Chapter 2 Ex turned Boss

1316 Words
Ramvince Contreras – my ex. Yes, he is my ex and now my heartless and ruthless boss. A tall man with an incredibly hot body. Pero ang pinakapaborito ko sa mga features niya ay ang mismong mukha niya. He is so handsome with his tall nose, and dark gray eyes. Malalalim ang mga mata niya na lalong bumagay sa ilong niya. At iyong mga labi niyang nakaka-concious dahil mas mapula pa sa mga labi ko. He is the most powerful businessman in the country at present. He owned two major corporations along with his other businesses. Paano nga ba kami nauwi sa ganito? Paano ko ba pinayagan ang sarili kong mahulog sa taong wala naman pa lang ibang hangad kun’di ang saktan ako? Kulang na lang ay madurog na ang mga daliri ko sa pagmamadaling tapusin itong mga files na kakailanganin para sa board meeting mamaya. Pigil na pigil ko ang pagtulo ng mga luha ko kaya iyong ilong ko ang patuloy na namamasa. Pasimple akong sumisinghot at pinupunasan ang tumatakas na likido mula sa ilong ko. “Tulungan na kita!” nagulat pa akong nag-angat ng paningin nang marinig si Amanda. Siya ang sekretarya ni Ram, pero ewan ko ba kung bakit ako ang mas gusto niyang pinapahirapan. Sabagay, naghihiganti nga siya ‘di ba? Lintek lang talaga! “Salamat, Amanda. Kaya lang hindi kaya magalit si sir?” may pag-aatubiling tanong ko. Ngumiti ito at tumabi na sa akin. “Mas magagalit iyon kapag hindi ito umabot sa tamang oras. Bakit kasi hindi mo ako sinabihan kahapon para ako na ang tumapos nito. Kita ko naman kasi kung gaano ang hirap mo kahapon sa dami ng ginagawa mo. Ewan ko ba diyan kay sir at pati iyong ibang trabaho ko ipinapasa sa iyo! May galit ba sa iyo iyon?” inosenteng usisa nito. Muntik na nga akong masamid, buti na lang at nahamig ko ang sarili ko. “Ewan ko doon! Huwag na natin syang pag-usapan para marami tayong matapos,” sabi ko na lang para maiwasan ang topic. Walang nakakaalam dito na dati kong boyfriend si Ram. At mas mabuti na rin iyon para hindi na maungkat pa ang masakit na nakaraan. Limang minuto bago ang board meeting ay natapos namin ni Amanda ang lahat ng papeles na kakailanganin at ngayon nga ay ipini-print na iyong huling kopya. Nananakit ang likod ko ganoon din ang paa ko. Tapos nakikisabay pa ang pag-aalburuto nitong tiyan ko dahil sa gutom. Hindi nga pala kasi ako nakapag-almusal kanina. Eksaktong ipinapatong ko na sa lamesa niya ang mga folders na naglalaman ng mga dokumentong ginawa namin ni Amanda kanina nang pumasok siya. Madilim pa rin ang mukha nito at galit pa ring tumingin sa akin. Sabagay, palagi naman siyang galit sa akin. Ewan ko ba kung bakit hindi ako masanay-sanay. Hinintay ko siyang makaupo bago tuluyang nilisan ang harapan niya. Baka kasi mainis na naman ito at sigawan pa ako. Hindi pa nga ako nakaka-recover sa pagsigaw at pang-iinsulto niya kanina ay baka may bago na naman. “What happened to your feet?” napahinto ako sa paglalakad dahil sa tanong niya. Napansin sigurong iika-ika ako. Unti-unti akong lumingon para tingnan siya. Pinigil ko ang sariling mapangiwi dahil talagang nangingirot na iyong paa ko. Agad naman akong napatitig sa mga mata niyang walang emosyon. God! I just miss him so much! I miss him that it really hurts terribly pero wala akong magawa. Ayaw na niya sa akin. O, hindi naman niya talaga ako nagustuhan kahit kailan. “Natapilok lang po ako kanina, sir. Hindi naman po malala,” pagsisinungaling ko. Lalong lumalim ang gatla sa noo niya at halatang hindi naniniwala sa sinabi ko. Nanlaki pa ang mga mata ko nang padarag itong tumayo mula sa swivel chair niya at lumapit sa akin. Pigil na pigil ang sarili kong mapahiyaw nang bigla niya akong buhatin at dalhin sa sofa kung saan dahan-dahan niya akong ibinaba. “Ahh!” nakagat ko pa ang pang-ibabang labi ko dahil sa sakit nang itaas niya iyong paa kong namamaga. “Anong klaseng pagkatapilok at pati mga daliri mo ay namamaga rin? Ganito ka na ba katanga at pati paglalakad ng maayos hindi mo na magawa?” pagalit na paninita niya sa akin. Gustong-gusto ko siyang sampalin ng sabihan niya ako ng tanga ngunit napigil ko pa rin ang sarili at pilit na binabawi ang paa ko sa pagkakahawak niya. “Bitiwan ni’yo na ho iyang paa ko, sir. Okay lang po ako. Pasensiya na po kung ipinanganak akong tanga! Tanga naman talaga ako siguro kaya nga ako madaling naloko!” hindi ko na napigilan ang pangingibabaw ng sarkasmo sa tono ko. Ayoko naman sanang maging sarcastic pero sobra-sobra na akong nasasaktan sa pananalita niya. Kailangan ba talaga niya akong sabihan ng tanga? Ilang Segundo siyang natahimik sa sinabi ko bago tumayo at kinuha ang first aid kit. Mabilis lang iyon kaya hindi na ako nakatayo dahil nakabalik na siya agad sa puwesto ko. Bahagya siyang tumabi sa akin at nagulat ako ng ipatong niya ang paa ko sa ibabaw ng mga hita niya. Bigla akong na-conscious at halos mapapitlag ng haplusin niya iyong bandang namamaga. Hindi ko alam kung ilang beses akong napalunok sa pagdaloy ng kuryente sa katawan ko mula sa simpleng paghaplos na iyon. “O-okay lang po ako, sir. Hindi ni’yo na po kai–” “Shut up! Stay still,” masungit na pigil nito sa sasabihin ko. Marahas akong napabuga ng hangin dahil sa kawirduhan niya. Hindi ko naman kailangan ng tulong niya ano? Ngunit halos makalimutan ko ang pangalan ko at mabingi sa sariling kong sigaw nang pabigla niyang tila pilipitin ang paa ko. Hindi ko na napigilan ang maiyak dahil sa sobrang sakit. Akala ko nga kanina ay maiihi na ako sa sobrang sakit ng ginawa niya. “Kailangan kong gawin iyon para bumalik sa ayos ang paa mo. Bumalik na sa puwesto iyong medyo na-dislocate na buto. Kailangan na lang hilutin iyong naipit na ugat,” dire-diretsong paliwanag niya. Ngayon ay umiiyak na talaga ako dahil masakit. Tapos, hihilutin pa raw? Hindi ko na kaya! “P-please… masakit…” hindi ko alam kung paano sasabihin sa kaniya. At sa unang pagkakataon mula ng magsimula akong magtrabaho rito ay ngayon ko lang muling nakita ang paglambot ng ekspresyon niya sa akin. Siguro ay naawa dahil umiiyak na ako tapos pawis na pawis pa. “Kailangan nating gawin ito dahil mas mahihirapan ka kapag hindi ito mahilot. Tiisin mo na lang muna iyong sakit,” mababa ang tinig na tugon niya. “Sisimulan ko na,” dagdag pa niya kaya napapikit na lang ako. Tinakpan ko ang bibig ko gamit ang mga kamay ko para hindi na muling mapasigaw at baka kung ano pang isipin ni Amanda sa labas. Mariin akong nakapikit at pigil na pigil ang paglabas ng mga hikbi ko habang banayad niyang minamasahe ang parteng sinasabi niyang naipitan ng ugat. Sobrang sakit niyon ngunit talagang tiniis ko at hinayaan na lang ang sariling umiyak nang umiyak. Nang matapos na iyon ay nilagyan niya ng bandage ang paa ko. May matigas na karton o board yata siyang nilagay sa magkabilang paa ko bago nilagay iyong benda. Aaminin kong guminhawa ang pakiramdam ko sa ginawa niya. Masakit pero at least naigagalaw ko na ng maayos ang paa ko. “Maupo ka lang muna at huwag ka munang lumakad kung ayaw mong pagdaanan muli ang pinagdaanan mo kanina. Manahimik ka lang muna riyan,” seryosong bilin niya. “S-salamat, sir,” mahinang usal ko, ngunit alam kong narinig niya iyon. Hindi kasi ako makatingin ng diretso sa kaniya. “Huwag mong isiping ginawa ko iyan dahil concern ako sa iyo. Ginawa ko lang iyan dahil ayokong ma-delay ang mga trabaho rito kapag hindi ka makapasok dahil diyan!” masungit na sabi nito sa akin. Bakit kaya siya nage-explain e wala naman akong ibang sinabi?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD