CHAPTER TWENTY-FIVE:
•••
•••
NAKA-UPO pa'rin ako sa harap ng monitor, tahimik na pinagmamasdan ang CCTV feed na nakapaligid sa DeLa Fuente Mansion. Wala nang masyadong galaw sa paligid, maliban sa ilaw mula sa mga poste ng mansyon na nagbigay liwanag sa madilim na paligid. Tahimik din sa HQ, maliban sa mahinang tunog ng aircon na nagdadagdag sa malamig na ambiance.
Nang biglang may kumatok sa pinto.
Tok! Tok! Tok!
Napalingon ako, agad kong in-off ang screen ng monitor at inayos ang postura ko. Lumapit ako sa pinto at binuksan ito. Si Artemis ang nasa labas, naka-cross arms, halatang nag-aalala.
"Nasaan si Aphrodite? Bakit hindi pa siya umuuwi? Gabi na," tanong niya, deretso at may bahagyang lamig ang tono.
Nagkibit-balikat ako at sinubukang magmukhang walang alam. "Zeus' house," sagot ko nang kalmado, kunwari hindi ako nagulat sa tanong niya. "She needed help with her assignments, so she went there."
Bahagyang kumunot ang noo ni Artemis, tila nagdududa, pero hindi na siya nagtanong pa. Tumango na lang siya, bagamat halata sa kanya na hindi siya ganoon kasigurado sa sagot ko.
"Basta, siguruhin mong makakauwi siya bukas nang maaga. Alam mo naman si Papa, magtatanong na naman kapag nalaman niyang hindi umuwi si Aphrodite. Tss."
"Don't worry, Artemis. I'll make sure she's safe." Sinubukan kong ipakita sa kanya na kontrolado ko ang sitwasyon kahit sa loob, kabado rin ako.
Tumango ulit si Artemis bago siya tuluyang tumalikod. "Okay. Pero huwag kang masyadong magpuyat, Athena. Alam kong lagi kang nakababad diyan sa monitor mo."
Hindi ko maiwasang mapangiti nang kaunti sa sinabi niya. "Noted, Artemis."
Isinara ko ang pinto at huminga nang malalim. Bumalik ako sa upuan ko at binuksan muli ang monitor. Nasa DeLa Fuente Mansion pa rin si Aphrodite kasama sina Kenster at Keanu, pero mukhang walang indikasyon na gagawa sila ng masama.
Ngunit hindi ko pa rin maiwasang mag-isip. Paano kung malaman ni Artemis ang totoo? Paano kung malaman niyang hindi lang simpleng assignments ang dahilan kung bakit wala si Aphrodite?
"Athena, you need to keep this under control," paalala ko sa sarili. Ayokong madamay si Artemis, lalo na’t may posibilidad na konektado ang sitwasyon kina Kenster at Keanu sa mas malaking plano laban sa pamilya namin.
Tumingin ulit ako sa monitor. Tahimik pa rin ang paligid ng DeLa Fuente Mansion. Wala akong ibang magawa kundi maghintay. Napaisip ako kung kailan matatapos ang lahat ng ito.
"I just hope Aphrodite gets home safely," bulong ko sa sarili ko habang nagpapatuloy ang mahabang gabi.
ILANG ORAS na lumipas nang makaramdam ako ng antok, kaya naisipan kong magligpit na at matulog.
...
...
NAGISING ako nang maaga, hindi pa sumisikat ang araw. Madilim pa ang kalangitan, at ang tahimik ng paligid. Pero ang utak ko, parang gising na gising. Ang dami kong iniisip—si Kenster, si Keanu, and Aphrodite.
Napabuntong-hininga na lang ako habang tinanggal ang kumot na nakabalot sa akin.
Tumayo ako mula sa kama at tumingin sa monitor na nasa tabi ng mesa. Sinuri ko ang bawat live feed mula sa CCTV na nakapalibot sa mansion at sa buong lupain ng Montello Montes. Tahimik ang paligid, pero parang may mali.
Napakunot ang noo ko nang may mapansin sa screen. Isang sasakyan ang pumasok sa area namin. Hindi ko agad maaninag kung anong sasakyan iyon, pero halatang hindi taga-rito.
