Naghahanda ng pagkain ni Brayden si Julienne nang lapitan siya ni Mrs. Fontanilla. “Julienne, hija, puwede ba kitang makausap?” anito. Tumango siya. “Tungkol po saan?” Makahulugang tumingin ito sa kaniya. “About your aunt. Nagpunta siya rito kanina pero abala ka pa sa pag-iintindi kay Brayden.” Nagtaka siya sa narinig. Pero nang maalala kung sino ang tinutukoy nito, kinabahan siya. Ano naman kayang ipinunta roon ng kaniyang ina. “She asked me if you are fine here. Sinabi ko naman sa kaniya ang totoo,” sabi nito na parang nabasa ang laman ng isipan niya. “A-at. . . ano pa po?” nauutal niyang tanong. Alam niyang hindi lang iyon ang ipinunta ng ina roon. “She asked me for some— Brayden!” Nagulat ito nang makita ang lalaki sa kusina. Kahit siya ay nabigla rin. Napalapit dito ang gina

