Napakabilis ng mga pangyayari. Kahit hindi pa sumasang-ayon si Julienne sa nais ni Brayden, wala na siyang nagawa nang kausapin siya ni Mrs. Fontanilla. Nakiusap itong muli sa kaniya at hindi naman bato ang puso niya. Alam niya kung gaano nito kanais na gumaling ang anak, kaya sa kaniya nito iniaasa ang bagay na iyon. Isang linggo pa ang nagdaan bago ginanap ang kasal nila. Hinintay pa nilang makauwi sa Pilipinas ang lolo’t lola ni Brayden na galing sa bakasyon. Mabilis na pinutol ng mga ito ang world tour para saksihan ang memorableng araw na iyon sa buhay ng apo ng mga ito. Ang tiyuhin mismo ni Brayden ang nagkasal sa kanila— si Attorney Ethan Louie Salviejo. Ginanap iyon sa mismong loob ng bahay ng mga Salviejo, sa opisina ng Lolo Carlos ni Brayden. “Now, I pronounced you husband an

