Hindi agad ako nakapagsalita at nakatitig lang sa screen ng cellphone. Hindi ko alam kung matutuwa ako o ano sa nalaman kong ito. “Sa palagay mo ba’y dapat nating sabihin ito kay Sir Ram? I think deserve niyang malaman ang totoo,” narinig kong sabi ni Amanda. Ngunit hindi ako nakakibo dahil nananatiling nakatuon ang pansin ko sa picture nina Vincent at Miss Lalaine sa cellphone ni Amanda. “Ang sweet nila,” hindi ko namalayang nausal ko. “See? I told you! Kahit ako talaga hindi nagkamali ng hinala. Grabe, ano? Ang guwapo-guwapo at ang yaman-yaman na ni Sir pero nagawa pa rin siyang lokohin ng girlfriend niya. Hindi talaga ako makapaniwala. Kasi tingnan mo, kahit medyo masungit at cold iyang si Sir Ram, mabait siyang boss. Tapos kita naman natin na maalaga at sweet din siya kay Ma’am Lal

