I DON'T DESERVE HIS LOVE
Nagising ako na hinahabol ko ang sariling hininga. Napanaginipan ko na naman si Clyde. Ngayon ko lang napansin na iba na pala ang damit ko. Hindi ko pa masyadong maigalaw ang kanang paa ko na may nakatapal na mga dahon. Wala na rin akong nararamdamang sakit.
Dahan dahan akong umupo.
"Sums, gising ka na pala! Good morning, Summer sunshine! Here's your breakfast." Nakangiting bati ni Jacob pag pasok ng kwarto. May bitbit siyang tray at may pa rose pa! Ipinatong niya yung maliit na lamesa sa kama at ilagay doon ang pagkain.
"Ako nagluto niyan para sa'yo."
"Wow. Thank you namam chef Jacob!" Kinain ko naman agad ang niluto niyang bacon and eggs. Pagkainom ko ng gamot na ibinigay niya ay nagpatulong ako sa kanyang makapag banyo.
"Jan ka lang sa labas! Wag ka maninilip!" Sigaw ko.
Gusto pa kasi niyang samahan pa ako sa loob ng banyo para sure na safe ako. Tss! Manananching lang naman may pa safe-safe pang nalalaman! Pwe!
"Tapos na? Papasok na ako ha."
Halos buong maghapon ay pasan pasan niya ako sa kanyang likuran.
"Alam kong mabango ako. Hinay hinay lang at baka maubos ako." aniya.
Hinampas ko ang balikat niya at tumawa lang siya.
"Pampam ka alam mo ba iyon?! Hindi kita inaamoy. Duh!" Pagtataray ko.
Well.... inaamoy ko talaga siya. Ang bango bango niya pero syempre 'di ko naman sasabihin iyon! Ano ako tanga? Edi tuwang tuwa naman 'tong panget na 'to kung mangkataon. Feeling pogi na naman.
"Ang taray mo naman, miss!" Sabay tawa niya. Napangiti na ako at hinilig ang ulo ko sa balikat niya.
"Mamayang gabi mamangka tayo."
"Ba't mamayang gabi pa?"
"Full moon mamayang gabi. Mas maliwanag at mas maganda ang dagat."
Na-excite naman ako! Tatlong araw na rin ako rito sa beach house nila, kahit na muntik na akong mamatay ay masaya pa rin naman ako. Sa ganda ng lugar ay wala akong time para mamroblema at malungkot.
Kinagabihan ay nagpalit akong palda na pinahiram sa akin ni Aling Fe para hindi raw ako mahirapan sa damit ni Jacob. Puro pantalon ang mga dala ko, hindi ko naman pwedeng gamitin pa at malala ang tama ng paa ko.
Binuhat niya ako at inayos ang pagkakaupo ko sa bangka. Nagdala rin siya ng mga unan patungan daw ng paa ko. Nakakatuwa na sobrang inaalagaan ako ni Jacob. Alam ko naman na mabait talaga si siya, eh. Gusto ko siyang makilala bilang siya hindi bilang playboy. Maswerte ako na pinapakita niya sa akin kung sino talaga ang totoong Jacob.
Sinimulan na ni Jacob ang pag sagwan. Hindi na kami medyo lumayo pa sa pangpang. Gaya ng sabi niya, full moon nga ngayon kaya nagliliwanag ang buong paligid. Marami ring bituin, napaka-gandang pagmasdam ng langit.
"Sums.. nakanta ka diba? Pwede mo ba akong kantahan?"
Inabot niya sa akin ang green na gitara. Nagdadalawang isip pa akong kunin iyon, ayoko kasing kumanta. Nahihiya ako sa kanya...
"Please?" Nag puppy eyes pa siya. Nako! Hindi naman cute!
Humalukipkip ako't nag pout. Huminga akong malalim at sa huli ay kinuha ko rin.
"Anong kanta ba?" Pagalit kong tanong pero biro lang naman.
"Kahit ano..." Agap niya.
Humagikgik ako, "Wala naman yatang kantang kahit ano, eh." Sabi ko.
Pekeng tumawa si Jacob at umayos ng upo. Inilagay niya ang siko sa kanyang tuhod at pumangalumbaba, tila nagiisip.
"Hmm, wala akong maisip... ikaw nang bahala, Summer." kumindat pa siya.
Hay nako! Nautusan na nga akong kumanta tapos ako pa magiisip ng kakantahin? Mariin akong pumikit at humingang malalim bago sinimulan ang pag strum ng gitara.
"Mabuti pa sa lotto amy pag-asang manalo
'di tulad sa'yo, imposible...
Prinsesa ka, ako'y dukha..
sa TV lang namn kasi may mangyayari," tinignan ko ang mukha ni Jacob, abot tenga ang kanyang ngiti. Napatitig ako sa mata niyang parang kumikislap. Namamalikmata lang siguro ako...
"At kahit mahal kita...
wala akong magagawa, tanggap ko oh aking sinta,
pangalang lang kita.."
Sumabay si Jacob sa pagkanta ko. Ibinaba ko na lang ang tingin ko sa gitara, hindi ko siya matignan ng diretso na walang emosyon. Tuwang tuwa ako sa ganitong simpleng bagay. Chill lang at walang pressure. Noon kasi parang kailangan mong magpa-impress sa mga tao para matuwa ka at sila. Kapag kay Jacob, simple lang.
Pagkatapos kong kumanta ay hinawakan ni Jacob ang kanang kamay ko,
"A-Ayos ka lang?" nakangiting tanong ko.
"Ang ganda ng paligid 'no? Alam kong matutuwa ka kapag dinala kita dito." Hindi naman din siya nagkakamali. Natutuwa ako. Nawala lahat ng problema ko sa lugar na 'to! Kalmado ang lahat. Sa ilalim ng kalawakan at liwanag ng buwan, andito kami sa kalmadong dagat na nagpapasaya sa akin.
"Oo. Salamat sa'yo. Dinala mo ako rito." Nginitian ko siya at inilapag na yung gitara.
"Summer? Thank you..."
Kumunot naman ang noo ko ng kaonti, "Bakit? Saan?"
"You can see the real me. Naniniwala ka sa akin. May tiwala ka at pinapasaya mo ako. Sobra sobra.."
Kumurap-kurap ako, pakiramdam ko namumula ang pisngi ko. "Wala 'yon. Mahalaga ka sa'kin kaya masaya ako na napapasaya kita."
Matamis naman ang ngiti ni Jacob. "Summer.."
Tinitignan lang ako at inaantay ang sasabihin niya.
"Ehem ehem.. B-Bakit? Panget ba boses ko?" Pambasag ko sa katahimikan.
Ipinatong ko na yung paa ko sa may unan para maiunat, inilalayan din naman ako ni Jacob.
"Summer..." Para naman akong aatakihin dito kay Jacob! Tahimik tapos biglang magsasalita. Jusko!
Nilingon ko siya kaso natahimik na naman. Kumunot ang noo ko, ano ba kasing gusto niyang sabihin at sobrang pa-suspense?!
"Naalala mo ba nung sinabi ko sa'yong gusto kita? Seryoso ako roon, Summer. Gustong gusto kita.. Hindi ako sanay mag-confess ng nararamdaman.. I really like you, Summer." seryosong aniya.
Napalunok ako. Hindi ko alam kung anong gagawin.
"Pikit ka muna, Sums. Bilang kang lima saka ka mumulat. Okay ba?" Naka thumbs up na siya. Napatango na lang ako. Naguguluhan ako sa kilos niya.
Bago ko ipinikit ang mata ko ay tinignan ko muna siya na abot tenga ang ngiti. Kinabahan na ako. Baka naman halikan nya ako? OMG!
"1.. 2...3.." Napatigil ako sa pagbibilang para lumunok, nanunuyot na ang lalamunan ko. Kung sa lamig ba ng hangin o sa kabang nararamdaman ko.
"4... 5.."
Dahan dahan kong iminulat ang mata ko at kinapa ang kamay ni Jacob. Hinawakan naman niya ang kamay ko nang mahigpit.
Nalaglag ang panga ko at namangha. Napaka liwanag na ng buong paligid! Inilipat ko ang tingin sa pampang na nagliliwanag. Para akong si Rapunzel na dinala ni Eugene sa dagat para pagmasdan ang lanterns sa lumilipad sa kalangitan!
Ganito pala ang pakiramdam dun 'no? Pakiramdam ko sobrang espesyal ko. Ang saya-saya palang ganito!
Puno ng fairy lights ang buong pampang. Nakapalibot iyon sa buong bahay, puno at nagiiba iba ang kulay. Mula sa mansyon hanggang sa dulo ng mga naglalakihang bato!
Hindi ko namalayang naluha na pala ako at agad ko iyon pinunasan gamit ng palad ko.
"Nagustuhan mo ba, Sums?" Malambing niyang tanong. Kinilabutan ako roon. Para akong nahahalina sa boses niya...
"Oo. S-Salamat, Jacob. Gustong gusto ko..." pinunasan niya ulit ang mga luha ko.
"Hinding hindi ako magsasawa na punasan ang mga luha mo. Sabi ko nga sa'yo diba? Hinding hindi ako aalis sa tabi mo." May pakindat kindat pa siyang nalalaman ha! Kinilig din naman ako ng slight.
Maingat siyang lumapit sa akin para hindi masyadong umuga ang bangka.
"Pwede ba kitang mayakap?" Bulong niya. Damn! Ano ba 'to? May kuryente talaga eh.
"P... Pwede n..naman.." nagkandabuhol-buhol na ang dila ko,
Ikinulong nya ako sa kanyang maiinit sa bisig habang nakahilig ang ulo niya sa leeg ko, ramdam ko ang pag hinga niya. Nakikiliti ako! Pero kalma lang baka isipin kinikilig ak. Mejo lang naman!
"I love you, Summer."
SHET! Pwede bang awat muna?! Awat naman kasi yung puso ko parang sasabog! Kalma lang Summer! Kalma!
"I love you, Summer." Paguulit niya, mas malambing kesa kanina.
Mahal niya ako?! Para akong mababaliw na dahil sa iba't iba emosyon na nararamdaman ko. Parang sirang plaka na paulit ulit niyang binibigkas ang salitang 'i love you, summer' sa isip ko.
Marahan niya ako hinalikan sa pisnge kaya naman naramdaman ko na basa ang pisnge niya, nakasisigurado akong lumuluha siya. Pero bakit? Sa halik niya na 'yon ay alam kong totoong mahal niya ako. Simula pa lang nung una, ramdam ko naman na. Hindi ako manhid, hindi ko na lang pinansin.
Kasi nga 'di ba playboy siya? At lolokohin niya lang ako. Hindi ba dapat umiwas ako sa kanya kasi nga ganon?
Siguro kung hindi rin ako wasak, kaya kong ibalik ang pagmamahal sa kanya ng buong buo at wagas. Alam ko naman na hindi pa ako handa, natatakot ako.
Natatakot ako na masaktan siya dahil lang sa pagmamahal sa'kin. Posible kaya? Hindi ko kinakahiya ang nakaraan ko. Sa tuwing kasama ko siya, ako si Summer. Hindi Summer noon. Ako si Summer Rose Cortez. Asuncion na walang halong takot at pagpapanggap.
Mahalaga sa akin si Jacob... pero nakatali pa rin ako hanggang ngayon kay Clyde... hindi ko pa kayang bumitaw. Minahal ko ang bestfriend ko higit pa sa sarili ko, pero namatay siya dahil din sa akin. I don't deserve any of this. I don't deserve his love.
Ngayon pa lang alam kong masasaktan ako at mas masasaktan ko si Jacob...