CHANGES I don't have any concrete plans at all pagkabalik namin ni Caleb sa mansion. Nanibago pa ako. Sa tagal kong nakatayo at nakatingin lang sa harapan ng mansion, pakiramdam ko hindi na ako welcome pa rito. Napagtuonan kong pansin ang bawat detalye ng mansion. Maganda talaga ito, luma na ang disenyo pero napanatili ang ganda. Isa 'to sa mga inaasan ni Micah, tama? Ang buong hacienda, gusto niyang angkinin. Wala siyang pakealam sa kung sino ang masaktan basta makuha niya lang lahat sa amin. Talagang umabot na sa ganitong ka-grabeng sitwasyon ang lahat. Wala si lola pag-uwi ko. Pati na rin si Mama at Sunny. Tinanong ko sa kasambahay kung nasaan sila at sinabing nasa hospital daw. Dapat pa ba akong magulat? Inaasahan ko na rin naman 'to. I just can't believe na nabulag si Lola sa mga

