KABANATA 15

2532 Words
WELCOME TO LA SIERRA Alam kong maling mali ang plano ko at mag aalala lamang sila. Gusto ko lang munang huminga at mapagisa, hindi ko iyon magagawa kung nandito ako sa bahay. Sa mansyon nga ako nakatira, pero ang sikip sikip naman ng pakiramdam ko.  Hindi ko pa kayang kausapin ni isa sa kanila. Alam ko namang sisisihin nila ako, malamang magsisinungaling din ang pinsan ko kaya mas mabuti pang umalis na muna ako. Pinunasan ko ang mga luha sa aking pisngi at pumunta sa walk-in closet. Kumuha akong backpack at nilagay doon ang aking mga damit. Kung ano ano na lang ang pinagdadampot ko, wala na akong oras para mamili.  Nagpalit ako ng white v-neck shirt at leggins. Sinadya kong iwan ang aking phone para hindi nila ako ma-contact, nagpalit din akong rubber shoes at kinuha ang itim na hoodie sa bed side table. Alam kong hindi ako basta basta makakalabas sa hacienda sapagkat marami ang nagiikot guwardiya. Kapag sa gate ako dumaan, tiyak na maisusumbong agad nila ako. Dumaan ako sa likod ng mansyon para walang makapansin sa akin. Mabuti na lang talaga at tulog na ang mga kasambahay. Maghahating gabi na rin kasi. Naririnig ko ang kalam ng aking sikmura, gutom na talaga ako. Sa dami ng nangyare kanina, maiisip ko pa ba ang kumain?  Kaya eto ako ngayon at nagdudusa. Dahan dahan kong binuksan ang bakal na gate nang biglang may guwardiyang nag bibisekleta ang papalapit sa pwesto ko. Tumakbo ako at nagtago sa malapit na puno kaya hindi niya ako napansin. Inilawan niya ng flashlight ang punong pinagtataguan ko pero umalis din naman agad.  Sobrang bilis ng t***k ng puso ko, ganito siguro ang pakiramdam ng mga magnanakaw. Hindi naman ganon kadami ang mga puno rito sa likod bahay. Mabuti na lang din at bagong tabas ang mga d**o dito kaya mas madali akong makakatakbo. May tatlong bahagi ang hacienda, ‘Silangan’ kung saan nakatira ang mga tauhan ni lola at kung saan nakatayo ang mga puno at plantation. Ang sunod ay ‘Cecilia’, in short, garden at kung saan nakatirik ang mansyon. Ang panghuli ay ‘Aldo’, doon naman nakalagay lahat ang mga alagang hayop, may mga nakatira din doon pero hindi kasing dami tulad ng sa Silangan at Cecilia.  Andito pa rin ako sa gilid ng mansyon, nagtataka ako bakit ngayon pa dumami ang nagroronda ngayon sa hacienda. Na sense ba nila na balak kong mag layas? Binilisan ko ang pag takbo ko papunta sa malaking pader na bakod. Umakyat ako sa puno malapit sa pader para talunin iyon. Muntik pa akong malaglag sa puno at marami pang mga langgan na kumakagat sa akin kanina. Malalaglag na sana ako, buti na lang ay nakakapit ako sa isang sanga. Kaya lang ay narinig ata nung dumaan na nagroronda, bumalik ito para i-check kung ano ang ingay.  Natatararanta na talaga ako at tinalon ko ang pader. Nalula ako sa taas ng babagsakan ko. Dammit! Baka mabalian ako kapag tinalon ko! Papalapit na yong nagroronda at itinutok ang flashlight sa puno. “May tao ba jan?” Iniangat niya ang flashlight sa pader.  