KABANATA 20

2585 Words
KASALANAN KO Natapos ang gabi na may ngiti sa puso ko. Nakatatak pa rin sa isipan ko lahat ng mga sinabi ni Jacob sa akin at kung paano niya ako tignan. Nailalakad ko na ng maayos ang kaliwang paa ko. Saka lang ako tumitigil kapag nakaramdam na naman ako ng kirot. Isang araw na ang nakalipas mula noong sinabi niya sa'kin ang katagang 'I love you, Summer'. Napapangiti ako ng kusa kaya hanggang maari ay iniiwasan kong isipin iyon. Hindi ko pa kayang harapin ang katotohanan na nahuhulog na ako sa kanya. Not now. Kung mamahalin ko siya ay gusto kong buo ako, para buo rin ang pagmamahal na maibibigay ko sa kanya. Kakaibang saya ang naidudulot niya sa buhay ko. Lalo na ngayon, mas vocal na siya sa feelings niya para sa'kin, hindi rin naman nagbago ang pag trato niya, madalas pa rin akong lokohin at pagtripan. Abala siya sa pagsa-sagwan. Naka topless lang siya at floral shorts. Kitang kita ang hubog ng perpekto niyang pangangatawan at abs! Sa tindig at pangangatawan niya ay hindi mo aakalaing mag kasing edad lang kami. Kumikinang ang kanyang kayumangging balat sa sinag ng araw. Naka bun ang buhok ko at suot suot ang floppy straw hat na ipinahiram ni Jacob. Nag lagay din akong sunscreen para hindi masunog ang balat ko. Kuntento na ako sa morena kong balat. Nitong mga nakaraang araw ay halos mga pinaglumaang damit ni Aling Fe ang mga pinagsusuot ko. Mga duster na medyo malaki para sa'kin. Hindi na ako nag-inarte pa. Alam ko naman para sa ikabubuti ko rin 'yon. Hassle naman din kasi kung mag papantalon ako kung may sugat ako sa paa. Nawiwili na nga ako sa mga ganitong damit eh! Bagay na bagay sa beach, mas ramdam ko ang pag ihip ng hangin. "Jacob? Gusto mo na bang umuwing Las Huelva?" tanong ko "Hindi pa" sagot niya habang seryoso sa pagsasagwan "Exam na natin next week. Wala kang balak mag aral?" Tinigil niya ang pagsasagwan at ibinaling ang tingin sa'kin. "Hmm, wala." Pilyong sagot niya "Aasa ka na lang ba sa stocked knowledge? Hindi ka pumasok ng isang linggo kaya wala kang na stocked na knowledge." "Don't worry about me. Kayang kaya kong ipasa 'yon." Napabuntong hininga na lamang ako habang nakatitig sa kalmadong dagat. "Ikaw, Sums? Gusto mo na bang bumalik?" Siya naman ang nagtanong pabalik. Nag patuloy na siya sa pagsasagwan pero ramdam kong nakatuon ang mga titig niya sa'kin. "Oo naman. Miss ko na sila mama, eh. Pati na rin sila Janna." Wala sa sariling napatingin ako sa abs niya. "Kung gusto mong hawakan, pwede naman." Nanlaki ang mata nang na-realize ko kung anong tinutukoy niya. Nag iwas akong tingin. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko. "H-Hindi 'no! Ang feeling mo talaga!" Mataray kong tanggi. Nautal pa ako kaya mas lalo akong nahiya. Tinikom ko na ang bibig ko. Ibinabad ko ang kamay ko sa malamig na tubig dagat. "Ayaw ko pang bumalik, Sums. Mas gusto ko na lang dito. Lalo na't kasama kita." Seryosong aniya. Nag patay malisya ako at pinigilan ang sariling mag salita, natatakot ako na baka may masabi akong mali. "Pinagawa ni mama 'tong bahay para sa'kin. May pangako ako kay mama na ang babaeng pinaka espesyal sa buhay ko ang tanging dadalhin ko rito. Natatawa pa nga ako noong una, siya lang naman din kasi ang nag-iisang espesyal na babae sa buhay ko. Pero ngayon... naiintindihan ko na. Eto pala ang ibig sabihin ni Mama sa 'espesyal na babae'. Natupad na ang pangako ko kay Mama..." kwento niya. "T-Talaga ba? Mabuti naman kung ganon." Nakangiting tugon ko. "Natupad ko na. Nadala na kita rito, Summer." Ang mga titig ni Jacob sa mata ko ang nakapag-patunaw sa'kin. Para akong ice cream na natutunaw sa ilalim ng araw at si Jacob mismo ang araw! Naguumapaw ang puso ko sa galak at kaba. Galak dahil sa pagmamahal na pinaparamdam niya at kaba na tanging ako mismo ang pumipigil sa pagkahulog sa kanya. Kasi nga ayoko pa. Natatakot ako. Baka maulit lang yung nangyari dati. Nakarating na kami sa Isla Humaling na pagmamay-ari din ng pamilya Fuentes. Kalapit lang ito ng mansion nila Jacob kaya pwedeng-pwede ang disagwan na bangka papunta rito. Binuhat ako ni Jacob pababa ng bangka at inilalayan akong maglakad patungo sa upuang gawa sa kahoy sa ilalim ng nagtataasang puno ng buko. Bumalik siya bangka at kinuha yung dala-dala naming basket na puro pagkain. Hihintayin naming ang paglubog ng araw para daw romantic. Nagkunwari pa akong ayaw ko pero kinikilig din naman ako. Pinagmamasdan ko lang siya habang nilalatag yung banig sa buhangin. Parang kailan lang gigil na gigil ako sa pagiging papansin niya, tapos ngayon kahit na sa simpleng galaw niya ay natutuwa ako. "Pinagnanasahan mo ako 'no?" Paratang niya. Umirap ako.  "Aminin mo na kasi, Summer. Maiintindihan ko naman. Ako nga gandang ganda sa katawan ko eh." Inangat niya ang biceps niya at nag flex. Nag-iwas akong tingin. Tsk! Bakit ba kinikilig ako? Mapanukso ang mga tingin at ngiti niya. Dinakot ko ang buhangin sa paanan ko at inihagis sa kanya. Tawa lang siya nang tawa. Lumapit siya sa akin at inilapit ang kanyang mukha. Malapit na malapit! Kinabahan naman ako na... baka marinig niya ang malakas na kabog ng dibdib ko! Gusto na kumawala ng puso ko sa katawan ko. OMG! Ipinikit ko ang mata ko nang mas lalo niyang ilapit ang mukha sa akin. Naramdaman ko ang malambot na labi niya na dumampi sa ilong ko. Ayun na iyon? Akala ko pa naman sa lips. Ba't dismayado ako?! Iba na 'to! Bahagya akong napatili nang buhatin niya ako papunta sa banig.  "B-Bakit mo pa ako binuhat? Kaya ko naman." namumula pa rin ang pisngi ko. "Alam ko. Nage-enjoy lang akong buhatin ka, eh. Ayaw mo ba?" "G-Gusto.." bulong ko pero alam kong narinig niya 'yon kasi malapad ang ngisi niya. Kinain namin yung laman ng basket na pininyahang manok at adobong baboy na luto ni Aling Fe. May nakahiwa ng peras at ubas ang nandoon. Busog na busog na naman ako! Paborito ko ang pininyahang manok at paborito naman ni Jacob ang adobong baboy.  Umakyat si Jacob sa puno para kumuha ng buko. Kabado naman ako sa taas no'n tapos may hawak pa siyang itak. "San ka natutong umakyat sa puno?" Bakas sa boses ako ang pagkamangha at kaba. "Kay Mang Bitoy. Dadating din daw kasi ang panahon na hindi na siya makakakuha ng buko para sa'kin kaya tinuruan niya ako." Paliwanag niya. "Kapag magaling na ako, turuan mo ako ha?" "Bakit naman?" Natatawang aniya. Isa-isa niyang initak ang buko, umatras ako para hindi ako mahulugan. "Para sa sunod ako naman ang kukuha para sa'yo." Sabi ko.  Pababa na si Jacob. Sapat na ang limang buko na nalaglag para sa aming dalawa. "Hindi pwede, Summer. Delikado saka kaya ko naman. Ikaw ang prinsesa kaya dapat kang pagsilbihan." Natawa akong kaonti. Ako pala ang prinsesa. E 'di siya ang prinsipe ko ganon ba? Ang sarap mamuhay sa ganitong lugar. Tahimik, presko, at wala masyong problema, libre pa ang buko! Sayang lang at hindi ko kasama si Mama at Sunny, matutuwa 'yon dito. Katulad ko rin si Sunny na sabik sa dagat kahit na hindi  marunong lumangoy.  Naengganyo lang naman syia sa dagat dahil si Ariel ang paborito niyang Disney princess. Feeling niya sirena rin siya kapag nasa dagat. "Sakay ka sa likod ko. Iikot kita." Nakangiting aniya. Walang pag aalinlangang sumakay nga ako sa likod niya. Bakit ganon? Kahit na nabilad siya sa araw ay ang bango bango pa rin niya? Inilapit ko pa ang ulo ko sa leeg nyia para amuyin. s**t naman! "Dadalhin kita kubo na ginawa namin ni Mang Bitoy last summer." Sabay turo niya sa loob ng gubat. "Okay." Tumango ako. Mahigpit ang kapit ko sa leeg ni Jacob. Mukha naman safe rito at walang ahas na biglang susulpot sa harapan namin. Minasdan ko ang paligid na halos puno ng buko din. "Okay ka lang? Baka nahihirapan ka na pwede mo naman akong ib---" "No. I'm okay and you're not that heavy, though." He shrugged me off.  Mga limang minuto rin ang nilakad ni Jacob papunta sa kubo nila. Maliit lang iyon at matibay naman tignan. Buhat buhat pa rin ako ni Jacob nung pumasok kameisa loob. Inupo niya ako sa upuang kawayan at binuksan ang dalawang bintana para lumiwanag naman.  Hindi naman madumi ang loob, may mga sapot nga lang sa bawat haligi. Wala naman masyadong kagamitan, upuan at lamesa lang. May isang kwarto at sa loob noon ay may katre. Sabagay, wala naman ding napunta rito kundi sila lang. Simula noong ginawa nila 'to ay di na nila ulit ito nabisita pa. "Naiinitan ka ba, Sums?" Tanong niya. Umusog ako para makaupo siya sa tabi ko. "Hindi. Presko nga eh." Sagot ko "Akala ko talaga noon maarte ka. Yung tipong hindi ka kumakain sa karinderya, sa mga ihaw ihaw at sa ganitong lugar. Kaya nagulat ako nung nakita kita sa food caravan habang nilalantakan yung isaw at barbece na binili mo. Alam mo ba na ang daming nakatingin sa'yo no'n? Naririnig ko pa nga yung nasa kabilang table ko na gusto nilang hingiin number mo. Lalapitan sana kita kaso bigla ka namang nawala. At nung nahanap na kita, nakita ko na hatak hatak ka nung schoolmate natin." . Habang nag kukwento siya ay hindi ko mapigilang hindi mag-isip. Doon naman nag simula ang lahat sa amin. Nang ipagtanggol niya ako sa lasing na lalake na bumastos sa akin. "Schoolmate?" Gulat kong tanong. "Ah, hindi mo siguro siya kilala. Mister CAS 'yon last year at naging varsity din. Natanggal lang kasi laging nakikipagsuntukan sa court. Patay na patay 'yon sa'yo." Aniya. "Patay na patay? Sa'kin?" Hindi pa rin nawawala ang gulat ko. "Oo. Kung alam mo lang, Summer. Napakaraming nagkakagusto sa'yo sa school. Kahit rin sa labas ng school marami. Andami dami kong karibal pag dating sa'yo. Kaya nga sobrang saya ko nung naging mag kaibigan tayo. Ilang beses na rin akong napapa-away dahil may mga naririnig akong hindi maganda sa mga teammates ko at sa iba pang lalake. Hindi ko gusto na pinagpapantasyahan ka nila." "Ah, hayaan mo na..." Sabi ko at ipinilig ang ulo sa bintana. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Parang sinisilaban ang pwet ko sa pagiging aligaga. Ano raw? Pinagpapantasyahan ako? Maraming nagkakagusto sa'kin? Pakiramdam ko bumalik ako sa pagiging teenager.Mga panahong pausbong pa lamang ako. Yung tipong napaka inosente pag dating sa mga crush-crush. Hindi naman bago sa'kin ang mga ganitong pangyayare.  Noong nag-aaral pa ako sa Manila, minsan ay nagtatapat pa sila mismo sa harap ko at dinadaanan ko lang sila. Marami na akong napaiyak at napahiyang lalake sa harap ng maraming tao dahil sa pagre-reject ko sa kanila. Pero ngayon? Parang lahat ng ito ay bago sa pakiramdam ko. Ang weird! Bumalik na kami sa dalampasigan dahil palubog na ang araw. Tahimik namin pinagmasdan ang sunset. Tama nga si Jacob, mas maganda dito pagmasdan ng araw kumpara sa mansion. Mas malawak, mas malinaw, mas tanaw ang buong paligid! Napakaganda talaga ng araw. Nakakamangha kung ano ang nagagawa ng sinag ng araw sa kalangitan. Ang asul na langit ay napalitan ng kahel.  Nakaka-relax pag masdam ng kalangitan. Sa bawat oras na lumilipas, unti-unting nawawala ang araw at napapalitan ng buwan na may kakaiba ring ganda. "Pwede ba akong mag tanong Summer?" Ani Jacob. Nakahiga kaming dalawa sa banig at patuloy na nakatitig sa kalangitan.  "Oo naman. Ano ba 'yon?" "Sino si Clyde?" Nag echo sa isipan ko ang pangalan ni Clyde.. Tama ba ang narinig ko? Binanggit niya ang pangalan ni Clyde? Pero paano niya nalalaman ang pangalan niya? Paano niya nakilala? Maraming tanong ang nasa isipan ko pero ni isang salita walang nabigkas ang labi ko. Bumangon ako at nag-isip nang maayos. Halos sumabay rin si Jacob sa pag bangon ko. "Summer? I-I'm so sorry.Wag mo na lang sagutin. Sorry." Napaharap ako sa kanya bigla nang hawakan niya ako sa likod. Puno ng paga-alala ang mukha niya. Nanunuyot ang lalamunan ko. Pinilit kong lumunok para makapagsalita.  "P-Paano? Paano Jacob? Bakit mo siya kilala?" Bumilis bigla ang paghinga ko. Umakma siyang hahawakan ako pero umatras na ako. Nakita ko ang pagkalungkot niya, nasaktan ko siya ng ganon ganon lang. Ano ba 'to? Nasaktan ko si Jacob! Natatakot ako. Naiiyak ako. Halo halo ang emosyong nararamdaman ko para akong mababaliw kakaisip! "S-Sorry, Su—" "Sagutin mo!" Hindi ko sinasadyang masigawan siya. Nanlaki ang mata ko at umiwas siya ng tingin.  "P-Please answer me..." Hindi ko na napigilan ang maiyak. Nabigla si Jacob sa emosyong ipinakita ko sa kanya. Kita ko sa mga mata niya na gusto niya akong yakapin at patahanin pero natatakot siya na lumayo ulit ako tulad ng ginawa ko kanina. "Nung araw na napahamak ka at inapoy ka ng lagnat... Inakala mo na ako si Clyde. Alam ko na wala akong karapatan sa'yo, Summer. Gusto ko lang malaman kung bakit... B-Bakit kayo naghiwalay. Bakit ka niya iniwan.. Yumuko ako at pinunasan ang mga luha sa pisngi. "Mahal mo pa rin siya 'no." Hindi tanong kundi pagkukumpirma 'yon.  Mariing pumikit si Jacob at nakita kong pinunasan niya ang kanyang luha. Nasasaktan ako sa ganito. Sa nararamdaman niya para sa'kin at sa katotohanang hindi ko 'yon masusuklian. "S-Sorry Jacob.. Tama ka. Mahal ko pa rin siya." Humikhikbing sabi ko. Nasaktan siya sa sinabi ko pero gusto ko nang matapos ang kahibangan na 'to, dahil mapapagod lang siyang mahalin ako. "Iniwan ka niya diba? Hindi ko maintindihan, Summer." kunot ang noo niya. Hindi na ako nagsalita pa at umiyak na lamang ako. "Summer? Bakit? Mahal kita, Summer. Mahal na mahal. Gagawin ko lahat lahat para sa'yo, para makalimutan mo siya." ramdam ko ang pagiging desperado sa boses niya. "Ayaw ko siyang makalimutan, Jacob. A-Ayaw ko siyang kalimutan..." Nanginginig ang balikat ko. Narinig ko ang pagmumura ni Jacob. Hindi ko siya kayang tignan ng ganyan. Natatakot ako sa pwedeng mangyare. "Bakit Summer? Ako na lang, please? Ako na lang." Pagsusumamo niya. "N-No." "Summer...." "Hindi mo siya kayang palitan, Jacob. Hindi mo siya mapapalitan sa puso ko." Isang masakit na salita ang binitawan ko Napupuno lang ng takot ang puso ko, hindi pa ako handa eh. Sinabi ko lang 'yon para hindi na siya umasa pa sa'kin. "Nagpapakatanga ka sa mga taong wala namang kwenta!?" Sinampal ko si Jacob sa pagkakataong ito. Alam kong nasasaktan siya ngayon pero wala siyang karapatang pagsalitaan si Clyde ng ganon at sa harapan ko pa talaga! Naka-awang ang bibig ni Jacob sa gulat.  "Wala kang alam, Jacob, kaya manahimik ka!" Buong buo ang sigaw ko na halos maputol na ang mga ugat sa leeg. "Gusto ko lang magising ka sa katotohanang hindi na siya babalik!" singhal niya pabalik. "Hindi na talaga siya babalik pa.. dahil... patay.. p-patay na siya!" Humagulhol ako at napapikit. "Summer.. Bakit? Anong... paano.. Summer...." "Patay na siya, Jacob. Patay na siya!" Hindi na nakaimik pa si Jacob, nagtitigan na lang kami. "Alam mo ba ang pakiramdam na mamatay sa harap mo yung taong mahal mo? Ha?! Alam mo ba yung hirap na dinanas ko dahil kahit ipikip ko ang mga mata ko, kitang kita at malinaw pa rin sa memorya ko lahat lahat. Kasalanan ko eh. Ako ang may kasalanan bakit siya namatay! Kung hindi sana ako naging mahina.. kung sana ay inalis ko agad siya sa kotse... Ipinagtanggol ko ang sarili ko sa lahat, dahil sinisisi nila ako sa pagkamatay niya. Pero alam mo ba, Jacob? Alam mo ba na kasalanan ko naman talaga eh. Kung hindi ko sana siya inaway nung gabing 'yon edi sana buhay pa siya. Ang tanga tanga ko! Ako dapat yung namatay! Ako! Tama sila eh, sinira ko yung buhay niya... sinira ko ang maganda at masayang buhay niya dahil sa'kin!" Niyakap akong mahigpit ni Jacob, mahigpit na mahigpit na kahit anong gawin kong pag pupumiglas ay hindi ko magawa. Nanginginig ang buo kong katawan, hindi dahil sa lakas at lamig ng hangin na dumadampi sa balat kundi sa takot na nararamdam ko sa alaala ng nakaraan. Buwan pa lang ang lumipas kaya sariwa pa rin ang sakit. "Kasalanan ko e.. kasalanan ko... sana ako na lang yung namatay." "Ssshhh. Tahan na, Summer. Tahan na... wala kang kasalanan. Sshhhhh." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD