KABANATA 14

2520 Words
SLAP "Girl, get one whole sheet of paper daw." Malakas ang pagkakatapik ni Janna sa likuran ko kaya agad ko siyang nilingon at sinamaan ng tingin. Nag peace-sign lang siya sa'kin.  Hindi pa rin talaga ako makamove-on sa nangyare last friday sa amin ni Caleb. Liligawan niya raw ako? Kumuha akong papel at may long quiz kami ngayon. Alam kong terror ang prof ko, pero hindi ako nakapag basa man lang kahit saglit. Paano ba naman ako makakapag focus kung si Caleb ang nasa isip ko? Baliw na ata ako!  Akala ko ay one to thirty lang ang items, gulat na gulat ako na up to 50 pala! Gusto ko nang pilasin ang papel dahil sampu lang ang nasagutan ko. "Okay class, this is going to be our last quiz. Kung alam niyong bagsak kayo, pagbutihin niyo na lang ang pag-aaral para makabawi kayo." Pagkasabi na pagkasabi noon ni Sir ay napatayo ako sa sobrang gulat. Nag tinginan ang buong klase sa'kin. Si Abby na nasa unahan ay nakaawang ang bibig. Si Janna naman ay hinahatak ang uniform ko paupo.  "Is there a problem, Miss Asuncion?" Tanong ng prof ko habang nakataas ang isang kilay at nakasandal sa upuan.  Damn! Another nakakahiyang moment na naman sa buhay ko 'to.  "Wala, Sir." Umupo ako at tinakpan ang mukha sa kahihiyan. Nakakahiya! Dinig ko na nagbubulungan ang iba kong kaklase pero wala naman akong pakealam. Madami na akong iniisip para isama ko pa sila. Pagkalabas ng prof ay nagsilapitan si Janna at Abby sa'kin.  "May sakit ka ba, Sums?" Alalang tanong ni Abby. Hinawakan ni Janna ang noo ko para i-check kung may lagnat ako. Bumuntong hininga ako. Nang kaming tatlo na lang ang tao sa room ay naghigit ng upuan ang dalawa para itabi sa'kin.  "Aminim mo sa amin, Sums. May problema ka no?" Panimula ni Abby, tinaas niya ang paa at pinatong sa katabing table ko.  "Makikinig kami. We're friends, right?" "Oo nga. You can trust us." Sang ayon ni Janna. Mukang hindi naman ako titigilan ng dalawang 'to, e. Umayos akong upo at lumunok bago tuluyang magsalita.  "Ganito kasi yan, eh.. Nag ano kase.. N-Nag kiss kami ni Jacob sa bahay..." Hindi ko muna tinapos ang mga sasabihin ko para tignan ang reaksyon nila. Pero wala akong nakitang pagbabago. Si Janna ay nakapangalumbaba at seryosong nakikinig, si Abby ay unti unting kumukunot ang noo.  "Pero tinulak ko siya. Sabi niya na gusto niya raw ako. Humingi siya ng sorry kasi na bastos niya ako. Which is actually true naman. And then...." Sabay nilang inilapit ang mukha nila sa akin. Nakakatawa ang itsura nilang dalawa, para silang kambal.  "AND THEN? WHAT?" Ani Abby.  "Chill girl" Sabay napahagikgik ako. "Kainis ka, Sums! Pa suspense!" "Game. Tuloy mo na, Sums!" Napapailing na lang ako sa mga sinabi nila. Atat na atat talaga silang malaman basta chismis ang usapan.  "May dumating kasi sa bahay sakto pagkaalis niyo. Si Caleb, kababata namin ng pinsan ko. May moment lang kami saglit tapos sabi niya liligawan niya raw ako. The end." Hindi kumbinsido ang mga mukha nila. Pakiramdam ko ay gusto pa nila malaman ang 'moment' na tinutukoy ko.  "Eh sinong mas gusto mo?" Diretsahang tanong ni Abby. Inusog ni Janna ang upuan niya palayo sa akin sabay humalukipkip ito.  "Sino nga ba?" Para silang police na ini-interogate ako. "I don't know. Masyado pang maaga para doon. Wala rin akong time." Dinampot ko ang bag ko at nag martsa na paalis. Sumunod naman yung dalawa. May naririnig akong bulungan sa likod ko habang naglalakad papuntang canteen. Sila Janna at Abby lang naman 'yon. Bakit kailangan pa nila mag bulungan at talagang pinaparinig nila sa'kin na nagbubulungan sila? Tsk! Sa sobrang irita ko ay tumigil ako sa paglalakad, matutumba sana ako paharap pero may nakahawak sa beywang ko.  "ANO BA KAS--" Pag harap ko ay si Jacob pala 'yon.  Dumistansya ako sa kanya, nasa likod ni Jacob yung dalawa kong kaibigan na may mapanuksong tingin na animo'y kinikilig. Sinamaan ko sila ng tingin.  "Mag iingat ka dapat lagi." Ani Jacob. Pawis na pawis ito, mukang nag training. Pawis na nga pero naka varsity jacket pa rin. Ano kaya 'yon? "Nag iingat naman ako. Ikaw nga 'tong bumangga sa akin, e." Pagtataray ko. Ngumisi siya at inakbayan ako.  "Kadiri ka! Pawis ka, e!" Di ako makawala sa pagkakaakbay niya. Kahit na pawisan siya ay napaka bango pa rin. "Masungit na, maarte p.a" Natatawang aniya. "Anong sabi mo?! Hindi ako-- Araay!" Agad niya akong binitawan pagkatapos kong uminda. Joke lang naman talaga yung pag-aray ko. Pinandilatan ko siya. Dahan dahan siyang ngumiti at lumabas ang mga malalim na dimples.  Tss! Dinadaan ako sa pag papa-cute, feeling naman niya! Napansin niya siguro na nag iinarte lang ako kaya umakbay siya ulit. Hanggang leeg niya lang ako kaya para na talaga akong nasasakal sa ginagawa niya. Hinayaan ko ang eksena naming ganon. Maraming estudyante ang nakakakita sa amin, sabay bulong sa mga kaibigan nila.  Sikat si Jacob sa school dahil varsity, gwapo at playboy. Ako naman ay sikat dahil sa itsura at apo ako ni Donya Amanda. Normal lang na pagusapan ang dalawang taong kilala sa buong campus. Kahit saang lugar naman ay napakarami talagang chismosa. Kaibigan lang ang tingin ko kay Jacob. "Sums?"  "What?" "Bati na tayo? Sorry ha." Tiningala ko siya at tinignan na may pandidiri.  "Oo. Friends tayo, e." Hindi na siya umimik pa. Kusa na rin siyang bumitaw sa pagkakaakbay sa'kin. Nahurt ba siya sa sinabi ko? Totoo naman, e. Mabuti na mas maaga pa lang ay alam na niya na friends lang. Kung seryoso man talaga siya sa'kin, ayaw ko na mapunta sa wala ang pagmamahal niya lalo na't di ko naman masusuklian. Ang plano kong pagbili ng tubig sa canteen ay naudlot. Tinamad na rin akong bumili, uuwi na rin naman ako kaya sa bahay na lang ako iinom.  "Uwi ka na? Akala ko pupunta kang canteen?" Natigilan si Janna sa entrance ng canteen at nakatingin lang sa amin.  "Psh, may date 'yan kaya ganyan." Ani Abby habang hinahatak si Janna papasok sa canteen.  "Hindi na. Tinamad na ako." Sabay kaway sa kanila.  "Shoo shooo!" Si Abby. "See you tomorrow!" Nagflying kiss pa si Janna na siya naman ikinatawa ko. Hindi pa rin inaalis ni Jacob ang pagkakaakbay niya sa'kin. Teka... masyado naman atang nag enjoy ang mokong na 'to?! Nasa quad na kami ng school at mas dumami lalo ang mga estudyanteng nagtitinginan sa amin. Kita sa mukha nila na may nalungkot, kinilig, at nagalit. May mga umiirap pa sa'kin. Aba inggitera!  Siniko ko sa tagiliran si Jacob dahilan para i-alis ang pagkakaakbay sa'kin. Saglit siyang napatigil sa paglalakad pero hinabol rin naman ako. "Masungit na, maarte na, bayolente pa." Wika niya. "Nawili ka na yata masyado, Mr. Playboy!" dumila ako at nag make face. Kinigat niya ang ibabang labi at ayan na naman ang mga dimples niya at inakbayan akong muli.  "Ano ba kasi!" Sigaw ko.  "Ssshhhh, madami tayong audience." Diretso lang ang tingin niya sa daan. Sisikuhin ko pa dapat siya pero hinigpitan niya ang kapit. "Arte kala mo naman kung sino." "Malakas loob mag inarte kasi mayaman." "Maganda nga malandi naman." "Kala ko iba siya sa pinsan niya, mas malala pa ata si ate girl." Sari sari ang mga bulungan na naririnig ko. Ang kakapal ng mukha talagang nilalakasan nila para marining ko! Aalisin ko sana ang kamay ni Jacob pero hindi niya ako hinayaang makaalis. Gusto kong makita mga pag mumukha nila at pagsasampalin isa isa!  "Wag mo patulan." Ani Jacob na biglang nagiba ang aura, madilim ang ekspresyon ng mukha at iritable. Sinunod ko ang sinabi niya at hindi ko na talaga pinatulan pa. "Dito na sundo ko. Bye bye!" Kinawayan ko siya bago ako pumasok sa sasakyan. Pagkaalis ng sasakyan ay tinignan ko siya. Nakita ko na naman ang malungkot niyang mukha habang kumakaway. Sabi ko sa sarili ko na gagawin ko ang makakaya ko para hindi ko na ulit makita ang ganong mukha niya pero anong ginawa ko? Ako na naman ang dahilan kaya malungkot siya. "Ma'am, Summer, andito na po tayo sa mansyon."  Kinusot ko ang mata ko at bumaba na sa sasakyan. Nakatulog pala ako. Pagkalabas ko ay saktong dumating din ang sasakyan nila Mama at Sunny. Tumakbo papalapit si Sunny sa kin, muntik pang madapa.  "Ate! Ako nag highest sa math quiz namin kanina." Bati niya. Speaking of quiz, naalala ko tuloy ang quiz na ibinagsak ko kanina.  "Hi, anak." Sabay beso sa'kin ni Mama. Naagaw ang atensyon ko nang may lalakeng bumaba sa driver's seat ng sasakyan ni Mama. Si... Caleb?! "C-Caleb? Anong ginagawa mo sa sasakyan nila Mama?" Niyugyog ni Sunny ang katawan ko, tapos nilapitan ako ni Mama.  "Manliligaw daw sa'yo, eh" Bulong ni Mama. Hindi pa rin maalis ang ngiti nilang dalawa hanggang pagpasok. Ba't kinikilig yata sila?  "Kanina pa namin Ate kasama si Kuya Caleb. Tinanong ko siya kung bakit kami ang sinasamahan niya. E hindi naman kami ang nililigawan niya." Natawa na ako, bata pa talaga siya para sa mga ganitong bagay. Nilapitan ko si Caleb na nakasunod lang sa amin. Nakangiti siya na parang may gustong sabihin.  "Bakit ka kasama nila Mama?" Tanong ko. "Nak, punta na muna kami sa Lola mo, ha? Ikaw na bahala na man-li-li-gaw mo." Panunuya pa ni Mama. Kainis! Todo na tuloy ang ngiti ni Caleb.  "Bye, Ate! Kuya, boto ako sa'yo!" Sabay thumbs up naman ni Sunny. Napakamot na lang ako sa noo ko dahil sa nangyayare. Pinapamigay na ba nila ako? Paano pa ako magpapakipot nito? "Tumulong ako sa shop niyo." Sagot ni Caleb.  "Wala kang work?" Kumunot ang noo ko. Tagal ko na rin kasi naiisip 'yon. Hindi ba siya busy sa buhay niya at palagi siyang maraming time?  "Meron. Tapos na." Umupo kami sa couch. Hindi ako sanay sa ganito. Sa Manila, kapag may nanliligaw sa akin, hindi ganito. Minsan nga wala nang ligaw ligaw. Basta kapag sinabi niyang gusto niya ako at gusto ko siya, automatic na 'yon na kami na. Pakiramdam ko ay dalagang pilipina ako sa ginagawa ni Caleb. Ilang sandali lang ay dumating sila Lola, Mama at Sunny. Tumatalon talon pa si Sunny habang palapit. Umupo ito sa tabi ko. Maaliwalas ng mukha ni Lola na parang may nalaman siyang sikreto, ganon din si Mama.  "Nasaan na ang manliligaw mo, Apo ko?" Maligayang tanong ni Lola. Tumayo si Caleb at nag mano rito. "Alam ba 'to ng Lolo mo, hijo?" Tanong ni Lola.  "Opo, Lola Amanda." Sagot niya. "Gusto ko lang po sanang makasama si Summer ngayon, kaya po ako andito." Magalang na sabi ni Caleb.  Pinagmamasdan ko lang sila. Para kasing ang bilis ng pangyayare, e.  "Ganon ba? Kumain na muna tayo bago mo dalhin kung saan ang apo ko."  Huh? Dalhin? Pagod na nga ako ngayong araw dahil sa stress na inabot ko kakaisip sa quiz ko. Tapos dadalhin na naman ako ni Caleb kung saan saan? Nakakahiya namang tulugan siya, mukang nagpa-good shot pa siya kay Mama kaya doon tumulong sa shop. Umakyat ako sa kwarto ko para maligo at magpalit ng damit. Nag dive agad ako sa kama ko, gusto ng mata ko na ipikit ko na 'yon pero kailangan kong labanan ang antok.  "Summer!" Sigaw ng pinsan ko sa pintuan. World war na naman ba ito? Wala ako sa mood ngayon. Hinayaan ko lang siyang magsisigaw sa labas ng kwarto ko pero laking gulat ko ng mabuksan niya iyon. Sumugod siya sa akin at pinagsasampal sampal ako.  "ANG LANDI LANDI MO! ANG KATI KATI MO!" Patuloy lang ang pagsampal niya sabay tulak ng malakas sa'kin. Tumama ang braso ko sa bed post. Ininda ko ang sakit at hinawakan ang braso ko. Parang nagmamanhid na ito sa sakit.  Tinignan ko si Micah na nakatayo lang sa harap ko. Nagaalab ang galit sa mata niya, hindi man lang nakonsensya sa ginawa sa'kin. Ang sakit sakit kaya! "You deserve it, slut!"  Nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya. Tumayo ako at sinunggaban siya, sabay kaming natumba sa sahig. Ibinalik ko ang mga sampal niya kanina. Sinigurado kong mas masakit ang sampal na binitiwan ko, malulutong ang tunog noon.  At kahit sinasalag niya ito, tumatama pa rin iyon sa mukha niya. Hindi ko pinansin ang pag kirot ng braso ko sa sobrang gigil. Ang lakas talaga ng demonyitang 'to! Hindi na natuto, sa kwarto ko pa talaga siya nag hahasik ng lagim! "Tama na.. tama na.. please..." Tuloy ang pag sampal at sabunot ko, hindi ko siya tinatantanan hanggang hindi pa ako nasisiyahan sa ginagawa ko.  "Summer, tama na! Ayaw ko na, Summer, please!" Humalakhak ako. "TAMA NA!" May malakas na pwersa ang humatak sa'kin galing sa likod. Para akong galit na asong pumipiglas sa pagkakagapos, hindi pa ako tapos, hindi pa ako nakakaganti! Itinayo ako nung humatak sa'kin at malakas na sampal ang tanggap ko... kay Mama. Tumunog ang tenga ko sa kirot ng pagkakasampal niya. Tsaka lang ako natauhan. Na realized kong si Caleb pala ang humila sa'kin. Inalalayan niya si Micah para makatayo, humahagulgol ito at hinang-hina. Tinignan ko si Mama at bago pa man ako makapagsalita ay sinampal niya ulit ako. Akala ko masakit ang sampal ni Mama pero mas masakit yung nararamdaman ko sa puso ko. Ako na naman ba ang mali? Tangina! Lahat na lang ba ako ang sisisihin? Sa dilim ng kwarto ko, kita ko ang nanghihinang itsura ni Micah at ang nagaalalang mukha ni Caleb. Nakita ko na 'to. Nangyare na ito noon... Sa akin. Noong kinuyog ako ng tropa ni Aya at pinagsasampal sampal, nag makaawa rin ako sa kanila na itigil ang p*******t sa'kin tulad ng pagmamakaawa ni Micah kanina pero hindi ako nakinig. Hindi ko na namalayan na.... naging katulad ako nung mga taong kinakamuhian ko. Lalong sumakit ang puso ko. Bumabalik na naman ang nakaraan. Yung alaala ng nakaraan, lahat ng sakit at kalungkutan. Hinawakan ako ng mahigpit ni Mama sa magkabilang balikat. Hindi ko mapigilan ang pag agos ng mga luha ko. Nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa luha na ayaw tumigil.  "Ano bang nangyayare sa'yo, Summer?!" Tanong ni Mama na nanlilisik ang mata. "Caleb, ilabas mo na si Micah." Utos ni Mama. Dahil nanghihina si Micah, binuhat siya ni Caleb at agad inialis sa kwarto. Nanghihina na rin ako sa sakit na nararamdaman ko. Itinulak ako ni Mama sa kama ko, sumalampak ang mukha ko roon at lumakas pa ang pag-iyak ko. "Ano ba, Summer? Nakikita mo ba sarili mo!? Bumabalik ka na naman ba sa dati?! SUMAGOT KA SUMMER!" Halos maputol na ang ugat na leeg ni Mama sa pagsigaw na umalingawngaw sa buong silid. Ngayon lang siya nagalit sa'kin ng ganito. Hindi ako makasagot at mas lalong hindi ko siya matignan sa mata. Dahan dahan akong umupo, hawak hawak ko ang kwintas na bigay sa'kin ni Clyde para kahit papano ang mawala ang sakit na nararamdaman ko.  "M-Ma.. s-sorry... siya naman may kasala--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nakatanggap na naman ako ng malutong na sampal. "Alam mo ang pakiramdam, Summer, alam mo! Hindi ba ginawa rin ng iba yan sayo! BAKIT GINAGAWA MO SA PINSAN MO! GANYAN KA NA BA KASAMA!?" Tuyot na tuyot ang lalamunan ko, gusto kong ipagtanggol ang sarili ko. Pero wala rin namang silbi 'yon dahil masama na talaga ang tingin sa'kin ni Mama kahit noon pa. Tanging pag iyak na lang ang nagawa ko. "Akala ko nagbago ka na.. Mas lumala ka na ngayon."  Iyon ang huling katagang binitawan ni Mama bago siya umalis sa kwarto ko. Parang sinasaksak ako ng kutsilyo. Ngayon na lang ulit ako nasaktan ng ganito. Mas lumala ako ngayon? Ginagawa ko naman ang best ko para maging mabuting anak. Ang sakit sakit na ang mismong mama ko pa ang hindi naniniwala sa'kin. Hindi man lang ako pinakinggan, hindi man lang ako pinaniwalaan. Siguro nga. Masama talaga ako..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD