CHAPTER 23 – B ** THIRD PERSON POINT OF VIEW ** Napatitig si Jamir sa dagat habang hinihintay si Ayn na matapos na maligo. Ngayon ang alis nila pabalik ng Maynila at mula nong mga nangyari kagabi ay hindi na sila nag-usap pa. Hindi maintindihan ni Jamir ang nararamdaman niya. Gusto niyang gulpihin si Dylan dahil sa ginawa niyang pagtakas sa girlfriend niya pero may parte sa loob niya na pinipigilan niya dahil sa simula pa lang ay si Dylan ang unang lalaking minahal ng kanyang kasintahan. Inaamin niyang kinakabahan siya sa maaring mangyari sa relasyon nila lalo pa at nagpakita ngayon ang lalaking naging parte ng kanyang nakaraan. Hindi man sabihin ni Jamir ang nararamdaman niya pero alam niyang nararamdaman ni Ayn ang gusto niyang iparating. Napabuntong hininga siya sa kanyang n