Pikit mata akong tumalon, para akong nabunutan ng tinik, grabe ’yon ha! Feeling ko actions star ako, e! Ang sakit ng pagkakabagsak ko pero hindi ko pinansin iyon. Iika-ika akong maglakad pero natutuwa pa rin ako. Ganito ang feeling ko noon tuwing tatakas ako kay mama. Dadaan ako sa bintana at inaakyat ko rin ang bakod. Mas mataas nga lang ito. Tuwang tuwa ako na nakatakas ako. Eto ako! Eto ang Summer na kilala ko. Malayo layo rin ang aking nilakad. Malayo kaya ang distansya ng hacienda ni lola sa bayan! At gutom na gutom na rin ako. Itinaas ko ang hood ng jacket na suot ko para walang makakilala sa akin. Mahirap na at baka maisumbong agad ako kay lola. Hating gabi na pero marami pa ring bukas na tindahan dito sa bayan kaya hindi nakakatakot mag lakad lakad mag-isa.  Ay... kaya naman pala buhay na buhay ang bayan dahil may food caravan pala ngayon! Bakit wala man lang nagsabi sa akin? Alam kaya ’to ng tropa? Maraming tent ang nakatayo, may mga nagtitinda ng chicken wings, burger, fries, desserts, at halos mga iba’t ibang uri ng inihaw. This is what heaven looks like! Mapapadami yata ang makakain ko ngayong gabi! Natutuwa talaga ako ngayon dito, suki ako ng mga food caravan sa Manila, eh.  Ang buong paligid ay nagniningning sa mga christmas lights na nakapalibot sa buong lugar. Feeling ko tuloy christmas na. “Ate, limang isaw tsaka dalawang barbeque.” Sabay abot ko sa babaeng tindera ng isang daan.  “Sige Ate, a-abot ko na lang sa’yo pag tapos.” “Ate pakitusta, ha?” Paalala ko, naghanap na akong bakanteng pwesto malapit sa tent na binilhan ko. Ilang sandali lang ay dumating na rin yung in-order ko. Amoy pa lang panalo na! Nilantakan ko kaagad ang pagkain. Busog na busog ako ngayon. Buti na lang talaga dito ako kumain, mura pa! Sa sobrang gutom ko ay nakalimutan ko palang bumili ng tubig, buti hindi ako nabilaukan kanina. Isinuot ko ang back pack ko sa likod at bumiling tubig. Sa kabilang dulo pa ako ng tent bumili dahil hindi raw nagtitindi ng mga inumin yung mga tent na napagtanungan ko. Ayos din naman iyon para mag bigayan sila at lahat ay kumita. Ayaw ko sanang bumili ng tubig doon, puro mga nag iinom na ang mga andon. Nako kung hindi lang talaga ako nauuhaw, eh! Naririnig ko ang hiyawan ng mga manginginom, lasing na yata. Dire-diretso akong naglakad pagkatapos kong bumili. Hindi na ako tumingin pa sa kanila dahil ganyan ang ibang lasing, napatingin ka lang akala nila ay type mo sila. Ew! Napatigil ako noong may humarang na lalake sa akin.  ”Miss maganda... ba't ka naman aalis agad?”  Tinignan ko lang ito. Confirmed! Lasing na nga, ganon din yung iba niyang kainuman. Yumuko ako at dinaanan siya. Hinawakan niya ako sa braso kung saan tumama sa bed post kanina. Ang sakit! Namaga na yata iyon eh! Hindi naman ako makapalag sa higpit ng hawak niya. ”Sama ka muna sa amin, Miss.” “I-table mo na 'yan, brad!” kantyaw nung isa pang lasing. “Patingin nga kung maganda ba 'yan!” “Ano ba?! Bitawan mo nga ako!” Sa lakas ng sigaw ko ay nagtinginan ang mga tao sa food caravan.  Nagpupumiglas pa rin ako kahit lalong kumikirot ang braso ko. Tinaggal nung lalake yung hoodie ko.  ”Maganda ka pala talaga,  miss. Mukang ma-swerte ako ngayong gabi, ah.”  Amoy na amoy ko ang alak sa hininga niya. Nakakadiri! Hinatak niya ako palabas ng caravan at lalong naghiyawan ang mga kasamahan niya. ”Bro! Third base agad!” sabay nag apir ang tropahan niya.  “Lasing ka na, brad.” Ani ng isang pamilyar na boses. “Wala kang pake. Tabe!” Tinignan ko kung sino iyon... Si Jacob! “Talaga ba? Eh girlfriend ko 'yang hawak hawak mo.”  Ang angas ng dating ni Jacob ngayon. Mas bagay sa kanya ang pagiging bad boy.  “Bitawan mo na girlfriend ko brad.” Dagdag niya. "Eh kung ayaw ko?” Sagot ng lalake.  Kitang kita ang kagwapuhan ni Jacob, sa liwanag ng buwan at sa liwanag galing sa lamp post sa labas ng caravan talagang nangingibabaw siya! Teka... Bakit ko ba iniisip ang bagay na ito? At sa pagkakataong ito pa ha?!  Nag igting ang panga ni Jacob at kinuyom ang kamay. Ang angas din ng lasenggo na ito, ayaw pa rin akong bitawan. Sinubukan ko ulit bawiin ang braso ko pero mas hinatak at diniinan pa niya ang pagkakahawak kaya napa aray ako.  Ang bilis ng pangyayare, nasuntok agad ni Jacob ang panga nito at bumagsak sa semento. Tumayo agad yung lalakeng, umambang suntok pero naiwasan iyon ni Jacob. Sinuntok na naman si Jacob sa sikmura nito at muli na namang sumalampak sa semento, mukang wala ng balak pang tumayo.  Paubo-ubo yung lalake habang nagmumura. Lumapit si Jacob sa kanya at kinwelyuhan. Parang baliw yung lalake, nagawa pa niyang tumawan kahit duguan na ang labi. Dumilim lalo ang mukha ni Jacob at pinagsusuntok ang mukha nung lalake. “Tama na, Jacob!” Sigaw ko. Nawalan na ng malay yung lalake, dumami na rin yung mga taong lumapit sa amin pero ayaw pa rin tigilan ni Jacob ang pagsuntok. “Jacob tama na! Okay na, tama na!” Niyakap ko siya mula na likod para pakalmahin. Ramdam ko ang mabibigat niyang paghinga at mabilis na t***k ng puso na gustong kumawala sa katawan. Bumitaw lamang ako nang maramdamang normal na ulit ang hinga niya. Dinaluhan ng mga tao ’yong lasing na lalake na wala nang malay. Hawak hawak ni Jacob ang kamay ko at inialis sa lugar na iyon. Tinignan pa niya ang paligid bago kami tuluyang umalis. Gusto ko pa sana malaman kung ano na ang nangyare sa lalake kaso ay nagmamadali siyang umalis. Kanina pa kamei nag lalakad, ilang saradong tindahan na rin ang nadaanan namin pero hindi pa rin kami natigil.  “San mo ba ako dadalhin?” Tanong ko. Dinedma lang ako. “Huy!” Dedma na naman! “Bingi ka ba? Sagot ka naman,” Dedma pa rin! “Jacob Handsome Fuentes!” Finally, Lumingon din! Ayun pala ang way, dapat palang tawagin ko siyang handsome para makinig. Dapat pala tinawag ko siyang handsome kanina para tigilan ang pag-gulpi sa lasing na iyon.  “We’re here,” aniya. Kumunot pa ako noo ko, minasdan ko ang paligid at nandito pala kami sa parke sa bayan. Ngayon na lang ulit ako naka punta rito, buti naman at nag improve na. Kaya lang hindi ko naman na gaanong mae-enjoy yong slides, masyado na akong malaki para doon. Nag lakad si Jacob papunta sa swing. Sumunod ako sa kanya at umupo sa swing. Medyo nakakapanibago lang na tahimik siya ngayon, kalimitan kasi maingay siya at puro pick-up lines.  “Sorry. Hindi mo na dapat nakita iyon,” Sabi niya habang nakatingala sa langit. Tumingin na din ako sa langit, pinagmasdan ang dami ng bituin.  “Sorry saan? Ako nga dapat mag sorry kasi nadamay ka pa sa gulo tsaka normal na sa akin na makakita ng suntukan pero... alam mo nakakatakot ka kanina.” “Sorry. Hindi ko lang talaga kayang makita na may ibang taong hahawak sa’yo”  “Pero gusto kong mag thank you kasi tinulungan mo ako. Kung wala ka, baka may nangyare nang masama sa akin ngayon. Thank you, handsome.” Alam kong ngiting aso siya ngayon kahit 'di ko siya tinitignan.  “Bakit ka pala nasa labas? Anong oras na ah. Tsaka may dala dala ka pang back pack.” Tanong niya. “'La lang” tamad kong sagot. “Nag layas ka?” “Tingin mo?” Inirapan ko siya.  “Ambilis naman magbago ng ugali mo. Kanina ang bait mo tapos masungit ka na agad.” Pang aasar niya.  “Napuri na kita eh, sapat na iyon. Tse!” Natawa na lang siya. Tinignan ko ang relos ko at 1:58 na pala! May masasakyan pa kaya ako nito? Kailangan ko na pumunta sa terminal. Tumayo na ako sa swing.  “Ano... aalis na ako ha? Salamat ulit. Bye. See you na lang!” Isinuot ko na ang back pack at tatakbo, kaya lang ay nahawakan agad ako ni Jacob. Doon pala talaga sa nakirot. Sakit! Lagi na lang niya akong hinahatak, hobby niya ata na hatakin ako!  “San ka pupunta?” Nagaalalang aniya.  “Tse! Wala ka na dun. Babush!” Ayan na naman! Hinatak na naman niya ako palapit sa kanya.  “A-Aray!” Napasigaw na talaga ako sa sakit. Agad niya akong binitawan, mapanuri ang mga tingi hanggang sa unti unting kumunot ang noo.  “Kasi naman, masakit na kasi.” Sabi ko. Lumapit siya sa akin at marahang hinawakan ang kanang kamay ko, itinaas ang jacket para tignan ang braso ko, noong una ay binabawi ko pero hindi siya nag patinag. Pag angat niya ng jacket ay bumungad sa amin ang namamagang braso ko. Parehas kaming nagulat sa itsura nito.  Nalulungkot na naman ako. Naalala ko yung away namin ni Micah at Mama kanina.  “Sinong gumawa sa’yo niyan?”  “W-Wala. Nadapa ako sa hagdan.” Tugon ko.  “Wag mo akong lokohin, Summer. Hindi ka magaling mag sinungaling.”  Damn! Alam na alam agad ni Jacob kapag nagsisinungaling ako! Ba't ang bilis niyang malaman iyon? Si Clyde naman ay hindi niya napapansin kapag nagsisinungaling ako. Ako na mismo ang umaamin kapag may kasalanan, nakokonsensya agad ako pag dating sa kanya.  Iba rin itong si Jacob. Inupo niya ako sa swing, lumuhod siya sa harap ko para maging level ang posisyon namin. Huminga ako ng malalim at sinimulan ang kwento. Seryoso lang siyang nakatitig sa akin. Minabuti kong yumuko. Hawak hawak pa rin niya ang kaliwang kamay ko.  “Nalaman ni Micah na nanliligaw na sa akin si Caleb. Sinugod niya ako kanina sa kwarto at nag kasakitan kami.... tapos.. tapos.. nag...” Hindi ko naituloy ang kwento ko dahil sa pag luha ko.  Ang bigat sa pakiramdan na alalahanin ang masasakit na salitang binitawan ni mama sa pag tatalo namin. Walang katumbas na pisikal na sakit ang sakit na mararamdaman ko sa aking puso. Niyakap niya akong mahigpit. Sa yakap na iyon, pakiramdam ko ay safe ako. Na walang sino man ang makakasakit pa sa akin. “Sorry, wala ako sa tabi mo para protektahan ka.”  Lalo akong naiyak sa kanyang mga sinabi. Kaya kong protektahan ang sarili ko, pero sa sinabi niya, sana nga ay nasa tabi ko na lang siya para protektahan ako. Pag tapos ng yakapan na iyon ay umupo siya sa katabing swing. Nawala kahit papano ang bigat na dinadala ko. Effective talaga na pampawala ng bigat ng dinadala ang pago-open ng problema sa iba.  “Saan ka pupunta?” Mahinahong tanong niya. Seryoso na siya kaya mag seseryoso na rin ako.  “Uhm, ewan. Kahit saan basta gusto ko muna lumayo.” Sabi ko. “Kailan ka babalik?” “Next next week. Sa exam week natin.” Tugon ko. “Good. Sasama ako.” Bigla siyang tumayo at kinuha ang susi ng sasakyan sa bulsa.  “Bakit?” “Mas masaya kapag may kasama.” Sabay kindat sa akin.  Ang lalim ng buntong hininga ko. Ano pa nga bang magagawa ko?  “Paano kung ayaw ko?” Tanong ko.  “Bahala ka.”  Nainis ako sa sagot niya. Hindi ako sumusunod sa paglalakad kaya binalikan niya ako at hinawakan ang aking kamay.  “B-bakit mo hawak kamay ko?”  “Uh, gusto ko. At... wala kang magagawa.”  Pinatunog niya ang kotse sabay bukas ng pinto. Pumasok din agad ako. Hinawakan niya ang ulo ko pagpasok niya ng sasakyan, tulad ng palagi niyang ginagawa.  “Good dog” Natatawang aniya.  “Panira ka talaga! Sa itsura kong ito sasabihan mo akong dog?” Ginulo niya ulit ang buhok ko at pinisil ang aking mukha. Sa gigil ko ay humalukipkip na lamang ako at sinuot ang seatbelt. Wala rin naman akong laban pag dating na asaran. Mukha pa lang niya nakakinis na! “Saan mo ba ako dadalhin?” Tanong ko. Nakanguso pa ako, naiinarteng parang bata.  “Sa La Sierra.” Sagot niya.  “Saan 'yon?” “Sa La Sierra,” Humagikgik pa. Kainis!  “Papansin! Saan nga?!” Naiinis na talaga ako.  “May bahay kami roon. Beach house namin.” Na-excite naman ako roon! Matagal na rin akong hindi nakakapunta sa beach! Miss na miss ko na ang dagat. Wala naman kasi masyadong dagat sa Manila, e. Hindi na ako mapakali sa byahe. Gustong gusto ko talaga ang mga long drive lalo kapag gabi dahil walang traffic, walang tao at tahimik.  “Matulog ka na muna, Summer. Three hours din ang byahe mula Las Huelva hanggang La Sierra. Marami na rin ang nangyare sa gabi mo.” Pagkasabi noon ni Jacob ay iniayos ko ang upo ko at ipinikit ang mga mata. Ilang oras din ang lumipas at nagising na ako. Si Jacob ay nagyoyosi habang naka sandal ang braso sa binta at doon ibinubugha ang usok.  “M-Malayo pa ba?” Kinukusot ko ang mga mata ko. Agad naman niyang tinapon ang yosing hawak.  “Nagising ka ba sa amoy? I-I’m sorry.” Aniya habang pabalik balik ang tingin sa akin at sa daan.  “Okay lang. Malayo pa ba?” Tanong ko. “Uhm, yep. Tingin ka roon.” Sinundan ko ang daliri niya na may itinuturo. Ang arko na may nakasulat na. "Welcome to La Sierra." Muling bumalik ang sigla ko dahil andito na kami. Malalanghap ko na ang simoy ng hangin mula sa dagat! Oo nga pala! Wala akong dalang swimsuit!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD