Chapter 2

1225 Words
Sa inis ko bigla ko siyang sinampal ng pagkalakas lakas. "Bastos ka! Wala kang Nanay, lola o ate man lang na babae para mag salita ka ng ganiyan?" asik na tanong ko rito. Wala akong pakialam kung pag tinginan kami ng mga tao sa bar. "Look, miss! Sino bang tumuwad sa harapan ko? Hindi ba ikaw? Akala ko kasi gusto mong magpa bayo." natatawang pang-aasar pa nito. "Huh? Nakita mo na ngang may kinukuha ako sa lapag. At isa pa malay ko bang nasa likod kita. Bweset ka!" sigaw ko. "Miss, masyado ka nang umaagaw ng eksena. Ano bang gusto mo, ipasok ko na sayo to? para tumigil ka. Ngawa ka ng ngawa dyan, ang sakit mo sa tainga. Pwede naman mag sabi kong nabitin ka." anya. "Ayy! Talagang gago ka rin ano. Sino ba nagsabing daks ka." pang-aasar ko rito. Nakita ko ang mga mata nito na matalim kong maka tingin. Tila napahiya ito sa sinabi ko. Kumunot ang noo nito at ang talim ng tingin na pinukol nito sa akin. "Naliliitan ka sa pagkalalak* ko Miss. Baka pag binayo kita ng binayo malumpo ka na agad." muling pang-aasar nito. "Ayy! Talaga nga naman makapal ang mukha nito." usal ko at bago ko pa siya masampal ng todo. Inawat na ako ni Lyneth na nakita rin pala ang pangyayari. Lahat ng tao hindi nakikialam na kasi saamin. Customer ako rito kaya umayos siya. "Sissy, ano bang pinag gagawa mo. Kanina pa kita hinihintay, nakikipag bangyaan ka lang pala dyan." wika nito. "Eh! Kasi tong hinayupak na lalaking 'to napaka pervy." inis na sagot ko. Napatingin naman si Lyneth sa sinasabi kong lalaki. At umandar na naman ang pagka kerengkeng nito. "Hi! Pogi. Pagpasensyahan muna tong kaibigan ko." broken hearted kasi 'to at ibalato muna lang sa akin ha." bulong niya sa huling salita. Hindi ko naman narinig na gawa ng ingay sa loob. Pero nakita kung ngumisi ang lalaking pervy dito. "I'm Lyneth Madriaga. Pwede ding love na lang ang itawag mo sa'akin." malanding sambit ng kaibigan ko. Kulang na lang mag all the way sa lalaking kausap niya at hindi nga nito kilala. Naku! Kong nasa bahay lang kami baka kanina ko pa kinurot ang singit nito sa landi niya. "Well, Lyneth right? You can order anything, sagot ko na. Para naman mawala ang pagiging brokenhearted ni ganda ay este ng kaibigan mo." sagot nito. Sabay ngisi sa akin nakita ko naman ang ngipin niya na mapuputi at pantay. Maya maya lang tinawag niya ang pansin nang isang waiter. Kaagad naman itong lumapit sa kinatatayuan namin. "Hanz, kindly assist them. Hwag muna lang silang singilin sagot ko na." wika nito. "Okay sir." sagot ng poging waiter. Mas pogi pa sa pervy na 'to. Umalis na ang waiter pero nandito pa rin ito sa harap namin. "Okay na Lyneth. Lasingin muna yang kaibigan mong si ganda." sagot nito. "Hoy!, Alam kung maganda ako pero may pangalan ako." sigaw ko rito. "Tama na nga sissy. Hindi ka pa nakakainom niyan ang lakas na nang amats mo." ani nito. "Nakaka bweset kasi yong pervy na 'yon. Asar!! "Tara na kasi. Habang hinihila nito ang kamay ko patungo sa pwesto namin. Pinaupo niya ako para kumalma kahit papaano. "Okay kana ba sissy?" tanong nito. Sasagot na sana ako ng biglang lumapit ang waiter kanina. "Hi! Ma'am heto na po yong order na free ni sir Demeter." saad nito. "Salamat pogi." wika ni Lyneth. Naku! Heto na naman ang bestfriend kung kire, sarap talaga i-nail cutter ang tingil nito kong minsan. Try ko lang baka tumigil siya. "Oh! Anong tingin yan Alyana???" tanong niya sa'akin. Patay malisya ang gaga, hindi niya alam kong ano-ano ang pinag gagawa niya ngayong araw. "Nag tanong ka pa talaga. Akina nga yang beer at gusto kong magpakalunod ngayong gabi. Tang *nang buhay to! Ilang taon akong nag tiis sa gago kong asawa. Akala ko magbabago siya pero, sissy palala siya ng palala." saad ko habang tinutungga ang beer na iniinom ko. Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako. "Ssssh! Sissy, gusto mo ba ng real talk. Alam mo gaga ka rin kasi, sinabi ko na sayong hindi magbabago yang gago mong asawa, kaso anong sabi mo hindi maaalala ka niya. Mahal ka niya. Hala sige pinabayaan kita. Oh! Anong napala mo, wala rin." pang-aasar pa nito. "Aba! Malay ko! Hayop siya, ilang babae araw araw ang dinadala niya para bayuhin sa mismong kwarto pa namin." pagpapatuloy ko ng kwento ko. "Ganon talaga nag mahal ka e' may kaakibat na masaktan. Kita mo ako after Luis, hindi na ako nag boyfriend. Ang sakit sa ulo niyan. Pa landi, landi na lang ako." natatawang sambit nito. "Paaano ba kasing lumandi?" tanong ko kay Lyneth. Parang ang dali sa'kaniya gawin yon. Sa 11 years namin ni Dylan siya lang ang nakahalik sa'akin. Hanggang halik lang kami, dahil takot akong mabuntis ng maaga. Tapos siya naka ilang halik na. "Madali lang naman lumandi. Ano gusto mo ng dare. Limang libo kapag natalo. Game???" tanong nito. "Okay! Dare. Ano bang dare mo, baka mahirap yan." tanong ko. Habang binubuksan ang isa pang beer na hawak ko sabay lagok na humahagod sa lalamunan ko. "Simple lang, kong sino ang lalaking unang makikita mo sa dance floor ayon ang sasayawan mo. Sayw na mala porn star ha. Alam mo naman na siguro yon. Hindi ka na bata Alyana." sambit nito at hinihintay ang sagot ko. Lumagok muna ako ng isa pang beer. Bago ako nagsalita. "Sige! Dare." confident na sagot ko. Hindi ako pwede matalo dahil limang libo yon. Pang 1 week ko ng allowance yon kong magkataong matalo ako sa dare na yan. Wala pa naman akong nadalang any passbook or bank account nang lumayas ako ng Mansyon. Baka isipin ng gagong 'yon hindi ko kaya mabuhay na wala siya. Neknek niya. Mayaman pa ako sa kan'ya, hayop siya. "Ayan ang gusto ko sayo sissy. Palaban ka! Game na!!" sigaw nito. "Gameeeeee," malakas na sigaw ko. Bahala na mamaya ang mahalaga hindi ako matalo sa pustahan. Nagpakalasing ako bago ako tumayo. "Sissy, saan ka punta?" awat na tanong ni Lyneth. "Maghahanap ng lalaki. Ano pa ba, ayokong matalo sa dare natin." sagot ko. Kahit medyo tipsy naglakad ako at pumunta ng dance floor. Sobrang ingay na nang mga tao, hanggang sa pumagitna ako at may nahagip ang mata ko isang lalaki na nakatalikod. Pwede na to. Ang ganda ng butt niya ang sexy. Kaya nilapitan ko ito at walang paalam na pinisil ang butt niya. Hindi ko na pinansin ang mukha nito ng humarap. Ginawa ko na ang dare namin ni Lyneth, sinayawan ko siya. Sa una pa sway sway lang ang baywang ko sa pag galaw hanggang sa naging wild ako, gumiling giling ako paikot sa lalaking hindi ko makilala dahil sa dim light. Naka hawak ako sa balikat nito habang paikot ko siyang ginigilingan. Nang hindi pa ako makuntento mas pina wild ko pa ang kilos ko hanggang sa bigla niya akong hinalikan.. Nanlaki ang mga mata ako at biglang nawala ang lasing ko at sinampal ko siya.. "What the hell! Anong problema mo Miss???" tanong nito. Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya ng klaro alam kung galit ito. Bago pa ako magsalita. Bigla akong nakaramdam ng hilo at natumba.. "Miss! Miss! Miss," huling narinig kong sambit nito bago ako tuluyang nawalan ng malay..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD