CHAPTER TWENTY-THREE:
•••
•••
PAGKATAPOS kong putulin ang tawag, nanatili akong nakatitig sa monitor sa harap ko. Nakikita ko ang huling frame ng CCTV feed mula sa bahay na kinaroroonan ni Aphrodite. Sa likod ng isip ko, paulit-ulit ang babala ko sa kanya... We don’t know whether he is an enemy or not.
Pero ngayon, wala na akong nakikita sa screen. Nawalan na ng signal ang tracking device ko sa DeLa Fuente Mansion. Ang secured na security system nila ang sumira sa koneksyon. Napalalim ang hinga ko. Malinaw na may malakas na hacker din sa pamilya nila, pero sino?
Sinubukan kong mag-access ulit sa mga backup protocols ng tracking device. Baka sakaling may loophole o makakuha pa ako ng impormasyon, pero wala talaga. They know how to cover their tracks.
Tahimik ang paligid ng HQ. Ang tanging naririnig ko lang ay ang bahagyang ugong ng mga server sa ilalim ng control room. Pero kahit sa ganitong katahimikan, ramdam ko ang bigat ng sitwasyon. Si Aphrodite, ang kapatid kong laging puno ng energy, ay nasa teritoryo ng isang taong halos walang impormasyon.
Alam kong mapanganib ang sitwasyon ni Aphrodite, lalo na’t walang bakas kung ano ang pakay ng lalaking iyon sa kanya. Ang mas nakakatakot ay ang posibilidad na hindi niya alam ang pinasok niya.
Tumayo ako mula sa upuan, naglalakad pabalik-balik sa silid. Hindi ko mapigilang mag-isip ng mas malalim. Should I intervene now? Should I send someone to check on her? Or should I trust her instincts?
Naalala ko ang sinabi niya kanina—masakit ang paa niya. At sa huling frame ng monitor, nakita kong binuhat siya ni Kenster sa likod nito. Ang imahe ay paulit-ulit na bumabalik sa isip ko.
Napahinto ako sa paglalakad. Kinuha ko ang isa pang cellphone sa gilid ng mesa at binuksan ang isang secure line. Tinawagan ko si Hestia.
“Hestia,” agad kong sabi nang sagutin niya. “Aphrodite didn’t come home.”
“Where is she?” tanong niya, kalmadong boses ngunit halatang nag-aalala.
“She’s at the DeLa Fuente Mansion,” sagot ko, nilalabanan ang pagkabahala sa tono ko. “I can’t track her anymore. Their security system is tight.”
Hindi agad sumagot si Hestia. Naririnig ko lang ang mahinang tunog ng mga hakbang niya sa kabilang linya. Alam kong iniisip niya rin ang susunod na hakbang.
“Do you need me to check on her?” tanong niya sa wakas.
Saglit akong nag-isip. “Not yet. Let’s wait for her to make a move. Pero maghanda ka. We might need to act fast if something happens.”
“Understood,” sagot niya, pagkatapos ay pinutol ang tawag.
Huminga ako ng malalim at bumalik sa monitor. Alam kong hindi ko pwedeng iwan si Aphrodite sa ganitong sitwasyon. Pero kailangan kong magtiwala sa kanya, kahit mahirap.
Sa loob ng HQ, habang nakaupo ako sa control room, muling tumutok ang isip ko sa isang bagay: I need to find out kung ano ang plano niya—and why Aphrodite is involved with him.
Nanatili akong nakaupo sa harap ng monitor, iniisip ang sinabi ko kay Hestia. Sa gitna ng aking pagmumuni-muni, bumalik sa isip ko ang isang mahalagang impormasyon: Ang DeLa Fuente m******e. Alam ko ang tungkol dito—isang trahedyang tumapos sa halos buong pamilya nila taon na ang nakakaraan. Pero bukod sa pangunahing detalye, wala na akong ibang alam tungkol dito.
Muli akong humarap sa isa pang computer terminal, binuksan ang isang secure database, at sinimulan ang paghahanap. Hindi ito ang unang beses na sinubukan kong alamin ang mas malalim na kwento tungkol sa trahedyang iyon, pero parang may invisible wall na laging pumipigil. Walang malinaw na dokumento, walang kompletong balita. Lahat ng impormasyon ay tila sinadyang burahin o itago.
Habang nagta-type, iniisip ko kung paano konektado si Kenster Mark DeLa Fuente sa m******e na iyon. Buhay pa siya, at malinaw na malakas ang pamilyang kinabibilangan niya ngayon. Pero paano sila nakabangon mula sa ganoong trahedya? At bakit parang wala ni isang mapagkakatiwalaang impormasyon tungkol sa kanila?
Bumalik sa akin ang imahe ni Aphrodite, binubuhat ni Kenster sa likod nito. Hindi niya alam ang tunay na koneksyon niya sa lalaking iyon, at lalo akong nag-aalala. Kung ang m******e na iyon ay nagbunga ng isang lihim na agenda, posible kayang nadamay si Aphrodite sa planong iyon?
Tinapik ko ang mesa nang maramdaman ang frustration. I need more information. I can’t just sit here and wait. Tumayo ako at naglakad pabalik-balik sa silid.
Biglang pumasok sa isip ko ang posibilidad na ang mga natirang miyembro ng DeLa Fuente ay maaaring may kinalaman sa pagkawala ng impormasyon tungkol sa kanilang pamilya. Ang antas ng kanilang security ay masyadong mataas, higit pa sa normal para sa isang ordinaryong pamilya.
Bumalik ako sa upuan at binuksan ang encrypted messaging app na ginagamit namin ni Hestia.
Athena: "Hestia, have you heard of the DeLa Fuente m******e?"
Hestia: "Yes, but only the basics. Why?"
Athena: "I need you to dig deeper. Start with Kenster Mark DeLa Fuente. There’s a chance he’s connected to what happened years ago."
Hestia: "I’m on it."
Pinatay ko ang phone screen at huminga nang malalim. Ang mga katanungan ay dumarami, at ang mga sagot ay tila lalong nagiging mailap. Pero isang bagay ang malinaw, kailangang malaman ko ang lahat ng detalye. Para sa proteksyon ni Aphrodite, kailangan kong maunahan ang kahit sino pa mang nagtatangkang magdala ng panganib sa buhay niya.
Habang tumutok ako muli sa monitor, pumasok ang isang simpleng realization—This isn’t just about Aphrodite. It’s about uncovering the truth behind the DeLa Fuente family—and their dangerous secrets.
Muling nanatili ang mata ko sa monitor habang patuloy na naglo-load ang mga nakalap na impormasyon. Sa wakas, nagkaroon na ako ng breakthrough. Ang encrypted file na dati’y hindi ko mabuksan ay unti-unting nagbigay liwanag sa totoong kwento ng DeLa Fuente m******e.
Habang binabasa ko ang mga detalye, napuno ako ng kaba at pagtataka.
Ang m******e ay hindi simpleng aksidente o random na krimen. Ito pala ay planado—isang cold-blooded attack laban sa DeLa Fuente Family. At ang mas nakakagulat? Ang mastermind ng pagpatay ay ang Montello Montes. Ang pamilya ko.
Humigpit ang hawak ko sa gilid ng mesa. Hindi ko alam kung paano ito tatanggapin.
Nagpatuloy ang pagbabasa ko at doon ko natutunan na ang m******e ay ginawa dahil sa isang lumang alitan sa pagitan ng dalawang pamilya. Ang Montello Montes, ayon sa mga file, ay ginamit ang impluwensya at kapangyarihan para tuluyang burahin ang DeLa Fuente sa eksena. Pero hindi nila naubos ang pamilya.
Dalawang tao ang nakaligtas.
Si Kenster Mark at ang nakatatanda niyang kapatid na si Keanu DeLa Fuente. Ang dalawang ito ay tumakas at nagtago, naghintay ng tamang pagkakataon upang gumanti. Hindi sila naglaho para lamang magtago—lahat ng galaw nila ay planado. Lahat ng hakbang ay patungo sa iisang layunin: ang paghihiganti.
Napakapit ako sa upuan nang maisip ko ang implikasyon nito. Si Aphrodite, isang inosente sa lahat ng ito, ay nasa teritoryo ng kalaban. Si Kenster, na nagdala sa kanya sa mansion, ay maaaring ginagamit siya upang maghiganti sa amin.
Biglang nag-flash sa screen ang isang bagong larawan. Si Keanu... Sa tingin ko, siya ang utak ng lahat. Si Kenster ay mukhang nagiging tulay lamang para sa mas malaking plano.
Napalunok ako. Ano ang ibig sabihin nito? May kinalaman ba si Aphrodite sa plano nilang dalawa? Ginagamit ba siya bilang leverage?
Tumayo ako at naglakad-lakad sa silid, sinusubukang pakalmahin ang utak ko. Sa sobrang dami ng impormasyon, parang sasabog ang ulo ko.
Pero kailangan kong maging maingat. Hindi pwedeng basta-basta akong magpadalos-dalos.
Bumalik ako sa computer at sinimulan ang pag-track sa security ng mansion nila Kenster. Hanggang ngayon, napakahirap pasukin. Pero isang bagay ang sigurado, kailangan kong mailigtas si Aphrodite bago pa siya tuluyang maipit sa plano ng magkapatid.
Habang nag-iisip ako ng susunod na hakbang, isang linya ng text ang pumasok sa secure messaging app ko mula kay Artemis:
Hestia: "Athena, I just found something big. Call me now."
Agad kong kinuha ang phone. Sa likod ng lahat ng takot at kaba, isa lang ang malinaw—Hindi ko hahayaan na may mangyari kay Aphrodite, kahit pa ang mga kalaban namin ay mga biktima ng galit na gawa ng sariling pamilya namin.
TO BE CONTINUED .....