TAYO NA? Mapanuri ang mga titig na ibinabato ng mga kaibigan ko sa Akin habang nagte-take kami ng exam. Mabuti na lang at late akong pumasok dahil alam ko namang uusisain nila ako sa pagkawala ko. Normal lang naman iyon pero wala pa akong ganang mag kwento. Sasakit lang ang ulo ko sa pangungulit ng mga kaibigan ko, lalo na si Abby na mainit ang dugo kay Jacob. "Sumsum? Kamusta ka na?" Tanong ni Janna na nakapamaywang sa likuran ko. Alam ko naman kung saan 'to patungo at hindi talaga ako makakatakas sa kanila. Kaklase ko sila at syempre, sabay-sabay kaming kukuha ng exam. "Oks lang. Why? Miss mo ako 'no?" "Yes. Miss na miss ka namin kahit na bigla ka na lang nawala na parang bula." Ani Luis. Napapalibutan nila akong apat ngayon kaya mahirap na talaga umiwas. Hindi ako makakapag walk-

