Chapter 7

1731 Words

Mahigit dalawang linggo na si Julienne na nagtatrabaho para kay Brayden, pero nahihiwagaan pa rin siya sa intensyon ng lalaki sa kaniya. Palaisipan din ang pabago-bagong ugali ng lalaki na hindi niya masakyan. Minsan para itong sweet na animo’y may relasyon sila kung umasta. Minsan naman para itong pinagsakluban ng langit at lupa sa sobrang kasungitan. At minsan, para siyang hindi nag-e-exist sa mudo kung itrato nito. Isa pa sa gumugulo sa kaniya ay ang halik na pinagsaluhan nila. Walang nababanggit ang lalaki tungkol doon mula nang mangyari iyon at hindi niya mapigilang mainis. Pero, sa isang banda ay kinakastigo niya ang sarili dahil wala naman talagang dahilan ang lalaki para magpaliwanag sa kaniya. Siya naman ang naunang lumapit dito. Para bang kung sa manok at palay, siya ang pala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD