Habang pinanonood kong natutulog si Ram ay muling nanumbalik sa akin ang picture nina Vincent at Miss Lalaine. Mga litrato lang naman ang nakita namin at wala ng iba. Puwede ring baka na-misinterpret lang namin ang lahat. Mas maigi pa rin na malinaw ang lahat sa bawat isa sa amin. Alas-sais na ng gabi ay tulog pa rin si Ram. Sinabi ko kay Amanda ang kalagayan niya kaya nauna na siyang umuwi. Um-order na lang din ako ng pagkain para sa amin ni Ram ngayong hapunan. Mukhang nasarapan ang tulog niya kaya hinayaan ko lang muna siya. Mas maigi pa rin iyon para makapagpahinga siya. Ngunit hanggang mag-a-alas-nuwebe na ay tulog pa rin siya. Nagdadalawang-isip tuloy ako kung gigisingin ko ba siya o hahayaan lang na matulog. Bahagya naman nang bumaba ang lagnat niya pero mainit pa rin siya. Dapat

