SPELL
"Kuya pogi! Anjan ka lang pala, kanina pa kita hinahanap eh!"
Nagulat ako sa boses ni Sunny. Bigla kong naitulak si Jacob nang malakas.
"Anjan ka pala, Ate."
"S-Sunny... k-kanina ka pa?" Halos mabulol ako sa mga sinasabi ko. Ang bilis ng t***k ng puso ko at nawala ako sa sarili. Ano ba 'to!?
"Hindi po. Hinahanap na kayo nila ate at kuya sa garden. Uwi na raw po sila." Sagot niya.
Hay! Huminga akong malalim at napabuntong hininga. Salamat naman at hindi niya kami nakita ni Jacob na naghahalikan. s**t!
Umehen si Jacob at inayos ang sarili. Hindi ako makatingin sa kanya. Ano ba kasi ang pinaggawa ko?! Bakit ganito? Ang tanga ko!
"Sige, Sunny punta na tayo." Sabi ko.
"Okay po." sabay takbo nito pabalik sa garden.
"Summer..." Tawag ni Jacob.
"A-Ano?" Nakatalikod ako sa kanya. Nahihiya ako sa nangyare.
"I'm sorry. I didn't mean to-"
"Sige alis na ako." Sumunod na ako kay Sunny. Parang wala ata akong mukhang maihaharap sa kanya. Naiinis ako sa sarili ko! Pwede ko naman siyang itulak, eh. Pero ginusto ko rin ang nangyare kaya kasalanan ko!
Hinawakan ko ang labi ko. s**t! Namumula na naman ako.
"Hay nako, Summer! Antagal niyong nawala ni Jacob ah. Anong ginawa niyo?" paguusisa ni Janna.
"Wala." Mabilis kong sagot.
"Weh? Ba't namumula ka?" Nakatingin tuloy silang lahat sa'kin. Lumapit si Abby para tignan akong mas malapitan.
"Omg!"
Nagulat ako sa pagkakasabi ni Abby. Nakahawak pa ang dalawang kamay niya sa labi. Kinakabahan ako...
"Bakit?" Tinaasan ko na lang siya ng kilay at hinatid na sila papuntang salas. Humalukipkip ako habang naglalakad. Matatalim pa rin ang mga tingin ni Abby. Halata ba sa'kin na nagki- s**t naman oh!
"Sayang hindi niyo nakilala si Mama. Balik na lang kayo rito mga ate at kuya ha? Lalo ka na kuya pogi."
Bakas sa mukha ni Sunny ang tuwa. Kumikindat pa talaga siya kay Jacob. Nang magkasalubong ang tingin namin ni Jacob ay umiwas agad ako.
"O, Summer notes mo 'yan sa foreign language. May quiz sa monday ha?" Sabay lahad ni Luis ng enevelope na hawak niya.
"Thanks."
Nakipag beso beso sila Janna at Abby sa akin habang sila Luis at Markus naman ay sumaludo bago umalis. Sabi ko ay ipapahatid ko na lang sila kaso ayaw naman nila. Nauna na yung apat na umalis pero si Jacob ay andito pa rin.
"Kuya pogi kala ko uuwi ka na?" Ani Sunny.
"Sunny akyat ka na muna sa kwarto mo ha? May paguusapan lang kami ni kuya pogi mo." sabay ngiti ko sa kanya. Ngumuso ito at nagdabog paakyat sa kanyang kwarto. Narinig ko ang pagtawa ni Jacob.
"Ano Jacob... Hindi ko kasi... ano.. ah.. paano ba.." Hindi ko rin talaga alam ang sasabihin ko.
Nilapitan ako ni Jacob pero lumayo agad ako sa kanya. Dapat na mag ingat ako sa mga gagawin ko.
"I'm sorry, Summer. I'm really sorry. Hindi ko gusto na halikan ka."
Ngayon ay nakatingin ako sa kanya. Gusto kong malaman kung ano ba ang tumatakbo sa isip niya.
"I mean, gusto kitang halikan. Pero hindi sa ganong paraan. Hindi sa ganong pagkakataon. I'm really sorry. Sorry kung naparamdam ko sa'yo na katulad ka ng mga naging babae ko. I'm sorry.."
God! So... alam niya na ganon ang na-feel ko. Hindi ako natitinag na pagtingin ko sa kanya. Alam kong totoo ang mga sinasabi niya. This time, alam ko.
"Mas mabuti pa na wag na lang na'tin pagusapan 'yon, Jacob. Hayaan mo na." Sabi ko.
Dismayado ang itsura niya ngayon. May nasabi ba akong masama? Bago pa man makapag salita si Jacob ay biglang dumating si Micah at Caleb.
"Andito pala ang manliligaw mo, Couz" Ani Micah. Wow ha!
"Kamusta ka na, Summer? Sorry ngayon lang ako nakabalik." Ani Caleb.
Si Micah ay umupo na sa couch habang ni Caleb ay lumapit sa'kin. Hinawakan niya ang noo ko at agad akong hinalikan doon. Napanganga ako sa ginawa niya. Tinignan ko si Jacob na nakatayo sa gilid ko, ang sama ng tingin niya kay Caleb. Kitang kita ang pag igting ng panga niya. Si Micah naman ay agad na tumayo ay hinatak ako paharap sa kanya. Aray ha!
"You shouldn't do that, Caleb! Anjan ang manliligaw ni Summer." Pinipisil niya ng mahigpit ang braso ko kaya tinulak ko siya. Naka awang ang labi niya at tinaasan akong kilay.
"Uuwi na ako.Summer. Kita na lang ulit tayo." Halos hindi maipinta ang mukha ni Jacob. Pagkadampot niya ng bag ay agad itong umalis.
"Ingat..."
"Buti naman magaling ka na, Summer. Nagaalala ako eh. Dapat pala hindi na kita sinama sa Agora kung magkakaganito ka." Wika ni Caleb.
Pinulupot ni Micah ang mga kamay niya sa braso ni Caleb.
"Ba't kase siya inaya mo. E 'di naman ako busy kahapon." Ani micah sa malanding tono.
Natawa lang si Caleb sa sinabi niya at inalis ang kamay nito.
"Si Summer kasi ang gusto kong makasama."
Parang bomba na anytime sasabog si Micah. Alam ko na hurt siya sa sinabi ni Caleb, lalo na sa harap ko pa! Pabalik balik lang ang tingin ko sa kanilang dalawa.
"Pwede bang samahan mo akong magikot ikot muna sa hacienda niyo? Maraming mga pailaw ngayon sa silangan nyo di'ba?" Ani Caleb.
"Sige ba! Bike tayo."
Naiwan si Micah na nakatayo roon. Alam kong hindi pa siya maka get over sa pagkakapahiya niya.
Nakahiram naman kami agad ng bike. Isa lang ang nahiram namin kaya naman ay nakaangkas lang ako sa likod.
"Kapit ka, Summer. Baka malaglag ka." aniya.
"S-Sige."
"Hindi jan. Kapit ka sa'kin, Summer."
"Okay na rito sa may upuan ko."
Hininto ni Caleb ang bike at kinuha ang mga kamay ko para ilagay sa tyan niya.
"Jan dapat. Para hindi ka basta basta malaglag." Natatawang aniya.
"Okay naman na kasi kanina, eh." Nag pout ako.
Infairness, ang tigas tigas ng tyan niya! Puro abs! Lagi kaya siyang nasa gym? Ang ganda kasi ng katawan niya, e.
"Tignan mo ang Silangan."
Tinignan ko ang direksyong itinuro niya. Totoo nga, marami nga talangang pa ilaw. September pa lang pero naghahanda na sila para sa pasko. Ang silangan ay ang pinakamalaking parte sa hacienda. Puro malalaking puno ang naandon at mga bahay ng mga trabahador ni lola.
Hindi na kami lumapit pa sa Silangan. Kahit sa kinaroroonan namin ay kitang kitang ang mga liwanag na parang mga bituin.
Umupo kami sa mga dahon dahon para pagmasdan ang maliwanag na ilaw at ang bilog na buwan. Marami ding bituin sa kalangitan.
"Sayang hindi ko dala yung gitara ko. Mas masaya kapag magkakantahan tayo."
"Kumakanta ka?" Tanong ko.
"Hindi. Ikaw ang ang kakanta. Nakwento kasi ni Lola Amanda mo na magaling ka raw kumanta." Nagiwas ako ng tingin.
"Hindi naman masyado."
Tumayo bigla si Caleb at inilahad ang kamay sa'kin.
"Aalis na tayo?" Takang tanong ko.
"Hindi. Masyadong maganda ang gabi para balewalain." Aniya. "Sasayaw tayo."
"H-huh?" Naguguluhan ako sa sinabi niya. Sasayaw kami? Anong sayaw? Bakit? As in now?
Hinawakan ko ang kamay niya at tinulungan akong tumayo.
Nakangiti siyang nakatingin sa'kin. Inilagay niya ang isang kamay sa bewang ko. Ang isang kamay ko ay inilagay niya sa kanyang balikat. Mag kahawak ang aming kamay at dahan dahan akong isinayaw.
"Hindi ako marunong sumayaw, Caleb" Para akong matatapilok sa ginagawa namen kaya mas lalo kong hinigpitan ang hawak.
"Relax ka lang summer. Tuturuan kita."
"Okay..."
Sinunod ko ang bawat galaw niya, nag relax ako.
"Madali ka pala matuto, e."
Biglang naginit ang pisngi ko.
"Ipikit mo mga mata mp, Summer. Pakinggan mo ang puso mo. Ayan ang magiging awit natin ngayong gabi." sinunod ko ang sabi niya. Ipinikit ko ang mga mata ko at pinakinggan ang puso ko at ng puso niya. Napakagandang awit. Para kaming iisa. Ang tunog ng hangin na dumadaan sa amin, ang tahimik na kalawakan na nanunuod sa amin, mga bituin at buwan na nagsisilbing liwanag sa dilim. Ang puso niya na kasabay ng pagtibok ng puso ko.
"Napakaganda ng gabi kaya gusto kong bigyan ka rin ng isang magandang alaala." Tumigil kami sa pagsasayaw. Nakatitig ako sa mga mata niya.
Napakalalim. Parang dagat, maganda, malawakan, malalim at maraming itinatago. Maari akong malunod pero wala akong pakealam.
"Nakakatawang isipin na natutulog na ang mundo ngayon, pero bakit gising na gising ka pa rin?" Kung hindi lang seryoso ang mukha niya siguro ay tatawa ako para mailabas ang nararamdaman ko.
"Corny ba? Sorry ha? Hindi kasi ako sanay manligaw, eh" Nanlaki ang mga mata ko. Nanuyot ang lalamunan ko kaya wala akong masabing kahit isang salita.
"Nagulat ba kita? Sorry ulit." sabay ngiti niya.
Napabitaw ako sa pagkakahawak ko sa kanya.
"Nasabi ko na rin naman, eh. Uhm, pwede ba kitang ligawan?" Pormal niyang tanong.
"Ako?"
"Oo. Ikaw. Napakaganda talaga ng gabi pero mas maganda ka." Inilagay niya sa likod ng tenga ko ang mga takas na buhok na humaharang sa mukha ko.
Para talagang may spell lahat ng mga salitang binibitawan niya. Nawawala ako sa sarili ko, nahahalina, natutunaw, nahihibang.
Paano na 'to?