Graciella's Point of View: Halos dalawang oras din ang aming hinintay bago matapos ang unang lebel ng Audition. Sa dami namin kanina na nag-audition, wala pa yata sa kalahati ang nakapasa. Sa pisikal na aspetk pa lang ang tinitignan nila, pero ganito na kahigpit? Pwede naman pagandahin o pagwapohin ang mga nag-audition, bakit rejected sila kaagad? " Kung mapapansin ninyo, wala pa sa kalahati ang bilang ng nakapasa sa unang lebel pa lamang ng audition, " sabi ni Alex sa amin habang hinihinaty namin ang kikilatis sa pangalawang lebel. " Alam ninyo naman na ang Diamond Star Center ay hindi gaano kasikat na Talent Agensy, kaya ito ang aming naisip na paraan, ang makahanap at makagawa ng mga big star sa susunod na henerasyon! Sa pamamagitan n'on, baka lumaki pa ang Diamond, kaya mahigpi