"Mukhang hindi ito inaasahan," bulong ko sa sarili habang pinapalapit ang view ng camera gamit ang zoom.
Tumatakbo ang sasakyan ang mahabang daan. Parang alam nito ang daan, pero hindi rin sigurado sa direksyon. Napansin ko na huminto ito saglit, parang nag-aalangan kung tutuloy pa ba.
Kinuha ko ang earpiece na nasa tabi ng monitor at sinaksak ito sa tainga ko. Kaagad kong in-activate ang communication line sa security team.
"Code Gray," malamig kong sabi sa linya. "May pumasok na unidentified vehicle sa country home main road. I-verify ang driver at passenger."
"Copy, Miss Athena. Moving to intercept."
Sinubaybayan ko ang sasakyan habang papalapit ito sa mas malapit na bahagi ng lupa namin. Napansin kong may isang tao sa driver's seat, pero hindi malinaw kung may kasama siya. Naka-tinted ang bintana.
Napaisip ako. Sino ito? Isa kaya ito sa DeLa Fuente brothers?
Pumikit ako saglit at huminga nang malalim. Hindi pwedeng hindi ko ito seryosohin. Ang lahat ng bagay na pumapasok sa teritoryo namin ay kailangang masuri, lalo na't hindi ito dumaan sa tamang proseso.
Sumandal ako sa upuan habang nakatitig sa monitor. Hindi ko alam kung sino ang nasa loob ng sasakyan, pero halata sa kilos nito na mabagal at maingat ang pag-andar nito. Mula sa posisyon nito, nasa kalahati pa lang sila ng mahabang daan.
Pinindot ko ang zoom para makita nang mas malinaw ang sasakyan. Tumigil ako saglit nang makilala ko na ito. Ito ang kotse ni Kenster Mark DeLa Fuente. Kasama niya ang kapatid niyang si Keanu… at si Aphrodite.
Napaayos ako ng upo. So they’re finally bringing her back... Medyo nakahinga ako ng maluwag. Kanina pa ako nag-aalala kung ano ang ginagawa ni Aphrodite kasama ang dalawang iyon. Lalo na't alam kong delikado ang mga taong iyon, kahit pa wala akong konkretong ebidensya.
Pero bago pa man sila makalapit nang tuluyan sa main gate, biglang huminto ang sasakyan nila. Hinawakan ko ang mouse at ini-adjust ang monitor.
Isang anino ang lumitaw sa gitna ng daan. Sa dilim, hindi ko agad nakilala kung sino iyon. Tila hindi gumagalaw ang taong ito, matatag ang tindig habang hinaharang ang daanan.
Binuksan ko ang ibang camera para makakuha ng mas malinaw na view. Nang makita ko kung sino iyon, napabuntong-hininga ako.
"Apollo," bulong ko sa sarili.
Ang kuya ni Aphrodite, si Apollo, ang humarang sa kanila. Nakasuot siya ng itim na leather jacket at nakatayo sa gitna ng daan, parang hari ng kalsada.
Nakita ko kung paano siya lumapit sa kotse at kinatok ang bintana ng sasakyan. Pinagbuksan siya ni Kenster at saka sila nag-usap. Kahit sa dilim, kita ko ang malamig na ekspresyon sa mukha nila. Seryoso silang nag-uusap dalawa. NANANATILING kalmado, at hindi man lang nagpakita ng kahit anong emosyon.
Nang matapos ay binuksan na ni Keanu ang pinto sa likod, nauna siyang lumabas at doon nakita kong bumaba rin Aphrodite. Nang makalabas na siya ay bumalik na ulit si Keanu sa loob at hindi nagtagal ay umatras na ang sasakyan. Maya-maya pa, umalis na rin ang sasakyan nila, papalayo sa teritoryo ng Montello Montes.
Patakbo namang lumapit si Aphrodite sa Kuya niya at niyakap ito.
Tahimik akong napabuntong-hininga.
"For now, you're safe, Aphrodite."
TO BE CONTINUED .....