CHAPTER TWENTY-FOUR

1053 Words
CHAPTER TWENTY-FOUR: ••• ••• PININDOT ko agad ang tawag kay Hestia matapos mabasa ang mensahe niya. Tatlong ring pa lang, sinagot na niya ang tawag. "Athena," bungad niya agad, at ramdam ko ang bigat ng kanyang boses. "May nalaman na ako tungkol sa DeLa Fuente Family..." "Sige, sabihin mo," sagot ko, habang ang tingin ko ay nakatutok pa rin sa monitor na nagpapakita ng mga file tungkol sa m******e ng pamilya DeLa Fuente. "Silang dalawa lang, Athena," sagot niya diretso. "Walang grupo o organisasyon na tumutulong sa kanila. Lahat ng ginagawa nila—ang paghanap sa mga taong sangkot sa pagpatay sa pamilya nila—sila lang. Walang ibang involved." Napaisip ako. Dalawa lang sila? Wala silang kakampi? Nang marinig ko iyon, tila mas lalo akong nakaramdam ng bigat. Kung walang tumutulong sa kanila, ibig sabihin mas mahirap para sa kanila ang gumalaw. Pero ibig din sabihin noon, mas desperado sila. "Walang kahit sino?" tanong ko, nagbabakasakaling may iba pa siyang nalaman. "Wala. Sinigurado kong i-trace kung meron man silang kausap o sinusuportahan sila, pero wala akong makita. Yung mansion na tinitirhan nila ngayon? Pamilya nila rin ang nagpatayo noon bago ang m******e. Iniwan na ng ibang kamag-anak nila matapos ang nangyari." Napabuntong-hininga ako. "So, this is purely personal. Sila lang talaga ang nagpa-planong maghiganti." "Oo, Athena. At mukhang ikaw ang target nila," dagdag niya. Hindi ko napigilan ang pagbalik ng tingin ko sa monitor, kung saan nakasave ang mga litrato nina Kenster at Keanu. Kahit bata pa sila, halata sa mga mata nila ang galit at poot. Samantalang si Keanu naman, kahit palaging nakangiti, alam kong may kung anong tinatago sa likod ng mga ngiti niya. "Pero bakit si Aphrodite? Bakit siya ang ginamit nila?" tanong ko kay Hestia. "Siguro dahil nakita nilang madali siyang ma-approach," sagot ni Hestia. "Alam nila na protective ka kay Aphrodite, kaya siya ang ginawa nilang paraan para makalapit sa'yo." Napakuyom ang kamao ko. "Pero hindi nila siya masasaktan, Hestia. Hindi ko hahayaang madamay si Aphrodite sa galit nila." "Ano ang plano mo ngayon?" tanong niya, halata ang pag-aalala sa boses niya. Bumuntong-hininga ako at tumayo mula sa upuan. "Kailangan kong malaman kung ano talaga ang plano nila. Kung paano nila gustong bumawi sa pamilya natin. Kung kailangan, pupuntahan ko sila." "Pupuntahan mo? Athena, delikado 'yan." "Alam ko," sagot ko nang matigas. "Pero wala na akong ibang choice. Si Aphrodite ang nasa kalagitnaan nito. Hindi ako pwedeng umupo lang at maghintay." Tahimik si Hestia saglit bago siya nagsalita ulit. "Sige. Basta mag-iingat ka. Sabihin mo kung kailangan mo ako." "Oo," sagot ko, pero alam kong ang susunod kong gagawin ay kailangang mag-isa. Pagkatapos ng tawag, tumayo ako sa harap ng monitor. Muling bumalik sa isip ko ang mga mata ni Kenster at ang nakatagong poot sa likod ng ngiti ni Keanu. Wala silang iba kundi ang isa’t isa, pero minsan, ang ganitong sitwasyon ang pinakamapanganib. Hindi ko pwedeng ipagwalang-bahala ito. Kung totoo ngang plano nilang maghiganti, sisiguraduhin kong hindi masasaktan si Aphrodite, at hindi nila magagamit ang pamilya namin para makamit ang plano nila. Sinimulan kong maghanap ng impormasyon na maaaring makapagbigay ng lead. Hindi nila alam kung sino ang kinalaban nila. At hindi nila alam na handa akong gawin ang lahat para protektahan ang pamilya namin. MULING bumalik ako sa harapan ng monitor, pinagmamasdan ang litrato nina Kenster at Keanu. Ngayon, mas malinaw na sa akin ang lahat. Sa unang tingin, si Kenster ang mukhang delikado—yung tipo ng taong hindi mo gugustuhing makasalubong ng tingin. Tahimik, malamig, parang laging may iniisip na plano. Pero si Keanu? Mukhang harmless. Masayahin, laging nakangiti. Pero hindi pala ganun kasimple. "Keanu..." bulong ko sa sarili habang pinagmamasdan ang litrato niya. "Lahat ng ngiti mo, peke lang pala." Napangisi ako, pero ramdam ko ang bigat sa dibdib ko. Sino nga bang mag-aakala na ang taong laging mukhang masaya ay puno ng galit sa loob? Si Kenster na mukhang walang emosyon ang pinuno ng plano, pero si Keanu ang sumasalamin sa kung gaano kalalim ang sugat na iniwan sa kanila ng nakaraan. Huminga ako nang malalim at binalik ang tingin ko sa mga impormasyon sa harap ko. Hindi sila pwedeng maliitin. Oo, silang dalawa lang ang nagbabalak ng paghihiganti. Wala silang kakampi, pero yun ang nagpapalakas sa kanila. Walang ibang makakabawas sa plano nila—walang magtataksil, walang pipigil. Biglang tumigil ang tingin ko sa isang CCTV footage ni Keanu. Nakunan siya sa isang abandonadong lugar. Para bang nasa isang breakdown moment siya—sinuntok niya ang pader nang malakas, at halos mabasag ang sementong kinatatamaan. Pero pagkatapos nun? Ngumiti siya. Yung klase ng ngiti na hindi nagpapakalma, kundi mas lalong nakakatakot. "A smile can hide a thousand screams," bulong ko. Napailing ako. Ramdam ko ang tensyon sa loob ng katawan ko. Tumingin ako sa litrato ni Kenster. Kung si Keanu ang emosyonal, si Kenster naman ang kalmado. Siya ang utak ng lahat, ang tahimik pero mapanira. Sa bawat galaw niya, ramdam mo ang disiplina at kontrol. Parang lahat ng kilos niya ay may dahilan. Siya yung tipong hindi kailanman papakita ng galit, pero kapag kumilos, sigurado kang tatamaan ka. Huminga ako nang malalim ulit. Nakaramdam ako ng bigat sa sitwasyon. Alam kong hindi ito madali. Dalawang magkaibang tao, pero parehong puno ng poot at parehong naglalayon ng iisang bagay... Ang paghiganti... Biglang tumunog ang laptop ko. Isang alert. May pumasok na email. Hindi ko kilala ang sender, pero hindi ko rin inignore. Binuksan ko ang message, at halos manlamig ang katawan ko sa nabasa. "Athena Minerva Montes Montello, watch your back. The DeLa Fuente brothers are closer than you think." Athena Minerva Montes Montello... Tila nanigas ang buong katawan ko. Sino ang nagpadala nito? At paano niya nalaman na sinusubaybayan ko ang magkapatid? Tumingin ako sa labas ng bintana. Tahimik ang paligid ng HQ, pero pakiramdam ko, parang may anino sa dilim na nagmamasid. Kahit alam kong hindi pa buo ang plano ng magkapatid, ramdam ko ang panganib na dala nila. “Wala silang kakampi, pero paano kung meron na?” bulong ko. Napatingin ako sa monitor ulit. Kung sino man ang tumutulong sa kanila, malinaw na isang malaking banta ito. At ako? Kailangan kong maging handa. Kailangang alamin ko ang susunod nilang hakbang bago nila tuluyang pasabugin ang mundo ko. TO BE CONTINUED .....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD