DIBDIB
“Ihinto mo muna. Dali!” Pangungulit ko habang hinahampas ang kanyang balikat.
“Relax lang, Sums. Saan ba?” Tanong niya.
“Bago tayo lumampas sa arko ng La Sierra ihinto mo na.”
Sinunod niya ang sinabi ko at inihinto ang sasakyan sa gilid ng kalsada.
“Tapos?”
Hindi ako sumagot, pumalakpak ako sa tuwa at lumabas sa sasakyan. Umakyat ako sa likod ng pick-up sabay nagtatalon-talon.
“Labas ka na dito! Dali, may iuutos ako.” Buti na lang hindi siya killjoy. Umamba siyang aakyat pero hinawakan ko ang balikat niya at bahagya itinulak.
“Why? I thought you want me to join you here?” Kumunot ang noo niya.
“Mamaya na. Picture-an mo muna ako.” Sabi ko. Tamad niyang kinuha ang phone sa kanyang bulsa at kinuhaan ako agad agad.
“Huy! Ayusin mo naman! Di pa nga ako nakakapag pose, eh! Layo ka. Dapat kita yung arko!” Napakamot ulo na lamang siya, nag pacute pa ako para sundin ako. Effective naman kahit alam kong mukha akong tanga. Nakangising umiiling si Jacob at kinuhaan ulit ako ng pictures.
“1.. 2... 3.. Okay na?”
Nag thumbs up na lang ako. Tinulak ko ulit siya sa balikat pag akyat, pinandilatan niya ako ng mata. Gusto kong humalaklak dahil ang cute niyang tignan kapag naiinis. Nag peace sign ako at inilahad ang kamay para tulungan siyang umakyat.
Gaya ng sabi ni Jacob, three hours ang byahe papunta rito sa La Sierra, maaga rin kame nakarating, wala namang traffic sa daan.Tirik ang araw pero presko pa rin ang hangin, wala rin masyadong sasakyan ang nadaan.
Hindi gaanong maiinit dahil tinatakpan ng nag lalakihang puno ang kapaligiran. Itinaas ko ang dalawang kamay ko nang umihip ang malakas na hangin. Ang sarap sa pakiramdam kapag ganito lang.
“Sisiguraduhin kong mage-enjoy ka rito." Nakiliti ako sa pag bulong niya sa tenga ko, naramdaman ko ang pag hinga niya sa leeg ko.
Nanlaki ang mata ko, nagulat na lamang ako na nakakulong ako sa bisig niya, hindi nga lang dumidikit ang katawan at kamay niya sa akin. Parang ying larong ‘open the basket.’
“B-Bakit...bakit mo ako niyayakap?” Nauutal kong tanong. Damn!
“Hindi kita niyayakap. As you can see, hindi nadikit ang katawan, braso, kamay ko sa iyo.” Sarkastikong aniya, nangiinis ang mukha niya.
“Wag mo kasi akong, uh... yakapin...” Ramdam ko na unti unti ay dumidikit na siya.
“Bakit ka nauutal?” Itinaas niya ang kanang kilay sa akin.
Sa pagkakataong ito ay biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Blanko ang isipan ko kaya ni isang salita ay wala akong masabi.
“Hindi 'no! Uhm, hindi kasi ako.. hindi ako naligo.” Yumuko ako, pulang pula na ang mukha ko.
Nasisigurado kong hindi ako kinikilig, nahihiya ako sa palusot ko sa kanya! Tawa siya nang tawa kaya mas lalo akong nahihiya. Ba’t ba kasi ayon ang dinahilan ko!? Humigpit ang yakap niya sa akin. Nanananching na eh! Pa-simple pa akala siguro hindi ko mapapansin!
“Nag layas ka tapos hindi ka naligo?” Tinampal ko siya sa dibdib at bumaba na, mas lalong lumakas ang tawa niya. Hanggang sa makapasok kaming dalawa sa sasakyan ay tumatawa pa rin.
“Akala ko pa naman kinikilig ka kaya ka nauutal, nahihiya ka lang pala kasi hindi ka naligo.” Nanunuyang aniya. Sige pa rin sa pagtaba habang nagd-drive! Nababaliw na yata 'to!
“Tama na nga! Sige nga, saan ka nakakita ng naglalayas na ready? Sabihin mo sa’kin at sasabunutan ko!” Aba! Lalo pa siyang tumawa! Baliw na nga.
“Bahala ka! Hindi kita papansinin! Tse!” Pagtataray ko.
Tumigil na siya sa patawa at humingang malalim, “Don’t worry hindi naman halatang hindi ka naligo. Ang bango mo kaya, at kahit maging mabaho ka, aamoyin pa rin kita.”
Tumunog ng malakas ang sikmura ko.
“Sakto may madadaanan tayong lomihan diyan.” Narinig niya yata ang kalam ng sikmura ko, mas nagutom ako. Favorite ko kasi ang lomi eh, sana nga lang ay masarap ang lomihan na tinutukoy niya.
“Masarap ba doon? Baka hindi a!” Tanong ko.
“Oo naman. Mas masarap pa sa’kin.” Parehas kaming natigilan sa sinabi niya. Siguro ay hiyang hiya siya. Quits lang kami! Napahiya ako kanina at siya naman ngayon! Nagpigil akong tawa, hindi ko na siya tinignan pa, nai-imagine ko pa lang itsura niya natatawa na ako.
“B-Biro lang. Basta masarap doon,” Nauutal na aniya.
“Weh? So, hindi ka pala masarap?” Omg! Did I just say that? Kailangan kong panindigan para hindi na ako mapahiya.
“You wanna try me?”
Sabi na nga ba, eh! Dapat nanahimik na lang ako, ako na naman ang nasa spotlight!
“No! Shut up, Jacob!” Humalukipkip ako,
“Sums, you can just ask me if you wa--”
“Nagugutom na ako.” Utas ko.
Mabuti at hindi na rin nangulit pa si Jacob.
“Hay, salamat andito na rin!” Ang lalim ng buntong hininga niya. Sa haba ba naman ng byahe, sure akong pagod na ’to, samantala ako patulog patulog lang.
Agad akong pinagbuksan ni Jacob ng pinto at saka inilalayang bumaba.
“Jacob? Ikaw na ba yan?” Tanong nung matandang lumapit sa’min. Siguro nasa 80 years old na rin ’to, sobrang kulubot na kasi ang balat, puti na lahat ng buhok at hirap na ring mag lakad kaya at may hawak hawak na tungkod.
“Lolo Juan! Kamusta po?” Ani jacob. Lolo juan? Baka sa kanya siguro itong lomihan. Nag mano si Jacob sa matanda kaya nagmano rin ako.
“Kasintahan mo ba siya, Jacob? Mana ka talaga sa’kin marunong mamili ng babae.” Ani Lolo Juan, hawak hawak ang kanyang baba. Sinusuri ako ng mga mata niya kaya nagtago ako sa likod ni Jacob.
“Hindi po, 'Lo.” Inakbayan ni Jacob ang matanda at inakay papasok sa kainan.
“Mapapangasawa ko po.” Bulong niya sa matanda. Dinig ko rin naman. Tsk! Mapapangasawa? Mukha niya! Palingon lingon yung matanda sa’kin sa sinabi ni Jacob. Ngumiti ako.
“Huy Sums, jan ka lang? Di ka papasok?”
Nawala ako sa sarili ko saglit, paano ba naman kasi nakakainis yong sinabi niya! Iisipin tuloy ni lolo na mapapangasawa ko yung ugok na Jacob na 'yan!
Naupo na kami sa isang bakanteng pwesto malapit sa kuhaan ng kubyertos, kasama pa rin namin yung matanda. Kanina pa sila nagkukwentuhan kaya ako ay tahimik lang. Hindi na ako nakisali pa, mukang miss na miss na nila ang isa’t isa.
“Ba’t mo naisipang umuwi rito sa La Sierra? Wala ka bang pasok?” Tanong nung matanda.
“Meron, 'Lo. Bakasyon namin kaya sinama ko si Summer.” Sabay baling ng tingin sa akin.
“Ako 'yon, Lolo Juan. Summer Rose Asuncion po ang pangalan ko.” Todo ngiti naman din ako.
“Bagay na bagay sa’yo pangalan mo, hija. Kasing ganda mo.” Puri niya.
Lalong lumapad ang ngisi ko, marami ang pumupuri sa akin pero iba kapag matatanda, iba kasi ang definition ng maganda sa kanila eh.
“Apo siya ni Amanda Cecilia Cortez, Lolo.” Gulat na gulat ang mukha ng matanda. Kanina mejo magiliw , naglaho lang noong sabihin iyon ni Jacob. Anong meron?
“Uh, Lolo, okay lang po kayo?” Tanong ko.
“Marami lang akong naalala tungkol sa lola mo.” Tugon nito at malungkot na ngumiti.
“Bakit po? Matalik po ba kayong mag kaibigan?”
“Hindi, hija. Dati ko kasing kasintahan ang lola mo. Si Ace.”
“Talaga po? Pwede po ba kayong mag kwento?” Magiliw kong sambit.
Si Jacob ay tahimik sa tabi ni Lolo Juan, mukhang alam na niya ang kwento. Gusto ko ring malaman.
"Andito na po ang order niyo, Lolo Juan" Anang waitress. Special lomi ang aming i-nordern, mukha masarap talaga, andaming chicharon at iba’t-ibang sahog sa ibabaw. Nilantakan ko kaagad ang lomi. Nakalimutan ko tuloy ang dapat i-kwento ni Lolo Juan sa akin, bahala na mamaya na lang!
“Gutom na gutom ka yata, Summer. Hindi ka ba pinapakain ni Jacob?” Tanong ni Lolo. Nabilaukan si Jacob kaya inabutan ko siyang tubig.
“Hindi Lolo, favorite ko kasi lomi.”
Ilang sandali lang ay naubos namin iyon, ang sarap sarap talaga! Babalik balikan ko ito rito sa La Sierra.
“Salamat, Lo, mauuna na po kami ni Summer.” Sabay tayo ni Jacob.
“Ay hindi, hindi. Gusto ko muna marinig ang love story nila Lolo Juan at Lola Amanda ko.”
Lumipat si Jacob sa tabi ko at doon umupo.
“Sige na Lo, kwento mo na po sa akin.” Excited kong sabi.
Iba naman ang reaksyon ni Jacob, parang problemado, hinawakan ko ang kamay niya. Wala naman malisya sa’kin ’yon, gusto ko lang na sana mawala ang iniisip niya. Nang napatingin ako kay Lolo ay miski siya ay problemado rin. Kailangan ko rin bang hawakan ang kamay niya? Ako lang yata excited sa love story nila.
Hindi na natuloy ang pagkukwento ni Lolo at bigla itong sinumpong ng asthma. Kunot ang noo ko, nahihinayangan akong hindi ko nalaman pero mas mahalaga ang kalusugan ni Lolo. Maari ko naman iyon itanong kay Lola. Tama! Si Lola Amanda na lang ang tatanungin ko.
“Okay ka lang, Sums?”
“Oo naman.”
“Mabuti kung ganon.” Sabay akbay nito sa akin.
Manyakis talaga! Bumyahe ulit kami patungo sa beach house nila.
“Malayo pa ba?” Tanong ko,
“Hmm, malapit na.”
“Alam mo?”
“Oo naman, bahay kaya namin iyon.”
I giggled, “Baliw! Yung kwento ni Lolo Juan.”
“Ah, oo. Bata pa lang ako alam ko na.”
“Ano mo ba siya? Lolo?”
“Caretaker dati sa beach house namin. Hmm, oo lolo ko na rin.”
“Ah, kaya ba kilala mo si Lola?”
“Hindi.”
“Eh paano mo nakilala si Lola?”
“Well, bukod sa sikat ang pamilya niyo, ex girlfriend ko si Micah.”
My jaw dropped, “What?!” Literal na nag letrang O ang bibig ko. Bakit ngayon niya lang sinabi?!
“Mukhang hindi sinabi sa’yo ng pinsan mo, ah.” Natatawang aniya
“Obvious ba? Ba’t kayo nag break?”
“Playboy nga ako 'diba? At saka hindi naman talaga maganda ang ugali niya. Masyadong matapobre.”
“Sabagay..” Tumango tango ako.
Nakita ko na ang dagat sa gilid ni Jacob kaya inilapit ko ang sarili sa kanya. Sobrang ganda talaga ng dagat kahit malayo pa. Isang misteryo talaga ang dagat para sa’kin, kahit na delikado , ay marami pa rin ang gustong sumisid at alamin ang sikreto nakakubli rito.
“S-Sums... masyado ka nang malapit sa mukha ko.”
“Wag ka magalala wala akong balak halikan ka 'no!” Umirap ako.
“Alam ko naman 'yon. Gusto ko lang malaman mo na nakikita ko yung... dibdib mo.” pabulong niyang sabi.
Mabilis ang pagkilos ko, iniangat ko ang damit at umayos ng pagkakaupo. Uminit bigla ang pisngi ko, si Jacob ay seryoso lang na nakatingin sa daan.
Shit! Baka kung ano ang isipin niya. Kainis!