Chapter 3 Painful Scene to Watch

1386 Words
“Sir, ano kasi… uhm, kasi ano…” paano ko ba sasabihing nagugutom na ako? s**t! “What?” galit na naman yata. “Puwede po ba akong magpatulong kay Amanda o kahit magpabili lang ng pagkain, nagugutom na po kasi ako,” nahihiyang pakiusap ko sa kaniya. Tiningnan niya ang oras saka biglang napamura. Eksakto namang bumukas ang pintuan ng opisina at pumasok doon si Amanda. “Sir, everyone is waiting for you in the conference room,” magalang na pagbibigay alam nito. “Damn! I almost forgot that f*****g meeting!” nanlamig ang buong katawan ko nang tingnan niya ako ng masama. Problema nito? Ako ba sinisisi niyang nakalimutan niya? Hindi ko naman sinabing gamutin niya itong paa ko. Sarili niyang desisyon iyon, so bakit parang kasalanan ko? “Amanda, assist Ms. Hendarez here. She hurt her left foot,” pormal na utos niya kay Amanda. Nakangiting tumango naman si Amanda sa kaniya. “Yes, sir!” Iyon lang at kinuha na ni Ram ang lahat ng mga folders na kailangan niya sa meeting at iniwan na kami. Agad namang lumapit sa akin si Amanda na puno ng pag-aalala ang mukha. “Oh my… ano’ng nangyari sa iyo? Narinig pa kitang sumigaw kanina kaya lang natatakot naman akong pumasok! Akala ko kung ano na’ng ginawa ni sir sa iyo!” dire-diretsong sabi niya. Tiningnan pa niyang mabuti ang paa kong ngayon ay may benda na. “Naapakan kasi iyan kanina noong pasakay ako ng bus, tapos natapilok naman ako sa kamamadali ko. Ayan triple kill kasi nasabihan pa akong tanga ng boss natin!” paghihimutok ko. Close na kami ni Amanda kaya kahit paano ay palagay na ang loob kong sabihin sa kaniya ang saloobin ko. “Grabe naman! Pero mabuti na lang at nabigyan ka ni sir ng first aid. Kasi alam mo mas mahirap kapag lumala iyan!” pakikisang-ayon nito sa akin. Tumango-tango na lang ako. Kasabay niyon ay ang biglang pagtunog ng tiyan ko. Nahihiya akong tumingin sa kaniya at alanganing ngumit. “Amanda, puwede bang makisuyo sa iyo? Hindi na kasi ako nakapag-almusal kanina kaya gutom na gutom na ako,” alam kong namumula na ang mukha ko sa matinding hiya pero wala naman akong pagpipilian. Natatakot akong tumayo rito at baka lalong lumala itong paa ko. Hindi ko na kakayanin kung gano’n ulit ang procedure na gagawin dito. “Magpapabili ka? Sure! Mag-aalas onse naman na, puwede na siguro tayong mag-early lunch, sasabayan na kita kasi gutom na rin ako,” masiglang tugon naman nito kaya napangiti ako. Mabuti na lang talaga at narito siya. Kung hindi ay hindi ko na talaga alam ang gagawin. Gaya ng napag-usapan ay maagang pananghalian na lang ang ginawa namin ni Amanda. Binilhan na rin niya ako ng miryenda para mamayang hapon. Mabuti na lang din at tinulungan niya akong makabalik sa puwesto ko para naman kahit nakaupo ako dito sa harap ng screen ko ay may natatrabaho pa rin ako. Mag-aalas singko na ng hapon nang may patuluying babae si Amanda. Nang lingunin ko ay nakita kong si Ms. Lalaine iyon – ang girlfriend ni Ram. Ngumiti ito agad sa akin nang makita ako. She looks so pretty today kaya wala sa sariling napatingin ako sa suot ko. Well, hindi na dapat ako nag-iisip ng ganito, o kaya ay nagseselos pa sa kaniya kaya lang ano’ng magagawa ko? Mahal ko pa rin si Ram, at hindi naman basta-basta nawawala ang pagmamahal. Ni wala nga akong time para mag-move on dahil sapilitan naman niya akong pinagtrabaho sa kaniya. “Ma’am Lalaine, gusto ni’yo po ba ng kape o juice?” alok ni Amanda. Mahinhin itong ngumiti sa kaniya. “Okay lang ako, Amanda. Hihintayin ko na lang ang sir mo rito,” tanggi niya. Tumango naman si Amanda saka nagpaalam na upang bumalik sa puwesto niyasa labas. Bumati ako sa kaniya ngunit nagtaka ito kung bakit hindi ako tumayo kaya siya na ang lumapit sa akin. “Are you okay?” may pag-aalala sa mga mata niya nang lapitan ako. “Pasensiya na po ma’am kung hindi ko kayo maasikaso. Na-sprain po kasi iyong paa ko kaya hindi po muna ako puwedeng maglakad-lakad,” hinging paumanhim ko. Nakauunawang ngumiti naman ito sa akin. Actually, napakabait nitong si Ms. Lalaine, tapos maganda pa. Hindi malayong mahulog talaga ang loob ni Ram sa kaniya lalo at maalagang girlfriend din ito. Sweet din siya sa lahat lalo sa mga empleyado dito kaya gustong-gusto nila siya. “Oh, don’t worry it’s okay. Monthsary kasi namin ngayon ng sir mo kaya magse-celebrate kami, later,” may ningning ang mga mata niya habang sinasabi iyon. Halatang masayang-masaya siya habang ako ay parang direktang sinaksak sa puso. Pinilit kong ngumiti kahit pakiramdam ko ay hihimatayin na ako sa sakit na nararamdaman ko. “Wow! Congratulations po, ma’am!” pilit ang ngiting bati ko sa kaniya. Halos madurog na ang mga ngipin ko sa pagpipigil kong maiyak. Lumunok ako upang palisin ang bara sa lalamunan ko. May sasabihin pa sana siya kaya lang dumating na si Ram. Agad akong nagkunwaring may ginagawa pa sa computer ko kahit ang totoo ay kanina pa iyon natapos. “What are you doing here, sweetheart?” malambing na tanong ni Ram sa girlfriend na ngayon ay alam kong nakalapit na sa kaniya. Sweetheart! Well he used to call me ‘Mahal ko’ tapos hindi naman pala niya talaga ako mahal. “Sinusundo ka! Huwag mong sabihing nakalimutan mo kung ano’ng araw ngayon?” dinig kong sagot ni Ms. Lalaine. Tumawa pa nang mahina si Ram. Pilit ko mang iniiwasan ay nakikita ko sa gilid ng mga mata ko kung paano sila maglambingan. Nakayakap na ngayon si Ms. Lalaine sa kaniya, at ganoon din naman si Ram sa babae. “Of course not!” tugon niya saka siniil ng halik si Ms. Lalaine. Damn! Dito pa ba sila maghahalikan? Hindi ba puwedeng mamaya na lang? Yumuko ako nang husto dahil para akong pinapatay sa naririnig kong tunog mula sa mga labi nilang nagsasalpukan. Kung puwede lang ay bumuka na lang ang lupa para lamunin ako ng buhay. Ang sakit! Sobra-sobrang sakit na dumudurog sa puso ko at halos magpamanhid na sa buong katawan ko. “Hey! Bakit bigla kang nanghahalik, nakakahiya naman kay Leahbel!” mahinang saway ni Ms. Lalaine kay Ram. Ilang beses akong lumunok at mariing pinaglapat ang mga labi dahil hindi na ako makahinga nang maayos. Ang bigat-bigat ng dibdib ko at hilam na hilam na ang mga mata ko kapipigil sa pagtulo ng mga luha. Hindi rin alam ni Ms. Lalaine na ex-girlfriend ako ni Ram kaya kumportable na siya sa akin. Ngunit siyempre kabaligtaran iyon sa akin. “It’s alright! Alam naman ng assistant ko na girlfriend kita kaya puwede kitang yakapin at halikan kahit kailan ko gusto,” malambing na pahayag ni Ram na lalong sumugat sa puso ko. Ito na yata ang pinakamasakit na torture sa lahat. Iyong gustong-gusto mo nang umiyak at magwala pero hindi puwede dahil wala ka sa lugar at higit sa lahat, wala kang karapatan. “Halika na nga, puro ka talaga kalokohan,” narinig ko pang paglalambing ni Ms. Lalaine. Bumaling pa ito sa akin kaya napilitan akong mag-angat ng mukha. “Leahbel, mauna na kami. Maaga kong kukunin ang boss ni’yo para masolo ko siya ngayong gabi!” pabiro ngunit makahulugang pamamaalam niya sa akin. Lumunok ako. Iyong masakit na paglunok. “Enjoy your night, ma’am, sir! Ingat po kayo!” hindi ko talaga alam kung paano iyon lumabas sa bibig ko nang hindi pumipiyok. Wala sa sariling nilingon ko si Ram at nakita ko ang matalim na tingin nito sa akin. Ipinagwalang bahala ko na lang para makaalis na sila. Kung hindi pa sila aalis ay bibigay na ang pagtitimpi ko at maiiyak na talaga ako. “Thanks! Bye!” pahabol pa ni Ms. Lalaine bago tuluyang lumabas habang nakayakap sa braso ni Ram. Paglapat na paglapat ng pintuan ay doon na bumuhos ang lahat ng sakit na kanina ko pa iniinda sa dibdib ko. Dahil mag-isa na lang ako ay hinayaan ko ang sariling humagulgol at umiyak nang umiyak. Isa-isang bumalik sa akin ang alaala ng nakaraan kung bakit kami humantong sa ganito. Kung paanong ang inaakala kong pagmamahal na totoo at para sa akin lamang ay isa pa lang kasinungalingan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD