bc

The Billionaire's Forgotten Wife

book_age18+
785
FOLLOW
3.8K
READ
billionaire
dark
others
CEO
drama
tragedy
bxg
realistic earth
wife
like
intro-logo
Blurb

Dylan is a business man and at the same time a cook/chef sa sariling niyang restaurant. Multi- business tycoon. Isa siyang mapag mahal, maalagang boyfriend sa'kaniyang first and last love na si Alyana. Ngunit isang trahedya ang magbabago ng kanilang kapalaran.

Alyana An executive directress of Buenavista Empire. She managed her family business when her parents died due to a car accident

After an accident biglang gumuho ang mundo ni Alyanna ng hindi na siya maalala ng kan'yang asawa.

Paano kong ang dating masaya at punong puno ng pagmamahal ay nabalutan nang pighati, pasakit at pagkawasak ng 'yong puso.

Anong silbi ng dokumentong panghahawakan, kong wala ng pagmamahal.

Hanggang saan mo kayang ipaglaban ang asawang nakalimutan kana maging ng kan'yang isip at puso..

chap-preview
Free preview
Prologue
ALYANA Ang sabi nila makalimot man ang isip pero, hinding hindi ang puso ng isang tao. Ngunit paano kung pati ang puso niya ay makalimutan ka na rin??? Ako si Alyana Buenavista-Sandiego, legal na asawa ni Dylan Sandiego. Two years ago nang maaksidente kaming dalawa nang asawa ko. Ang masayang honeymoon sana naming mag-asawa ay nabalutan nang hinagpis. Nang mabangga ang sinasakyan namin na fortuner nang isang walang pusong truck driver at ang masaklap pa roon nabangga na nga niya kami pero hindi man lang kami nagawang tulungan. Agaw buhay kaming dalawa sa operating room nang dalhin kami ng mga medics sa ospital ng asawa ko at wala ring makapagsasabi kong may pag-asang mabubuhay pa kami o hindi na. Ilang oras nang umiikot ang mahabang kamay na relo at tanging oxygen tank na lamang ang bumubuhay sa'aming dalawa pero, sabi nila may dumarating na himala na hindi natin inaasahan. Bigla akong nagising sa ilang araw na pagkaka comatose. Bihira lang raw na mabilis magising ang isang pasyente na galing sa comatose, usually it turns to months or years and maybe hindi na. Kong anong swerte ko gayon naman ang kamalasang napunta sa asawa ko. Masakit na makitang araw-araw na nakaratay sa higaan ang mahal mong asawa. Bawat araw na lang pinapatay ang puso ko at hindi ko malaman ang aking gagawin. Bawat araw ipinag darasal ko na sana, hwag niya munang kunin ang mahal kong asawa saakin sapagkat, hindi ko kakayanin kong mamatay ito ng ganito kaaga. We've been waiting for 11 years para makasal kami at after that ganito lang ang nangyari. Sobrang sama ng loob ko hindi ko kinakaya ang bawat araw na nakikita ko itong walang malay at tanging oxygen tank na lamang ang bumubuhay rito. At kong mawawalan ito ng life support tuluyan na niya akong lilisanin. Maging ang magulang nito ay sumuko na rin. Mahigit tatlong taon na pala ang lumilipas hindi pa rin nagigising ang mahal kong asawa. Marami nang naganap sa buhay ko, pero siya heto nanatiling nakaratay lamang sa kan'yang kama at sa apat na sulok nang kwartonh nagsilbing kan'yang tahanan sa tatlong taon. Walang makakapag sabi kahit na doctor nito kong magigising pa ba siya o hindi na. Actually, tinapat na niya ako para ma-i-ready ko na rin ang sarili kong sakaling dumating ang araw na lumisan na 'to. Hindi ko yata kakayanin na ako mismo ang papatay sa asawa ko. Lahat ng taong nakapalibot sa'amin ay sumuko na. Binigyan rin nila ako ng advise na gawin ko na raw ang nararapat. Ayokong gawin ito at hindi ko kaya at hinding hindi ko gagawin ang sinasabi nilang mercy killing. Kong mamatay siya kahit mabigat sa kalooban ko sige, pero kong ako ang gagawa ng ikamamatay niya. No! Way! I can't do that. I can't do that!!! Paulit-ulit kung pinauunawa sa lahat na kaya ko, mag hihintay ako hanggang sa oras na magising ito. Isang araw galing ako sa opisina at pagod na pagod. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Bigla akong naka kita ng liwanag, sobrang liwanag naglakad ako at sinundan ang liwanag na pumukaw sa atensyon ko. Hanggang sa makarating ako sa dulong bahagi nito at halos manlaki ang mga mata ko kung sino ang bulto ng taong nasa liwanag. Walang iba ang pinakamamahal kong asawa si Dylan. "Dylan, Dylan! Mahal ko." paulit-ulit na pag tawag ko rito, ngunit nanatiling bingi ito. Nagtatakbo ako palapit sa kinaroroonan niya dahil, sa pasikot sikot ang lugar na 'yon hindi ko na ito naabutan. Bigla siyang nawala at nabalot ng takot ang puso ko. Punong puno nang pag hihinagpis ang nararamdaman ko mg mga oras na yon. "Dylan! Dylannnnnn! Mahal ko, nasaan ka na? Magpakita ka naman sa'akin, please!!!!" malakas na sigaw ko at nagbabakasakaling maririnig niya ang pag tawag ko. Pero bigo ako... Sa pagmamadali ko hindi ko namalayan ang isang kumunoy at nahulog ako. "Helpppp! Helpppp! Helppp," tatlong beses akong humingi ng tulong, ngunit walang nakakarinig ni isa sa'akin. Naiiyak na ako at nababalot ng pangamba. "Helppppppppppppppp!" Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko. Hanggang sa napabalikwas ako ng bangon. Napaupo ako at hingal na hingal. "Salamat sa poon, panaginip lang lahat pala," usal ko. Tumayo na ako para mag handa ng makakain ko. Nag stay muna pala ako sa isang apartment para hindi ako makaramdam namg lungkot kong sakaling uuwi ako ng bahay namin. Ang bahay na pangarap namin, kaya nga kami late nang nakasal, dahil pinag ipunan pa namin lahat at ayaw naming iasa sa mga magulang namin ang lahat ng meron kami ay pundar naming dalawa sa sariling pera. Simple lang naman kasi ang buhay na gusto ko. Wala rin naman kamalay malay ang asawa ko na isa pala siyang heredero ng kaniyang Lolo. Nang namatay ito pinamana niya lang naman ang lahat ng ari-arian na meron siya, maging ang posisyon nito sa SDC na C.E.O ay namana rin ng asawa ko. Kaya ganap na siyang isang Bilyonaryo sa batang edad niya.. Ayokong umuwi sa bahay namin, dahil mas papatayin lamang ako ng lungkot lalo na wala siya sa tabi ko. Kumain ako at nag bihis ng pang tulog. Panibagong bukas na naman kasi ang haharapin ko, at bilang ng araw na wala siya sa piling ko. At nag-iisa pa rin ako na lumalaban sa agos ng buhay. Kinabukasan lakad at takbo ang ginawa ko nagmamadali akong dumating ng ospital, dahil tumawag sa'akin ang staff ng MMH (Mary Mary Hospital) para ibalitang nagising na ang asawa ko. Thank you Lord, usal ko. Dahil sa wakas gising na siya. Pag dating ko sa kwarto nito, kasalukuyang ini-interview na siya ng doctor niya. Lumapit ako ng dahan dahan at tinawag ang pangalan nito. "Dylan, mahal ko, gising ka na nga!" excited na wika ko. At ang excitement komg 'yon ay nabalutan ng mapangamba ng napansin kong biglang kumunot ang noo nito at hindi man lang ngumiti na nakita niya ako. Gusto ko ng mag tampo sa asawa ko, pero iniisip ko na baka may jet-lag pa 'to mula sa pagkaka comatose. Kaya hinayaan ko na lamang kong ano man ang gusto niya. Hindi ko muna siya pipilitin pa. Alam kong mahirap ang kalagayan niya ngayon. Niyakap ko siya nang punong puno ng pananabik. Ipinaparamdam ko rito na miss na miss ko na siya sobra sobra. Walang araw na hindi ko pinagdarasal na gumising na siya. Hindi ko namalayan na pumapatak na pala ang luha ko. Lalo na nang itulak niyo ako bigla na ikinakunot ng noo ko. At mas malamig pa siya sa yelo. "Miss, look. Who are you? I don't even know you." nakasimangot na saad nito. Laglag ang panga ko sa narinig ko mula sa bibig ng sarili kong asawa. "Dylan, mahal, ano ba yang pinagsasabi mo? Nagbibiro ka na naman ba?" tanong ko, dahil nasanay akong mataas ang sense of humour ng asawa ko. Pero mas lumaglag ang panga ko ng sumagot ito. "Miss! Whatever you say. I don't know you." saad nito. Sabay talikod sa'akin. Binalingan ko ang doctor nito. "Doc, what happened, bakit ganyan ang naging reaksyon ng asawa ko. Dala pa rin po ba yan nang pagkaka comatose niya, tapatin niyo nga po ako." sunod sunod na tanong ko, dahil gusto kong maliwanagan ora mismo. At ayoko ng paligoy ligoy pa. "Listen, Alyana!" panimula nito, sa tagal tagal ng nilagi ko rito ay nakilala na ako ng doctor nito. "Tatapatin na kita base sa mga tanong ko sa asawa mo. He's suffering from Amnesia conditions." pagpapatuloy nito. "Amnesia doc? Ibig sabihin hindi niya ako makilala?" tanong ko. Medyo aware kasi ako sa ganiyang bagay, dahil graduate ako ng nurse pero mas pinili kong mag office na lang muna. Para, makapag trabaho agad ako. "Yes, Alyana! Kailangan mo nang matinding pang-unawa sa asawa mo. Unawain mo ang kalagayan ng asawa mo. Hwag mo siyang susukuan, tulad ng ginawa mo dati. Maiiwan muna kita at next week kapag wala namang conflicts sa asawa mo pwede mo na siyang iuwi at sa bahay na lang pagpahingahin." pagtatapos ng kwento nito. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang may amnesia ang asawa ko. Nagpa hangin muna ako bago ko ito binalikan. Pag bukas ko pa lang pintuan. Halos madurog ako ng sabihin nito na. "Get lost! Ayokong makita ka. Sino ka ba talaga Miss." tanong nito na halatang mainit ang ulo. "A-ako si A-alyana, ang asawa mo." nauutal na sagot ko. "Miss, kong sino ka man. Para sabihin ko sayo single ako at walang asawa.... Parang bombang sumabog sa harapan ko ang tinuran nito.. Hanggang sa tinanggap ko na lang ang kapalaran namin...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
177.4K
bc

His Obsession

read
86.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
136.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
78.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
26.8K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook