakawalan pa ang mga labi ng lalaki. Bigla ay nahumaling siya roon.
“Does that satisfy you?” basag nito sa kanilang katahimikan habang nakataas ang sulok ng mga labi.
Namula ang magkabilang pisngi niya. Nahiling na lang niyang sana ay kainin na lang siya ng kaniyang kinatatayuan.
Iyon na yata ang pinaka-nakahihiyang pangyayari sa buong buhay niya. Kaya alam niyang simula sa araw na iyon, magbabago na ang lahat sa kanila.