KABANATA 18

1248 Words
SWIM AND DROWN Maaga akong nagising dahil hindi rin naman ako nagpuyat. Kinuha ko yung bag ko para ayusin ang mga gamit at maisalansan nang maayos sa closet. Tsk! Kulang yung dala kong damit sa isang linggo kong pags-stay dito! Manghihiram na lang siguro ako kay Jacob ng damit. After kong maligo ay nagsuot akong pink t-shirt at itim na leggins. Saktong pag bukas ko ng pinto ay bumukas din ang pintuan ni Jacob, pareho naman kaming nagkatingin pero agad ding bumaba ang tingin niya sa pasa ko. "Good morning!" Bati ko.  "Good morning, beautiful." Sabay kindat at ibinalik ang tingin sa pasa ko. Dapat pala jacket na lang sinuot ko para hindi siya tingin nang tingin doon, alam ko naman na naiinis siya kapag nakikita 'to. Ako rin naman. Pagbaba namin ay naka handa na ang pagkain at paalis na rin si Aling Fe.  "Good morning po, Aling Fe... ako po pala si Summer. Kaibigan ni Jacob at hindi rin po kami nagtanan."  Natigilan si Aling Fe sa pag pupunas ng kubyertos at natawa. Pati rin si Manong Bitoy na kararating lang ay natatawa. Gusto ko lang naman na malinaw sa kanila na wala kaming ginagawang masama ni Jacob mag kaibigan lang talaga kami. "Komedyante pala itong kasintahan mo, Jako! Bagay na bagay kayo." Tumatawa pa rin si Mang Bitoy. "Hija, wag kang mag-alala wala naman akong iniisip na ganon. Alam kong loko-loko 'tong si Jako pero ikaw lang ang nag iisang babaeng dinala niya rito kaya sigurado akong mahal ka niya." Dagdag ni Aling Fe. Luh, mahal agad?  Umupo na si Jacob sa harap ko at kitang kita ko na nagb-blush siya. Eh? Mahal agad agad!? Hindi ba pwedeng nagmamalasakit lang? Lumapit pa si Aling Fe sa'kin at hinawakan ang kamay ko gamit ang dalawa niyang kamay.  "Ikaw na nga ang babaeng para sa alaga ko.. bagay na bagay talaga kayo." Aniya. Kumikinang ang mga mata niya at kita sa mukha na masayang masaya talaga. "A-Ano po... hindi ko po siya ano.. kaibigan ko lang po si Jacob." "Nako, hija, sa kasalanan din ang tuloy niyan." "Iwan na muna natin ang dalawang bata para makakain na sila." Ani Manong Bitoy. Wala pa ring imik si Jacob. Natutuwa pa yata na tinutukso ako sa kanya, e! "Sige Jako alis na kami. Tawag ka na lang kapag may kailangan ka ha?" Dagdag pa niya. Pagkaalis nila ay umupo na ako sa tabi ni Jacob. "Jako pala ha?" Pangaasar ko.  "Tss. Wag mo nga akong tawaging ganyan." naka pout na siya. Ang cute niya tuloy tignan parang bata lang. "Hi, Jako." Mas lalo lang tuloy akong natutuwang asarin siya. Namumula na ang mukha niya sa inis. "Tss! Wag mo akong tawaging ganyan." "Huh? Jako nickname mo e." "Ayoko." Seryosong aniya  "Ano bang gusto mong itawag ko sa'yo?" Tanong ko. Bigla naman siyang humarap sa akin at dahang dahang ngumiti. Oh no! Mukhang wrong question iyon ah. "Just call me yours." nanunuyang aniya. Aba! Akala siguro niya magpapatalo sa kanya ha! Wrong answer ka!  "Ang haba naman ng nickname mo just-call-me-yours mas bagay sa'yo Jako." Kinakalabit ko ang tagiliran niya para mas lalong mainis. "Talaga? Pero mas bagay ako sa'yo." Napatigil ako saglit para magisip nang sasabihin ko sa kanya. Ugh! Ano ba 'yan wala akong maisip na pangasar! "Weh? Pang--" "Kapag 'di ka tumigil hahalikan kita." seryosong banta niya. Luh? Nagbibiruan lang naman kami tapos biglang ganon!? Pikon! Hindi na ako nagsalita pa kasi pakiramdam ko na gagawin niya talaga iyon. Siraulo siya kaya siguradong sigurado ako! Pagkatapos kumain ay inaya niya ako pumunta sa dulo ng malalaking bato, hindi kasi maalon doon kaya safe raw ako. Antagal din naming naglakad, dinadama ko ang buhangin sa mga paa ko, kita sa mukha ni Jacob na naiinip na pero hinayaan niya akong gawin ang gusto. Pagdating namin ay kalmadong kalmado ang dagat. Hindi na rin ako nakapagpalit pa at wala na akong ibang damit. Nakaupo lang siya sa may dalampasigan kung saan paa lang niya ang naabot ng tubig. Tinanggal ko ang pag itaas ko at naka sports bra naman ako, kitang kita ko na nag iwas ng tingin si Jacob. Nagtatatakbo ako papuntang dagat at inilubong ang katawan. Tanghali na kaya medyo mainit na rin. Nakalimutan ko pa namang mag sunblock o sunscreen, siguradong tusta ang balat ko nito!  Lakas maka lifeguard ng datingan ni Jacob na nakamasid lang. Pumunta ako sa mas malayo para makasisid. Malinaw talaga ang dagat dito at walang dumi! Binabawi ko na yung sinabi ko na maganda kung gawin nila 'tong resort, kasi kapag naging resort 'to hindi na magiging ganito kaganda. Hindi naman mawawala ang mga taong walang pakealam sa kalikasan eh. "Hindi ka ba maliligo!?" Sigaw ko.  Malayo layo na rin ako sa pampang, buti na lang kalmado ang dagat. Nakakatakot kung malakas ang alon at baka kanina pa ako tinangay ng dagat. "Sums, balik ka na rito!" Sigaw niya. Sumisid ulit ako at naiinitan na ang mukha ko sa sinag ng araw. Hala baka magkasunburn ako nito! Lumapit ako sa malalaking bato para kapag napagod akong lumangoy ay may makakapitan ako. Tumapak ako roon para makabwelo akong talon paangat ng dagat, pero sumabit yung leggins ko sa katabing bato. Hinigit ko ang paa ko paangat kaso hindi pa rin natanggal sa pagkakasabit.  Nauubusan na ako ng hangin kaya naisip kong hubarin na lang ang leggins, pag galaw ko ng paa ko ay nahulog yung batong nakapatong sa isa pang bato kung saan ako sumabit. Ramdam ko yung sakit ng pagbagsak ng bato sa paa ko, humalo na yung dugo sa dagat at nagmamanhid na rin. Inaangat ko pa rin ang paa ko at tiniis yung sakit. Kinakapos na rin ako ng hininga. "Sums!?! Gising!" "Gising! Please, wake up! Please!" Naririnig ko ang boses ni Jacob at nararamdaman ang pag dagan ng kamay niya sa sikmura ko. Nailuwa ko ang tubig at agad na hinabol ang hininga. Ang sakit sakit ngayon ng dibdib ko kahit na nawala na ang nakabarang tubig doon. Niyakap niya akong mahigpit at hinawakan ang mukha ko. "Okay ka na? I'm sorry, Summer." Alalang alala ang mukha niya ngayon at halos hindi na maipinta.  "Oo. Bakit ka nag s-sorry?" Hinang hinang sabi ko. Niyakap niya ulit ako, tinapik tapik ko siya sa balikat.  "Natakot ako. Akala ko mawawala ka na..." aniya. Tinignan ko ang paa ko na may nakabalot na tela at punong puno ng dugo. Eto yung suot ni Jacob kanina ha! Ngayon ko lang napansin na naka topless pala siya. Binuhat niya ako pabalik ng bahay. Nanghihina na ako at mas lalong kumikirot ang paa ko, hindi ko na inalala pa yung pasa ko. Hindi pa rin naman  humuhupa yung maga pero mas ramdam ko ang sakit ng paa ko.  Nakabalot sa'kin ang suot kong t-shirt kanina pero ginaw na ginaw pa rin ako. Niyakap ko na lang si Jacob para maibsan ang lamig. Pagkahiga sa kamay ay inalis niya yung nakabalot sa paa ko. Hindi ko na alam kung anong oras na 'yon, naaninag ko na nasa loob din ng kwarto sila Aling Fe at Mang Bitoy. "Ano bang nangyare sa kanya? Inaapoy siya ng lagnat." "Dalhin na po natin siya sa hospital, Mang Bitoy." "Dalawang oras ang byahe papuntang hospital. Ako na lang ang maggagamot" "Mabuti na lang at nailigtas mo agad siya. Matatalim talaga ang mga bato roon." "H-Hindi ko alam na magkakaganito..." "Wag mo sisihin sarili mo. Walang may gusto nito.. magiging maayos din siya." "Lumabas na muna kayo at bibihisan ko muna siya..." Naalimpungatan ako sa pagkirot ng paa ko. Bahagya akong bumangon, nahihirapan pa ako pati katawan ko masakit. Kung alam ko lang na mangyayari ito sana nakinig na lang ako kay Jacob. Gabi na rin at mukhang nasa ibang kwarto na ako, wala kasing balkonahe rito tulad sa nauna. Yung lamp shade lang sa dalawang gilid ng higaan ang bukas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD