KABANATA 22

1787 Words
BABY Pagkagising ko ay maginhawa na ang pakiramdam ko. May sarili akong nurse na hinire ni lola. Ilang beses na rin akong sinubukang kausapin ni Mama pero hindi ko pa kaya. Si Sunny at Lola lang ang kinakausap ko. Buong araw lang akong nakahiga sa kama at nag-aaral. Gahol na ako sa oras kaya sine-seryoso ko ang pagaaral. Hindi na ako nanghiram kila Janna ng notes dahil alam kong abala rin sila at ayaw ko na magaalala pa sila. Saka ko na sila haharapin kapag pumasok na ako bukas. Hindi ako makapag-focus kakaisip kay Jacob. Nakauwi ba talaga siya? Kamusta na kaya siya? Andaming tanong ang tumatakbo sa isip ko ngayon. Hindi ko siya maialis sa sistema ko. Namimiss ko na si Jacob. Sobra! Tinawag ko yung nurse para dalhin ako kay lola. Pansamantala kasi muna akong pinagamit ng wheelchair para raw mas bumilis ang paggaling ng paa ko. Magaling naman na talaga 'to. Dahil lang sa nangyare noong isang gabi ay bumuka ang hiwa nito at mas lumaki ang sugat. Nang dinala ako ng nurse kay lola ay hindi ko na sinayang ang oras at kinausap ko siya. "Ano iyon, apo? May kailangan ka ba?" Nakangiting tanong ni Lola pagpasok ko. Huminga akong malalim para mawala ang kaba ko. "Lola? Uhm, sabi niyo po na nakauwi na si Jacob sa kanila? P-pwede po ba akong bumisita sa bahay nila?" "Nakapagpaalam ka na ba sa mama mo?" "H-hindi po. Sa'yo lang po ako magpapaalam, La." Ibinaba ni Lola ang hawak niyang libro, kumunot ang noo niya. "Apo.. mabuti pang magkaayos muna kayo ng mama mo. Kausapin mo muna siya..." Suminghap ako, ayokong ipilit pa ang gusto ko. "Tsaka na lang lola. Sige salama---" "Pinapayagan kita." Putol ni Lola "P-po? Talaga po?" Abot tenga ang ngiti ko.  "Oo naman. Sasabihan ko si Mang Boy na ihatid ka. Sige na, umalis ka na bago pa mag bago isip ko."  Walang ano ano'y umalis na agad ako. Bihira lang mapakiusapan 'tong si lola lalo na't andito naman si mama. Tinulungan akong mag bihis ng nurse at inayusan ko ang sarili kahit papaano. Naglagay akong kaonting make-up para bumalik ang kulay sa mukha ko. Napuno ako ng excitement dahil makikita ko na ulit si Jacob. Sobrang miss ko na! Gusto ko rin syang makausap tungkol sa nararamdaman ko sakanya. Nagtanong tanong na lang ang driver ko sa mga taong nadaanan para maituro kung saan nakatira ang mga Fuentes. Hindi ko kasi alam kung saan, eh. Mabuti na lang at marami ang nakakakilala sa pamilya nila kaya hindi na kami nahirapan pa. Medyo may kalayuan iyon mula sa hacienda.  Napapaligiran ng mga matataas na pader ang bahay nila Jacob. Labas pa lang ng bahay nila, masasabi mo nang mayaman ang mga nakatira. Bumaba na ako ng sasakyan habang inaalalayan ako ni Mang Boy. Kinuha ko ang saklay ay dahan dahang tumayo. Masakit sa kilikili pero okay na rin kesa gumamit pa ako ng wheelchair. Pinauwi ko na muna si Mang Boy sa mansyon, sinabi ko na magtetext na lang ako sa kanya kapag magpapasundo na ako. Okay lang din naman iyon kay lola. Hindi alam ni mama na pinuntahan ko si Jacob, may pinagkakaabalahan siya at wala naman akong balak pang alamin iyon. Automatic na bumukas ang malaking gate ng bahay nila Jacob, namangha ako. Masyadong high-tech ang bahay nila para sa probinsya. Sa laki at ganda ng bahay ni isang katulong wala. Pansin ko na kahit guard ay wala. Ang gandang bahay naman nito para maging abandonado. Teka... tama ba 'tong bahay na pinasukan ko? "Tao po.." Tawag ko, nag echo lang ang boses ko.  Wala rin masyadong gamit ang bahay pero lahat ng naroon ay siguradong mamahalin.  "Tao po! Jacob?" Wala pa rin. Tiningala ko ang malaking chandelier, bukas naman kaya malamang may tao. "Jacob si Summer 'to!" Sobrang lakas ng pagkakasigaw ko. Wala pa rin talagang lumabas.  Paalis na sana ako ng may yumakap sa baywang ko galing sa likuran. Hindi ko man nakikita kung sino iyon, nakasisigurado ako na si Jacob 'to. Sa paraan nang pagyakap, hinga, amoy at hawak, si jacob talaga 'to. Natutuwa ang puso ko sa nagyayare. Ang saya, ang sarap sa pakiramdam na kasama ko na siya. "Baby, wag ka namang sumigaw. Hindi naman ako bingi, e." malambing niyang sambit sa tenga ko. Tama ba ako nang pagkakarinig? Baby? Tinawag niya akong baby?! Kumababog ang puso ko. "A-antagal mo kasing lumabas. Akala ko walang tao..." nag-init ang pisngi ko. "I miss you, my baby.." bulong niya. Tinanggal ko ang mga braso niya sa baywang ko at dumistansya sa kanya. Lumakas lalo ang pintig ng puso ko, parang may karerang nagaganap! "Wag mo nga akong tawaging baby! Tse!" pagiinarte ko, kinikilig talaga ako.  Natawa lang siya at pinisil ang dalawa kong pisnge. "Bakit naman? I want to call you baby because you're my baby." ngumuso siya.  "Bwiset ka!" Singhal ko para mailabas ang kabang nararamdaman, himigpit ang kapit ko sa saklay. Nagiinarte lang talaga ako pero sa kalooblooban ko ay natutunaw ako. Kinikilig ako! Sa simpleng pag tawag niya sa'kin ng baby halos mawasak ang puso ko sa kilig! "Halika, kain tayo. Nagluto akong carbonara." aniya. Kung titignan ko lang siya, wala na itsura niya 'yung nangyare sa amin last time. Mukhang okay naman na siya. Salamat naman. "B-bakit mo ako tinititigan?" Tanong ko. Tumigil  siya sa paglalakad at bigla na lang akong tinitigan. Napapangitan ba siya sa akin ngayon? Madiliim ang ekspresyon ng mukha niya.  "Huy?" Mabilis na lumapit sa akin si Jacob at binuhat ako. Napatili ako sa ginawa niya at nabitawan ko ang dalawang saklay na gamit. "Huy! Ano ba!?" Iniupo niya ako sa high chair at inasikaso ang kakainin ko. Nakakunot lang ang noo ko dahil sa nangyare. Masyado namang nakakagulat! Pwede naman niya ako sabihang maayos. Pinagmasdan ko lang siya habang tahimik akong pinagsisilbihan. Inilapag niya ang plato na may lamang carbonara, natakam tuloy ako. Ang awkward lang sa pakiramdam na pinapanuod niya akong kumakain. "Stop staring at me!" Basag ko sa katahimikan. Ang madiliin na ekspresyon ay umaliwalas ulit. Gumaan na rin ang pakiramdam ko. "I can't. You're so beautiful, baby..." nakapangalumbaba siya at nakangisi sa akin. Nagiwas akong tingin. Halos mabilaiukan ako sa sinabi niya. Bakit ba ang sweet niya?! Hindi naman ako na-inform na magiging sweet siya sa'kin ngayong araw edi sana nakapag handa ako. "Kamusta ka na pala?" Pagiiba ko sa usapan "Uhm, okay naman. Andito ka na, eh. Noong isang araw pa kita hinihintay." Binalingan ko siyang tingin, "Talaga? Why?" "Miss na kita, eh."  Tss. Akala ko naman seryoso na. "Bakit hindi ka pumunta sa bahay?" Tinaasan ko siya ng kilay. "I can't. Baka mag away kayo ng mama mo." Alam niya? Paano? Natigil ang usapan dahil na speechless ako. Nadadala niya ako sa pag tawag niya sa'kin ng 'baby' parang may halong spell. Tumikhim ako, "Ang hirap naman hanapin ng bahay niyo... kaya nagtanong-tanong kami. Bakit pala ikaw lang mag isa rito? Anlaki-laki ng bahay mo tapos ikaw lang?" "Every sunday, may napunta rito. Mga naglilinis ng buong bahay at swimming pool." Nabuhayan ang loob ko nang nabanggit niya ang pool. Namiss ko na rin mag swimming eh! Pero mas namiss ko ang dagat sa La Sierra. "Swimming pool? May swimming pool dito?!" "Yes, baby. You wanna go there? I'll carry you." Nakangiting aniya. Nagiinit na naman ang pisnge ko. Kainis! Hinayaan ko siyang buhatin ako, umupo kami sa gilid ng pool at ibinabad ko ang isa kong paa na walang benda. Nakakamiss mag tampisaw sa dagat. Gusto ko na bumalik doon. I miss the breeze, sea and Aling Fe and Mang Bitoy! "Masaya ako na binisita mo ako. Alam ko kasi na busy ka kaka-review para sa exam bukas." "Paano mo naman nalaman?" Tanong ko. "Kay Sunny. Inu-update n-ya ako." Pinanliitan ko siyang mata. Ipinakita ni Jacob ang phone niya at nakita ko ang mga pictures ko na nagbabasa, kumakain at nakaupo sa wheelchair. Halos hugis 'O' na ang bibig ko sa pagkakagulat. Kaya pala alam niya na nagaaway kami ni mama dahil nagsasabi si Sunny sa kanya. Tsk! Malilintikan talaga 'yong batang 'yon sa'kin! "Sana magkaayos na kayo ng mama mo." Hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi malungkot sa tuwing naalala ko ang pagtatalo namin ni Mama. Sana nga magkaayos na kami. Umaasa ako na sana matanggap niya si Jacob. "Hey.. don't be sad, baby.." hinawakan niya ang baba ko at marahang ini-angat sa kanya. "S-stop calling me baby.." tinignan ko ang mata niya, pulang-pula na ang pisngi ko. Ang lalim ng mata niya, pakiramdam ko malululunod ako kakatitig doon. "Namumula ka baby.." "H-hindi!" "Alam mo bang gusto kitang halikan ngayon?" Nakatitig lang din siya sa'kin. Nanuyot ang lalamunan ko at nanlamig ang kamay. "Pwede ba?" Para akong robot na automatic na tumango sa sinabi niya. Napapikit ako nang malapit na malapit na ang mukha niya sa'kin. Naramdaman ko ang malambot niyang labi na lumapat sa labi ko. Naghuhurumentado ang sikmura ko dahil sa mga pesteng paru-paro na 'yan! Dumaloy ang kuryente sa buong kong katawan sa halik niya. Dinistansya niya ang kanyang mukha para tignan ako, ngumiti siyang sobrang tamis. Hindi ako makapaniwala na hinalikan niya ako.  Inilapit niya muli ang mukha sa'kin kaya ipinikit ko ang mata ko. Ilang sandali ay nagkadikit na naman ang labi namin. Kanina ay dampi lang, ngayon ay iginagalaw na niya ang labi nya, agad ko namang tinugunan iyon. Marahan, masuyo, nakakapaso. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Pakiramdam ko ay nawawala na ako sa sarili sa halik niya. Nalalasing ako. Marahang at punong puno nang pagmamahal ang halikan namin ni jacob. Bago pa lumalim 'yon ay kumalas si Jacob at niyakap akong mahigpit. "I'm sorry, baby... baka hindi ko mapigilan ang sarili ko, eh." "Ah, ayos lang Jacob..."  Ako rin. Baka hindi ko na rin mapigilan ang sarili sa mga susunod pang mangyayari. Binuhat ako ni Jacob patungong salas at iniupo sa malaking kulay cream na couch. Ang laki-laki talaga ng bahay na 'to para sa iisang tao lang. Ang lungkot ng pakiramdam ko sa paligid. "Baby?" he called softly. "B-bakit?" napasinghap ako. "Can I call you baby from now on?" I looked at him, smiling. "Really? Tinatanong mo ako? Kanina mo pa nga ako tinatawag na baby eh." Hindi ko mapigilan ang hindi matawa. Nagsalubong ang kilay ni Jacob, mas lalo akong natatawa. "Hmm, sabagay. Pumayag ka man o hindi, I'll still call you my baby.." "Tse!" "Namiss kita."  "Miss din kita..." I admitted. "Talaga?!" his eyes widened, happy. "Oo nga. Ayaw mo ba?" I giggled, tinanguan ko siya. Halos mapunit na ang labi ni Jacob sa sobrang lapad ng ngiti. Sinabi ko lang naman na namiss ko siya ganyan na agad reaksyon niya? Paano pa kaya kung sabihin ko sa kanyang mahal ko siya, baka mapunit na talaga ang labi niya. Tumawag sa phone ko si Mang Boy at sinabi na nasa labas na siya ng bahay ni Jacob. Ayaw ko pang umuwi pero ayaw ko rin namang abusuhin ang pag payag ni lola. "Uwi na ako, Jacob. See you tomorrow!" At sa huling pagkakataon, binuhat niya ulit ako papasok sa sasakyan at iniabot ang saklay. "Bye, baby. See you tomorrow!" Sabay kindat at sara ng pinto. Nahiya tuloy ako bigla. Narinig kasi 'yon ni Mang Boy kaya nakakahiya! 'Di ko tuloy mapigilan ang pagpula ng pisnge ko. Kukutusan ko talaga 'yon bukas sa school!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD