CHAPTER TWENTY-TWO

1139 Words
CHAPTER TWENTY-TWO: ••• ••• ILANG ORAS na ang nakalipas, habang nakahiga ako sa kama, biglang tumunog ang notification ng laptop ko. Agad kong kinuha ito mula sa bag at binuksan. Lumitaw sa screen ang feed mula sa CCTV na naka-link sa Dreameville at sa paligid ng MM Mansion. Sinuri ko ang mga oras ng pagpasok ng mga tao sa mansion kanina, pero isang bagay ang tumama sa akin—wala sa listahan si Aphrodite. "Wait," bulong ko sa sarili, mabilis na binuksan ang live feed ng mga CCTV sa paligid. Sinuri ko ang mga footage mula sa Dreameville hanggang sa gate ng mansion. Wala siyang dumaan. Agad akong tumayo, ang kaba sa dibdib ko ay unti-unting lumalakas. "Bakit hindi siya umuwi?" Binuksan ko ang access logs at mabilis na naghanap ng clue. Ang huling notification tungkol kay Aphrodite ay kaninang hapon pa, noong nasa school pa siya. "Okay, calm down, Athena," sabi ko sa sarili habang sinusubukang pigilan ang panic. Sinimulan kong i-review ang mga cameras mula sa school niya. Sa monitor, nakita ko ang eksena mula kanina—si Aphrodite, nakangiti habang kausap ang mga kaklase niya sa gilid ng field. Pero pagkatapos ng PE class, nawala na siya sa view. Nagsalubong ang dalawang kilay ko at agad na binuksan ang ibang camera sa campus. Mula sa footage, nakita ko siyang may kasama, at may sinundan? "Lakad lang sila nang lakad," sabi ko, sinusundan ang bawat galaw sa ibang anggulo ng camera. Pero biglang naputol ang feed nang lumampas sila sa gymnasium at gumilid. Wala na akong makitang kahit anong footage pagkatapos noon. Napahawak ako sa ulo ko. "Nasaan ka, Aphrodite?" tanong ko, halatang kinakabahan. Tumingin ako ulit sa screen ng laptop. "Hindi pwedeng ganito. Kailangang malaman ko kung nasaan ka." Kinuha ko ang isang maliit na device mula sa drawer ko. Isa itong tracker na naka-sync sa personal na gamit ni Aphrodite, pero may limitasyon ito—kailangan kong makuha ang signal mula sa huling lugar kung saan niya ito ginamit. In-input ko ang code at sinimulan ang search. Nag-pray ako nang mahina habang iniintay ang resulta. Kung nasaan ka man, sana ligtas ka. Habang nakatingin ako sa screen ng laptop, unti-unting lumabas ang resulta ng tracking. Napansin ko na parang may bagong signal sa isang lugar malayo sa Dreameville. Tinutok ko ang camera feed sa lugar na iyon at halos mabigla ako nang makita ko si Aphrodite—kasama si Kenster Mark DeLa Fuente. Habang tinitingnan ko sila sa monitor, nakita ko si Aphrodite at Kenster Mark DeLa Fuente na magkasama pa rin. Pero may napansin akong kakaiba. Si Aphrodite, na kadalasan ay mabilis maglakad at hindi nagpapatalo, ay hindi na makagalaw nang maayos. Nakatingin siya sa paa niya at nagdadalawang-isip, hanggang sa napansin kong medyo natapilok ang paa niya. "Huh?" bulong ko, habang sinisilip ko siya sa screen. Ang mga hakbang niya ay medyo pilit at tila nahirapan siya, hanggang sa napansin kong bumangon si Kenster mula sa pagkakasunod sa kanya at inaalalayan siya. Sa isang iglap, bumigla ang nangyari—si Aphrodite, na hindi kayang maglakad, ay naupo sa likod ni Kenster. "Wait, what?" I couldn’t believe my eyes. Naka piggyback ride na si Aphrodite kay Kenster. Ang tapang at lakas ni Aphrodite na parang walang kayang humarang sa kanya, pero ngayon, siya na mismo ang nagpatulong at nakasakay sa likod ng isang lalaki na hindi niya pa kilala ng lubos. Pinanood ko silang magkasamang pumasok sa mansion. Si Aphrodite, hindi makalakad ng maayos, at si Kenster, na hindi ko pa rin lubos na kilala, ang nag-aalaga sa kanya. "Is he really helping her?" Tanong ko sa sarili ko, habang nag-aalala. Alam ko na hindi ganito si Aphrodite, hindi siya madaling magpatulong o magpapakita ng kahinaan. Pero bakit ngayon, kay Kenster pa? HANGGANG labas lang ang nakayanan ko, dahil hindi na ako makapasok sa loob ng Mansion. Parang may humaharang... Kaya naghintay na lamang ako ng Ilang segundo, minuto at Oras! At aaminin ko, HINDI NA AKO KALMADO! MABUTI na lang nag-ring ang phone ko. Tiningnan ko ang screen. Aphrodite. Tumawag siya sa akin. Saglit akong tumigil, pinakinggan ang tunog ng pag-ring. Hindi ko alam kung bakit, pero parang bigla akong kinabahan. Alam kong hindi siya tatawag nang ganito kung hindi importante. Inabot ko ang phone pero hindi ko agad sinagot. Naisip ko tuloy, alam na kaya niya na binabantayan ko siya? Alam na kaya niya na hindi siya nakaligtas sa mga mata ko, kahit pa hindi siya umuwi ngayong gabi? Napansin kong umabot na ng ilang ring. Hindi pa rin ako kumikilos. Minsan, ang pagiging maingat ko ay nauuwi sa overthinking. Pero sa huli, pinili kong sagutin ang tawag. "Hello po, Ate Willow," narinig ko ang boses niya sa kabilang linya. Tahimik akong nakinig. Gusto ko sanang marinig muna ang sasabihin niya bago ako magsalita. Pero ilang segundo na ang lumipas, wala pa rin siyang sinasabi. "Ate Willow?" tawag niya ulit. Natawa ako nang mahina. She must be checking her phone by now, iniisip kung disconnected ba ang tawag. Pero nanatili akong tahimik. Gusto kong malaman kung ano ang nasa isip niya ngayon. "Ate Willow? Hello?" Idinikit ko na sa tenga ko ang phone. "Aphrodite," sagot ko sa wakas. Narinig ko ang paghinga niya ng maluwag, parang napakalaking ginhawa na marinig ang boses ko. "Hay salamat," sabi niya. "Si Ate Willow nga." "Hindi ka makakauwi?" tanong ko, diretso sa punto. Narinig ko ang bahagyang pagkabigla sa boses niya. Alam ko kasing hindi niya inaasahan ang tanong na iyon. "H-hindi po," sagot niya, halatang nag-aalangan. "Kase... masakit po ang paa ko, Ate Willow." Natahimik ako saglit. Hindi ko na kailangang itanong kung nasaan siya. Alam ko na kung kaninong bahay siya nagpahinga. Hindi ko na rin kailangang itanong kung ano ang nangyari sa paa niya. Mula sa CCTV feed kanina, nakita ko kung paano siya natapilok sa kakahabol sa lalaking kasama niya. "Baka bukas pa po ako makakauwi'," dagdag niya. "Okay," sagot ko. "I will tell Artemis." Alam kong nagtataka siya. Naramdaman ko iyon sa katahimikan niya. Siguro iniisip niya kung bakit hindi ko siya tinatanong kung nasaan siya o kung sino ang kasama niya. Pero wala na akong kailangang itanong. "Just be cautious around someone who is close to you," sabi ko sa huli, piniling bigyang-diin ang babala. "We don’t know whether he is an enemy or not." Alam kong naramdaman niya ang bigat ng sinabi ko. Hindi ko rin maiwasang mag-alala sa kanya, lalo na’t ang taong kasama niya ngayon ay hindi basta-basta. Ngunit hindi ko na iyon sinabi nang direkta. Alam kong matalino si Aphrodite. Pinutol ko na ang tawag bago pa siya makapagtanong ng higit pa. Tiningnan ko ang monitor sa harapan ko, pinapanood ang huling feed mula sa kuwarto kung saan siya naroon. "Be careful, Aphrodite," bulong ko sa sarili. TO BE CONTINUED .....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD