KABANATA 17

1397 Words
PANTASYA Bago makarating sa beach house ay kailangan muna namin daanan ang plaza, abala ang mga tao roon sa darating na piyesta sa isang linggo. Sayang nga lang at hindi ko na iyon maabutan, 'yun kasi ang na babalik kaming Las Huelva.  Sa shortcut idinaan ni Jacob kaya saglit na ang byahe. Pinasadya yata talaga ng pamilya nila ang daanang iyon. Kapag wala ay ka-kailanganin pang ikutin ang buong La Sierra marating lang ang beach house.  Nakakatuwang pagmasdan ang buong paligid, puro flower fields, mga nagpapahingang kalabaw sa ilalim ng puno, mga grupo ng kambing. Marami rin naman ganon sa hacienda, wala lang talaga akong oras para bisitahin sila. Nang makarating sa beach house ay tila nabuhayan akong dugo. Gulat na gulat pa nga yung caretaker ng bahay nang binuksan ko yung malaking kulay brown gate at may nakaukit na 'Fuentes Residence.' Halos atakihin sa puso kasi akala nila nagtanan kami. Titig na titig pa rin ako sa asul na dagat, nae-excite na talaga ako! "Mukang masaya ka na agad, ah." Sambit ni Jacob. "Oo!" Napapatalon ako sa tuwa, kinimkim ko na lang... muna.  Pagkababa ko sa sasakyan ay pinagmasdam ko ang structure ng bahay, malaki at modern style, mukhang kumuha pa sila ng magaling na architect para talagang maganda ang kalabasan. Puti at brown ang kulay, tulad sa mga nakikita ko sa magazine. May vintage style na bench sa gilid. At sa likuran ko naman ay may batong hagdan papunta sa dalampasigan. Mayaman din pala talaga si Jacob. Nakakatuwa naman kung tutuusin, mayaman pero hindi mo makikita sa kanya ang kayabangan. Mahangin minsan pero sa pagiging 'gwapo', hindi sa kung anong meron ang pamilya niya.  Bumaba ako sa batong hagdan at tumakbo papuntang dagat. Manghang mangha ako sa linis nito. Kung gagawin nila itong resort sure ako na marami ang pupunta. "Sums, balik ka kaagad!" Sigaw ni Jacob, hindi ko narinig ang iba niyang sinabi kaya nag thumbs up na lang ako. May dalang bangka ang nandoon. Sampung minuto palang akong nakatayo roon ay nakaramdam na akong gutom. Hapon na rin kasi, inaya naman ako kanina ni Jacob na kumain sa bayan, kaso tinanggihan ko. Pag pasok sa bahay ay sobrang aliwalas, puro salamin kaya sinag ng araw ang mismong nag bibigay liwanag. Nakakalula ang taas ng ceiling at may malaking chandelier, halos konti lang din ang mga gamit na white ang brown ang theme, may mga halaman sa bawat haligi na mas nagpaganda. Ang ganda ganda! Sino kaya ang nag ayos dito? Para talagang sa fashion magazine ang style! Ang minimalist, mas lalong maganda! "Buti naman bumalik ka na. Susunduin na sana kita, eh." Ani jacob habang pababa ng hagdan.  "Nagutom na kasi ako e." Sabay hawak ko sa aking tyan. Ngumisi siya at dinala ako papuntang kitchen. Hindi ko talaga mapigilan ang mapa-wow, kahit kitchen maganda! Organized lahat at malinis!  "Sinong naga-ayos ng bahay niyo? Ang linis linis ta's ang ganda pa." Tanong ko. Umupo ako sa gilid ng kitchen table at hinayaan siyang mag asikaso. Hindi ko pa naman masyadong gamay ang kitchen nila eh, baka makabasag pa ako. "Hmm, yung caretaker namin. Si Mang Bitoy at Aling Fe."  "Nasaan nga pala sila? Nakaligtaan kong mag hello kanina."  Nilapag ni Jacob ang pininyahang manok sa harap ako. Favorite food ko pa naman ito! Takam na takam na talaga ko pero hinintay ko muna si Jacob para sabay kaming kumain.  "Umuwi na sila kanina pa pero babalik din sila bukas. Sa dulo ng mansyon lang naman sila nakatira. Bakit ka nakangiti? May problema ba?" Tanong niya at kinalabit ako.  Nagulat pa ako sa kalabit tuloy ako. "Okay ako. Favorite food ko kasi 'to eh!" Sagot ko at sumubo ulit ako ng chicken. Para akong batang dinala sa candy shop, ganon yung level ng saya. "Talaga ba? Buti ayan ang niluto ni Aling Fe. At ngayon alam ko na favorite mo 'yan." Biglang sumakit ang tyan ko sa daming kinain, nabigla ata. Si Jacob na rin ang nag hugas ng pinagkainan dahil bisita niya raw ako kaya dapat lang na pag silbihan. Mabuti nga at siya na, kapag ako naghuhugas sa bahay noon sa Manila, lagi akong nakakabasag kaya pinagbawalan na ako ni Mama para iwas basag, mamahalin pa naman mga binibili niya. Nakadungaw ako sa malaking bintana at pinagmamasdan ang alon ng dagat. Hinihintay ko rin siya matapos, hindi ko naman alam saan ang kwartong tutuluyan ko. Ayaw ko namang mag ikot-ikot, hindi ko naman bahay 'to.  Kamusta na kaya si Sunny? Galit pa kaya si Mama? Ano na kayang nangyayare sa kanila? Napabuntong hininga na lang ako. "Malalim yata iniisip mo?" Napatingin ako kay Jacob na may bitbit na ice pack, paglapit ay ginulo agad ang buhok ko.  "ANO BA--" Hindi ko na natapos ang pag sigaw ko sa pagyakap niya sa akin. Aba! Nakakarami na 'to ah! Nanananching na! Kumunot ang noo ko sa ginawa nya. Pinagtitripan na naman ba ako nito? Hanggang sa naka upo na kami sa malambot nilang couch ay ganon pa rin ang itsura ko. May patawa-tawa pang nalalaman 'tong si jacob ang sarap ding sakalin. Nako! Inihilamos niya ang palad sa mukha ko at tumawa na naman, natawa na lang din ako.  "Tanggalin mo na jacket mo, lalagyan ko lang pasa mo." utos niya. Ganon nga ang ginawa ko, lumala at mas namaga pa. Hindi naman kasi masakit kanina. Marahan niyang hinipo iyon. May problema ba siya? Mukang mainit na naman ang ulo eh. Inilapat niya ang ice pack sa pasa ko, mejo nakaramdam ako ng kirot. Nahalata niya siguro kaya dinahan dahan na lang. Hindi na ako umimik pa, baka kase magalit. Ang sama ng mukha wala naman akong ginagawang masama sa kanya. First time nya bang makakita ng pasa at ganito ang reaskyon nya? Hindi ako mapakali sa ginagawa niya, maingat naman pag dampi ng ice pack pero bakit parang gusto niyang manapak ngayon?  "May problema ba?" Tanong ko. "Meron." Madiin ang pagkakasabi niya. Nagulat ako nang bahagya kaya napaatras ako. Nanlaki naman ang mata niya at hinawakang muli ang braso ko papalapit sa kanya. "Sorry. Ayaw ko lang kasi na makita kang ganito."  "Huh?" Huminga muna siyang malalim bago magsalita. "Sobra naman 'tong ginawa ni Micah sa'yo."  "Sinaktan ko rin naman siya eh. Quits lang." Sabay tawa kong mahina. "Hindi mo naman siya sasaktan kung hindi ka niya sinaktan." Tinigil niya ang pag dampi ng ice pack at pinahiran ng cream na wala akong ideya kung ano. "Pasensya na ha? Hindi ko alam kung ano bang gamot sa pasa."  Ibig sabihin hindi niya pala alam kung ano ang nilagay sa braso ko? "Hatid na kita sa kwarto mo, alam kong pagod ka na." Dinampot ko ang jacket sa tabi ko at tumayo. Sa third floor pa ang kwarto ko at may balkonahe na nakatapat sa dagat, parang katulad lang sa kwarto ko sa hacienda pero mas gusto ko rito. May pitong kwarto ang bahay, isang kwarto sa baba, tatlong kwarto sa second floor at tatlong kwarto din sa third floor. Magkatapat lang ang kwarto namin ni Jacob. Pag pasok ko roon ay malaki-laki rin, white ang buong kwarto pati na yung kama, lamesa, side table, kurtina basta all white. Pakiramdam ko tuloy nasa langit ako. Nilingon ko si Jacob na nakasandal sa tabi ng pintuan, nakangisi at nakahalukipkip. Kanina pa ba niya ako tinitignan? Mukha ata akong tanga kaya nakangisi. Hala! "Ano nginingiti-ngiti mo jan?! Ha?!" Pagtataray ko habang nakapameywang at nagtaas din ng kilay. "Ang ganda mo." Napaiwas ako ng tingin. "Sige, aalis na ako. Matulog kana ha." Isasara ko na sana ang pintuan kaso hinawakan niya bigla yung door knob. "Simula ngayon, hindi ko na hahayaan may manakit sa'yo." Deklara niya, ngumiti ako at sinarado na ang pinto. Hindi na ako nagpalit ng damit sa sobrang pagod at antok. Hindi ko na rin inayos pa ang backpack sa desk table. Humiga na ako sa malambot na kama, mukhang mapapasarap ang tulog ko! 'Simula ngayon, hindi ko na hahayaan may manakit sa'yo' nakakainis! Ano ba 'tong ginagawa ni Jacob? Bakit parang ang sweet sweet niya? Kung marupok lang ako, sure ako na para akong bulateng inasinan ngayon sa kilig. Pero... natutuwa ako na may isang tao akong pwedeng sandalan. Boyfriend material din naman pala si Jacob. Ang gwapo gwapo at mabango pa tapos kissab---- OMG! Pinagnanasahan ko na ata si Jacob!? Hindi pwedee 'to! Sinampal ko ang mukha ko, narealize ko na kanina pa pala ako nakangiti. Hindi man nakabukas ang ilaw ay maliwanag pa rin sa kwarto ko dahil sa liwanag ng buwan at kumikinang kinang din ang dagat. Hindi pa pala ako nakakapag pasalamat kay sa kanya sa pag dala sa akin dito. Kumakalma ako sa tunog ng dagat. Parang musika at preskong hangin na yumayakap sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD