Graciella's Point of View: Maraming mga tao na nangangarap na makapasok sa inmndustriya ng entertainment, mga binata at dala, mga bata at mayeoon ding may edad na. Nagbabasakali na makapasok sila at maipakita ang kanilang mga talento. Mahigit isang daan ang nasa loob ng isang malawak na silid, nakaupo at nakatayo habang naghihintay. Ang alam ko ay marlyroon pa sa labas, hindi ko na lang alam kung ilan ang bilang nila. Noong papasok kami dito sa loob, binigyan na nila kami ng number. Kung tatawagin ang number namin, iyon ang hudyat na papasok kami ulit sa isang kwarto. " Nais ko lang ipaalala sa inyong lahat, na ang mga hinahanap namin ay mga child star na nasa edad na lima hanggang sampu, mga kabataan na edad labing tatlo hangang dalawangpo, at mga lalaki at babae na may edad na da

