“Sweetheart, hayaan mo na si Bel na sumabay sa iba. Siyempre awkward naman kung sa atin siya sasabay,” sabi naman ni Miss Lalaine at ngumiti pa sa akin. Tinugon ko rin ang ngiti niya kahit kinakabahan ako sa biglang pagdilim ng awra ni Ram. “Ram?” untag sa kaniya ni Miss Lalaine dahil hindi siya nagsasalita at nanatiling nakatitig lang sa akin nang masama. “Fine! Let’s go!” masungit niyang saad. Pagkatapos ay tinalikuran na kami. Ni wala man lang pakialam sa kasama niya na nahihirapang humabol sa kaniya. “Hmp! Alam mo, napaplastikan na talaga ako riyan kay Miss Lalaine. Kunwari sweet kay Sir pero may itinatago namang baho. Dapat kasi ipinakita na lang natin kay Sir iyong picture, eh!” bigla ay saad ni Amanda kaya nagulat ako. “Sabi nang huwag natin silang pakialaman. Kung may problema

