KABANATA 12

1799 Words
I THINK I LOVE YOU "Mama, is ate awake na?" "Hindi pa, Sunny." "Si Lola kasi Ma... ano eh." Dinig ko ang malakas na pagbukas ng pinto. "How's my apo? Wala ba kayong balak na sabihin sa'kin 'to!? Halos atakihin ako sa puso nang malaman ko 'to kaninang umaga."  Dismayado ang boses ni Lola. "Ma, okay na si Summer." Pagpapakalma ni Mama kay Lola. Gusto ko nang dumilat at bumangon para ako sa mismo ang magpakalma kay Lola, kaya lang ay nanghihina pa ako. "Better! Pinatawagan ko na yung personal doctor ko para siya na mismo ang mag check sa apo ko." "M-Ma?" Pinilit kong bumangon kahit na nanghihina pa rin ako. Ayaw ko kasi na magalala pa si lola. Makakasama sa kanya ang magisip nang magisip. "Kamusta na pakiramdam mo, 'nak?" Lumapit sa'kin si Mama para i-check kung okay na talaga ako. "Hinimatay ka raw, Anak. Dinala ka rito ni Caleb kagabi. Ang taas ng lagnat mo." Aniya. Lumapit din si Lola. Si Sunny naman ay tinabihan ako. "Don't worry, hija. Parating na yung doctor." "Lola, okay na po ako..." Mejo nahihilo pa rin ako. "Sigurado ka ba, Apo? Mukhang nahihilo ka." Hinawakan ni Lola ang noo ko para i-check kung bumaba na ang lagnat ko. Mukhang naniniwala naman na siya na okay na talaga ako. Nakita ko na naman si Micah sa labas lang ng kwarto ko. Hindi na naman maipinta ang mukha niya. Malamang dahil si Caleb ang naguwi sa'kin dito sa bahay. "Ma, Sunny, lumabas muna kayo. Kailangan pa magpahinga ni Summer." Ani Mama. "Mag pagaling ka apo ha?" "Yes, Lola. I will." Tuluyan na ngang umalis sila Lola at kami na lang ni Mama ang naiwan sa kwarto.  "Ano ba kasing pinaggagawa mo, 'nak? Alalang-alala ako sayo." Ani Mama sabay punas ng bimpo sa braso ko. "Inaya lang po ako ni Caleb sa Agora, Ma. Nadulas po kasi ako sa ilog kaya basang basa ako." "Alam mo namang sakitin ka. Sa sunod magsasabi ka sa'kin kapag may lakad ka ha?" "Opo." Isinawsaw niya ulit yung bimbo sa maligamgam na tubig at ipinahid muli sa'kin. "Nililigawan ka ba ni Caleb?" Tuloy tuloy lang ang pagpunas ni Mama sa braso ko. Alam kong ganon talaga ang iisipin ni Mama. "Hindi po." Giit ko. "Mabuti naman. Matanda na si Caleb para sa'yo. 30 na siya at ikaw naman ay 21." "Hindi po niya ako nililigawan." Paguulit ko. Itinigil na ni Mama ang pagpupunas sa'kin. Kinuha niya yung soup para magkalaman ang sikmura ko. Hindi pa naman talaga ako gutom kaso ay kailangan kong uminom ng gamot para gumaling agad ako. Dapat pala hindi ako nagpakabasa kagabi. Nilagnat tuloy ako ngayon. Paano na ang klase ko ngayon? Baka biglang mag long quiz. "Anak... Hindi ba 'yan yung regalo sa'yo ni Clyde?" Natigilan ako sa paghigop ng sabaw. Nakatingin lang ako Mama habang binubuksan ang balkonahe ko. "Yes, Ma. Bakit po?" Tanong ko. "Hindi ka pa rin ba nakakamove-on sa kanya?" Tanong niya habang palapit sa'kin. "Ma, okay na ako. Tanggap ko na. Pero hindi naman siya basta basta mawawala sa puso ko..." "Maganda kung ganon. Ayaw ko na makita ka ulit na malungkot. Hindi ko kayang maulit ang nangyare noon sa'yo." Yumuko si mama. Hindi mapakali ang mga kamay niya kaya hinawakan ko 'yon. "Never na mangyayare 'yon, Ma. Malakas na ako ngayon. Dahil sa'yo. Tinuruan mo ako paano maging malakas." Agad akong niyakap ni Mama. Ayaw kong magdrama ngayon dahil masama ang pakiramdam ko. Hindi ko pa rin napigilan ang mga pagpatak ng luha ko. "Mama naman! pinapaiyak mo naman ako eh." "Mahal na mahal kita, Summer. Alam kong hindi maganda ang pagsasama natin noon. Hindi ko kayang mawala ka. Kahit anong mangyare, lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita." Napaluha na rin si Mama. "Mama, sorry ha? Antigas kasi ng ulo ko, eh. Mahal na mahal din kita, Ma. Salamat kasi hindi mo ako iniwan." Parang gripo ang tulo ng luha ko ngayon. Punong puno nang kagalakan ang puso ko. Ang sabi ko kanina ayaw kong magdrama pero ngayon todo ang pagdadrama ko. Hinalikan ako ni Mama sa noo bago umalis. Natulog na lang ulit ako para paggising ko ay wala na yung sama ng pakiramdam ko. "Ate, gising! May bisita ka. Mga kaibigan mo sa school! Tsaka may pogi silang kasama. Sino 'yon ate?" Todo ang ngiti ni Sunny sa'kin. Mukang interisado siya sa poging tinutukoy niya. "Ah. Sige sabihin mo sa kanila pababa na ako." Tumakbo na si Sunny palabas ng kwarto. Ako naman ay agad na nagayos para hindi naman ako panget kapag nakita nila. Akala ko naman nasa salas sila. Buti na lang sinabi ng kasambahay na nasa garden sila. Dumiretso na lang ako roon. Magaan na rin naman ang pakiramdam ko. Si Lola ay abala sa pagaasikaso sa plantation. Si Mama ay nasa shop. At si Sunny ang naiwan para mag bantay sa'kin. "Ate anjan ka na pala!" Ani Sunny sabay yakap sa'kin. "Girl, tawag ako nang tawag sa'yo kanina. Mama mo ang sumagot, sabi niya may lagnat ka. Kaya here we are." Nakapameywang pa si Janna. Kumpleto ang barkada. Nandito si Janna, Luis, Markus at Abby. Mukang dumiretso agad sila rito after ng klase. "By the way, ginawan ka na rin namin ng notes. Mahirap na kapag nakamiss ka ng isang class. Terror pa naman si Sir Jon." Ani Abby na abala sa pagkuha ng litrato sa buong garden. Dumating si Jacob na may dala dalang tray ng juice at cake para sa amin. Dinaluhan siya ni Markus at Luis para tulungan. "Kuya pogi!" Tawag ni Sunny.  "Bakit ikaw ang nagdala? Wala bang tao sa loob?" Tanong ko. "Wala lang." sabay kindat sa'kin ni Jacob. Tss! Pa-pogi masyado.  "Sus! Paimpress ka lang sa mga tao rito e!" Sabay irap ni Abby. Hanggang dito ba naman sa bahay ay magaaway pa din sila? Ano ba yan.  "Grabe, Summer! Ang laki laki ng bahay niyo. Pati lupain niyo sobrang laki! Andami rin ng mga alagang hayop." Ani Luis. "Pinsan mo nga pala si Micah 'no?" "Bakit?" Tanong ko.  "Eh bakit magkaiba kayong ugali? Sobrang maldita at bully no'n, eh." Hindi naman na nakakagulat 'yon. Ibig sabihin pati sa school ay nagpapasiklab siya nang kasamaan. "Nakasalubong namin kanina, eh. Tpos tinarayan kami. Edi tinarayan ko rin" Ani Abby. Napailing na lang ako dahil sa reaksyon niya. Joker din talaga si Abby. Matalino na, palaban pa! "Yaan niyo na 'yon. Hindi ko na lang pinagpapansin 'yon." "Mabuti pa nga. Bida bida kasi!" Kanina pa kami nagtatawanan at hindi nauubusan ng kwento ang mga kaibigan ko. I'm really happy to be friends with them. Hindi ako nagkamali. "Kamusta ka na?" Tanong ni Jacob sa akin. Kaming dalawa lang ang nandito sa upuan dahil sila Janna ay nasa damuhan. Mas gusto raw kas nila roon. Parang picnic lang daw. Sayang magagabi na kasi. "Okay lang." Sabay ngiti ko sa kanya. "Nanalo pala kame sa practice game kahapon. Sayang lang wala ka."  "Babawe ako sa'yo next time." Nag-guilty kasi talaga ako. Alam kong kahit practice game lang 'yon ay mahalaga 'yon para sa kanya. Passionate talaga si Jacob pagdating sa basketball. "Ayun! Mas gagalingan ko kapag nandon ka na. I-cheer mo ako, ha?" Nakatitig na naman sa'kin si Jacob. "Oo naman. Gusto mo gumawa pa akong banner mo e!" Pagyayabang ko.  "Really? Asahan ko yan ha?"  Natutuwa ako na makitang masaya si Jacob ngayon. Last time kasi ang lungkot lungkot niya nang hindi ako nakapunta sa practice game nila. Mahalaga rin sa'kin si Jacob dahil kaibigan na talaga ang turing ko sa kanya. Wala naman talaga sa plano 'to kasi nga playboy siya at yung mga kabutihang ginagawa niya posibleng pakitang tao lang para magtiwala ako sa kanya. But right now, I really don't care and the important thing is he's my friend now. "Buti na lang talaga dumating ka rito sa Las Huelva." Bumuntong hininga siya at nakatingin sa direksyon nila Janna. "Why?" "Maaga pa para sabihin 'to pero nung nakita kita sa school, nilakasan ko loob ko para makipagkilala sa'yo." "Diba playboy ka? Normal lang naman na gawain niyo 'yon 'diba?" Natawa siya sa sinabi ko. Umirap ako.  "Sabi na nga ba sasabihin mo 'yan. Totoo, playboy ako. At plano kong pormahan ka. Kaso nagbago noong nakilala kita. Pakiramdam ko nagkaroon ako ng pamilya. Nawawala mga problema ko kapag kasama kita. Kaya nga mas gusto kong mapalapit sa'yo. Masaya ako kapag kasama ka" Mga tawanan lang nila Abby ang naririnig ko. Wala akong masabi. At hindi na rin naman na nagsalita pa si Jacob. "Mag w-washroom lang ako..." Hindi naman awkward ang sitwasyon. Pero pakiramdam ko kailangan kong umalis doon. "Sige samahan na kita."  Hinayaan ko na lang siyang sumunod. Wala naman akong magagawa kung ayun ang gusto niya, eh. Nakamasid ang apat kong kaibigan sa amin ni Jacob. Hindi ko na lang sila pinansin. Wala naman kaming gagawing masama 'no. Pagkalabas ko sa banyo ay halos mapalundag ako sa gulat nang nakita ko si Jacob na nakatayo sa gilid ng vase. Akala ko naman ay umalis na. Tinagalan ko na nga sa banyo eh. Nginitian ko siya at dinaan lang. Nakailang hakbang pa lang ako ay bigla niya akong hinawakan sa braso. Nagulat ako sa paghawak niya. "M-May problema ba Jacob?" Kumunot ang noo ko.  "Gusto kita." Walang pagaalangan sa itsura niya. Seryoso lang ang mukha niya kaya naman lalong kumunot ang noo ko. "H-Hah?" Hawak hawak pa rin niya ang braso ko. "Bakit ako?" Di ko alam bakit iyon ang nasabi ko. Para akong batang walang alam sa mundo. "Bakit ikaw? Hindi ko alam, Summer. Basta sigurado ako. Gusto kita."  "Bahala ka nga jan." Hinatak ko ang braso ko para mabitawan niya. Hinawakan niya akong muli at idinikit ako sa pader para maikulong. "Jacob ano ba?" Naiinis na ako, ah! Ang nasa isip ko na lang ay baka may makakita sa amin. Ano ba kasing pumasok sa isip niya? "Please, 'wag mo akong layuan. Please? Can you trust me?" Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. Hinawakan niya nang marahan ang baba ko at iniharap ito sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko. Bakit naiyak siya? Anong bang problema? Hindi naman siya lasing ah? "Believe me when I say na gusto kita. It's true. I really like you. A lot. Just please, trust me. Hindi kita niloloko at wala akong balak lokohin ka. Summer, I think I love you." Ganito ba ang ginagawa niya para makuha ang mga babae? Sa lahat ng mga playboys na nakasalamuha ko, siya lang ang ganito. O totoo ba talagang gusto niya ako? Hindi ako nagsasalita. Hindi na ako nagtanong pa kahit andaming mga tanong ang tumatakbo sa isip ko. Kaibigan ko siya. Hanggang doon lang. Dahan dahan niyang inilalapit ang mukha niya sa mukha mo. Pulang pula na ang pisngi ko. Ano ba 'to?! Ipinikit ni Jacob ang kanyang mga mata. Sa sobrang pagdiin ko sa sarili ko sa pader ay parang guguho na ito. Gwapo rin talaga ni Jacob. Matangos ang kanyang ilong, singkit na mata, makapal ang kilay, at mapupula ang labi. At kapag ngumingiti siya ay lumalabas ang dimples niya. Nang lumapat ang labi niya sa labi ko, uminit ang pisnge ko. Para akong sasabog. Ang lambot lambot ng kanyang labi! Hindi ko napigilan ang sarili ko. Ipinikit ko rin ang mata ko. Marahan lang ang paghalik niya sa akin... at para akong nawala sa sarili dahil sa halik niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD