INDEPENDENT "What exactly do you want, Caleb? Wala kang mapapala sa pagpapaka bayani mo sa akin." "I know." Sinulyapan ko siya saglit. Nagmamaneho siya patungo sa kung saan. Tinanong niya ako kung sa'n ko gusto pumunta kaso wala naman akong sinagot, basta pinatakbo na lang niya 'yung sasakyan. Sa gitna ng pananahimik ko, bigla na lang niyang hininto ang sasakyan sa gilid ng mga talahib. Napadiretso tuloy akong upo at tinignan siyang seryoso. Wala man lang akong natanggap na sulyap mula sa kanya. Tinanggal niya ang suot niyang seatbelt ay may kinuha sa backseat. "Magpalit ka." Inabot niya lang sa akin 'yung puting t-shirt at gym shorts pagkatapos ay lumabas na. Ibinuka ko ang t shirt at tinignang maiigi. Malinis 'to ah. Nakahilig si Caleb sa pintuan, nakatalikod. Nagpalit na akong

